Tuluyan nang tinuldukan ni Liza Soberano ang koneksiyon niya sa dating loveteam partner at boyfriend na si Enrique Gil.
Ito'y matapos niyang i-unfollow sa Instagram ang aktor.
Noong Lunes, January 19, 2026, napansin ng ilang netizens na wala na ang pangalan ni Enrique sa following list ni Liza sa Instagram.

Kung bibisitahin ang following list ni Enrique ay hindi na rin makikita ang pangalan ni Liza.

Ibig sabihin, pareho nang in-unfollow nina Liza at Enrique ang isa't isa sa Instagram.
Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue
Noong August 14, 2025, isinapubliko ni Liza sa episode ng Can I Come In podcast ang kinahantungan ng halos walong taon nilang relasyon ni Enrique.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong inamin ni Liza ang breakup nila ni Enrique, kahit matagal naman na itong usap-usapan.
Read: Liza Soberano finally confirms breakup with Enrique Gil
Pagtatapat ni Liza, mahigit tatlong taon na silang break ng aktor.
Tumutugma ito sa December 2023 report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na October 2022 pa hiwalay ang couple.
Read: Liza Soberano inaming break na sila ni Enrique Gil sa isang unreleased interview
Pag-amin noon ng aktres, may mga bagay siya noong isinaalang-alang kung kaya't hindi niya agad inamin sa publiko na hiwalay na sila.
Una, nakiusap daw sa kanya si Enrique na gawin muna nila itong pribado.
Pangalawa, aminadong nakaramdam daw ng takot si Liza sa posibleng mangyari sa kanyang showbiz career sa Pilipinas kung saka-sakaling malamang break na sila ni Enrique.
Dagdag pa rito na bago pa man daw sila magdesisyon ni Enrique na maghiwalay ay nararamdaman na niyang hindi na siya masaya sa piling ng aktor.
Pansamantala raw itong ipinagsawalang-bahala ni Liza sa takot niyang sabihin at kumprontahin si Enrique sa tunay niyang nararamdaman.
Read: Liza Soberano’s breakup interview with Enrique airs after 2 years
Sa ngayon, isang young content creator ang nali-link kay Enrique.
Read: Is Enrique Gil dating a young content creator?
LIZA UNFOLLOWS RUMORED BOYFRIEND JEFFREY OH
Samantala, maliban kay Enrique, napansin din ng netizens ang pag-unfollow ni Liza sa rumored boyfriend niyang si Jeffrey Oh.

Si Oh ang dating kasosyo ni James Reid sa Careless Music, ang dating talent management company na humahawak sa showbiz career ni Liza, makaraang umalis ng aktres sa poder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager na si Ogie Diaz.
Naka-private ang Instagram account ni Oh kaya hindi matukoy kung in-unfollow na rin nito ang aktres.
Suspetsa ng netizens, mukhang tuluyan nang pinutol ni Liza ang anumang ugnayan niya kay Oh.
Naging kontrobersiyal noon si Oh nang i-terminate ni James ang kontrata nito bilang "bussiness consultant," matapos madiskubre ni James ang undisclosed deals na ginawa ni Oh na hindi umano nito ipinapaalam sa kanya.
Read: James Reid terminates Jeffrey Oh from Careless: "He's a fraud!"
