PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Reid terminates Jeffrey Oh from Careless: "He's a fraud!"

Jeffrey Oh has yet to speak up about the issue.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 18, 2024
James Reid terminates Jeffrey Oh from Careless
James Reid (left) on terminating Jeffrey Oh (right) from Careless Music: "I’ve been working with him for a very long time and it turns out he wasn’t the person he said he was...At the end of the day, his true colors showed, and he’s a fraud. I’m very happy that he’s gone now."
PHOTO/S: Careless Music PH on Facebook

Aminado si James Reid na naloko at napaikot siya ng American-Korean businessman na si Jeffrey Oh.

Si Oh ang kasosyo ni James sa pagpapatakbo ng Careless Music, ang record label at talent management company ng singer-actor.

Pero paglilinaw ni James sa ABS-CBN News, hindi parte ng korporasyon o board of directors si Oh. Ang role daw nito sa Careless Music ay "bussiness consultant."

Read: Meet Careless Music's diverse roster of talents

Tanging si James lang daw ang nakapangalang CEO ng nasabing talent management.

Pero taliwas ito sa pakilala kay Oh noong June 2022 nang pumirma ng kontrata si Liza Soberano sa Careless Music .

Dito ay sinabi na si Oh ay co-CEO ni James.

Read: CONFIRMED: Liza Soberano is no longer with Careless Music

James Reid terminates Jeffrey Oh from Careless
Photo/s: Careless Music PH on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: James Reid says it was Liza Soberano's decision to leave Careless

Sa hiwalay na panayam ni James sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz nitong Martes, September 17, 2024, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Rodel de Guzman, inanunsiyo ni James na hindi na konektado at awtorisado si Oh sa anumang transakyong may kinalaman sa Careless Group of Companies simula pa noong July 2.

Si James na raw mismo ang nagtanggal o nag-terminate dito matapos niyang madiskubre ang undisclosed deals na ginawa noon ni Oh na hindi nito ipinapaalam sa kanya.

JEFFREY OH'S IMMIGRATION ISSUE

Nagsimula raw ang paghihinala ni James kay Oh nang arestuhin ito ng Bureau of Immigration noong nakaraang taon.

Noong July 28, 2023, inaresto at na-detain si Oh sa Bureau of Immigration (BI) facility sa Bicutan, Taguig City, matapos mapag-alamang may problema ito sa work permit sa pag-o-operate ng business sa Pilipinas, maging sa kanyang visa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalaya siya noong August 4 matapos magbayad ng piyansa.

Read: Careless CEO Jeffrey Oh allegedly arrested, facing deportation

Dito na raw nagdesisyon si James na kumuha ng abogado para malinawan ang tunay na nangyayari kay Oh at sa kanyang kumpanya.

Sabi ni James, "I met Atty. Rodel last year to help with a lot of the issues when Jeff was originally arrested for immigration issues and we had hired our attorney to look into the companies and an audit, just to resolve and fix everything."

Dugtong ni Atty. de Guzman: "Actually, si Liza [Soberano] ang kumausap sa amin para tulungan ang Careless Group at pag-aralan kung ano yung mga nangyayari.

"Bandang August 2023, nag-umpisa, naglabas kami ng audit findings, pinaliwanag namin kaharap si Jeffrey Oh.

"Marami pang posibleng maging problema pa ang kumpanya pero ang pinakamalaking nakita namin ay kulang ang papeles ni Jefrrey Oh para magtrabaho dito sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nirekomenda namin sa kumpanya na dapat alisin muna yung mga kulang ang papeles at saka namin aayusin pa yung ibang problema ng kumpanya.

"Ang naging reminder ko nga kay James, ang Careless ay iisa lang ang rehistradong may-ari, si James Reid lang. So, kung anuman maging problema ng kumpanya at tauhan niya, siya ang madadawit.

"Kaya napag-usapan na namin na dapat pormal na alisin si Jefrrey Oh para alam ng publiko na wala nang relasyon si Jeffrey Oh doon sa mga kumpanya."

JEFFREY OH'S Questionable business practices

Maayos at pormal naman daw ang pagtanggal ni James kay Oh sa Careless Music. Personal daw niya itong kinausap kasama ang kanyang abogado.

Willing naman daw noon si Oh na makipag-cooperate sa abogado ni James.

Humingi pa nga raw ng isang araw si Oh para maihanda ang mga papeles na may kaugnayan sa accounting sa mga nailabas at naipasok niyang pera sa kumpanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagbigyan daw ito ng panig ni James, pero bigla umanong lumipad pa-Los Angeles si Oh nang hindi nagsasabi sa kanila.

