Tinuldukan na nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos ang mga haka-haka patungkol sa kanilang relasyon.
Kumalat ang balitang nagwakas na umano ang kanilang pagmamahalan matapos mapansin ng ilang netizens ang pag-a-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram.
Dahil dito, umugong ang espekulasyong maaaring may problemang kinakaharap ang relasyon ng dalawa.
Read: Robi Domingo speaks on reported tension with John Lloyd Cruz
John Lloyd and Isabel spotted together in Thailand
Ngunit napawi ang pag-aalala ng kanilang mga tagahanga nang maispatan sina John Lloyd at Isabel na magkasamang nagbabakasyon sa Thailand, sa gitna ng napapabalitang hiwalayan nila.
Noong January 23, 2026, ini-repost mismo ni Isabel sa kanyang Instagram Stories ang ilang litrato nila ni John Lloyd sa Thailand, kasama ang iba pa nilang kaibigan.
Sa unang litrato, makikita si Isabel na nakadantay sa dibdib ni John Lloyd habang sila ay kumakain sa isang restaurant.
Si John Lloyd naman ay kunwa'y kakagatin sa mukha si Isabel.

Sa sumunod na litrato, makikita naman silang tila nasa isang balcony habang masayang nagtatawanan—palatandaan na walang katotohanan ang mga isyung ipinupukol sa kanilang relasyon.
Dagdag pa rito ang caption ng kaibigan nilang uploader na, “Parang sila pa?”

Sa huling litrato na ini-repost ni Isabel, makikita ang larawan nila ni John Lloyd na magkayakap sa isang mirror selfie kasama ang kanilang mga kaibigan.

Noong January 14, 2026, nagsimulang pagdudahan ang payapang relasyon nina John Lloyd at Isabel matapos mapansin ng kanilang followers na hindi na lumalabas sa kanilang following list ang isa’t isa.
Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos unfollow each other on Instagram
Gayunpaman, nananatili pa rin silang naka-follow sa orihinal na Instagram account ni John Lloyd na @dumpsitegallery.
Matagal nang ginagamit ni John Lloyd ang nasabing account noong panahon ng kanyang showbiz hiatus.
Ngunit nang magbalik siya sa industriya noong 2021 bilang contract artist ng Crown Artist Management ni Maja Salvador, gumawa siya ng hiwalay na account na para sa kanyang trabaho—ang @johnlloydcruz83.
Ito ang account na in-unfollow ni Isabel.
Read: Isabel Reyes still following John Lloyd in his other IG account