Pahayag ni Atty. de Guzman: "Ang isang naging problema kasi ay kulang na kulang sa dokumentasyon yung mga naging transaksiyon nila under sa Careless Group.

"Kasama sa naging usapan ay idu-document namin lahat ng kulang para mapatakbo nang maayos ang kumpanya.

"E, ang nangyari, nag-postpone siya nang nag-postpone. Nabalitaan na lang namin na lumipad na siya pa LA, hindi na kami binalikan.

"Nagpasabi na lang siya sa isang kaibigan niya na ayaw na niyang makipag-usap sa amin.

"Ang ginawa namin, pinadalhan namin siya ng mga sulat kasi marami siyang naging accountability dito sa Pilipinas."

Read: Ama ni James Reid, pinaghihinalaang nagsuplong sa Careless CEO na si Jeffrey Oh

Pagbabahagi pa ni Atty. de Guzman, may kinalaman sa pera kung bakit nila hinihingan ng report of expenses si Oh, na hanggang ngayon ay hindi pa nito naibibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tantiya raw nila, aabot sa PHP100 million ang nakuhang pera ni Oh kay James dahil sa undisclosed deals, gamit ang pangalan ng Careless Music at iba pang negosyo ng aktor.

Bukod pa raw rito ang nawawalang pera sa iba pang hawak na kumpanya ni James.

Saad ni Atty. de Guzman: "Dalawang parte yan, yung mga dating obligasyon na nakita namin... siguro umaabot ng more than a hundred million.

"At itong mga bagong obligasyon na magmula noong sinabi namin sa kanya na, 'Huwag ka munang ma-involve kasi nga inaayos pa namin yung kumpanya,' e, mayroon pa rin palang panibagong obligasyon na lumitaw na hindi namin alam na pinasok niya.

"Ginamit niya yung pangalan ng Careless, pangalan ng Island City na kumpanya rin ni James, pati na rin yung kumpanyang binubuo namin, yung Private Label, ginamit niya.

"Ang nangyari kasi, dahil ni-represent niya yung sarili niya as a CEO ng kumpanya, e, si James lang naman yung may-ari ng kumpanya... legally si James ang hahabulin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JAMES ON JEFFREY: "HE TRICKED ME... HE'S A FRAUD!"

Wala raw kaalam-alam si James sa nangyayari sa kanyang kumpanya dahil malaki ang tiwala niya noon kay Oh.

Natauhan lang daw siya nang ilatag sa kanya ng abogado ang mga nawawalang pera sa Careless Music na pinaghihinalaang dahil kay Oh.

Ani James: "I had no idea a lot of this was happening. It was actually happening for months and had kept me separate from the rest of my team, kept me in the dark about all of these business dealings telling me, ‘Oh, nothing’s happening, I’ll let you know.’

"It wasn’t until I came forth and finally met with [Atty. Rodel] and explained to him all of the business dealings I had with him and all the relationships I had with Jeff.

"And how much money he owed me, the contracts that he never gave me.

"And finally, when all of that came out, his official recommendation to terminate him and give him a chance to sign those contracts and make those deals right, wala. He left. He tricked me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ve been working with him for a very long time and it turns out he wasn’t the person he said he was."

Kung susumahin, January 2023 pa raw noong nagkaroon ng problema sina James at Oh pagdating sa pagde-deal sa kanilang mga sponsor.

Nangyari ito sa isinagawa nilang Wavy Baby, isang music festival na inorganisa ng Careless Music.

Kuwento ni James, "He once again kept me in the dark about the music festival and all the sponsors.

"I didn’t find out until two days before the concert that he didn’t actually close any of the sponsors.

"So I ended up fronting almost the entire thing, to which he promised to pay me back, but it never happened."

Sa kabila ng nangyari, ang tanging ipinagpapasalamat na lang daw ngayon ni James ay nawala sa kanyang kumpanya si Oh.

Ngunit hindi raw ibig sabihin ay hindi na pagbabayaran ni Oh ang mga ginawa nitong kalokahan habang nasa Careless Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos lang daw ang masusi nilang imbestigasyon ay hindi malayong sampahan nila ito ng kaso.

Sabi ni James, "At the end of the day, his true colors showed, and he’s a fraud. I’m very happy that he’s gone now.

"Our entire team, staff, and everyone is a lot happier that he’s out of the picture and things are starting to make sense."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid (left) on terminating Jeffrey Oh (right) from Careless Music: "I’ve been working with him for a very long time and it turns out he wasn’t the person he said he was...At the end of the day, his true colors showed, and he’s a fraud. I’m very happy that he’s gone now."
PHOTO/S: Careless Music PH on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results