Umani ng samu’t saring reaksiyon online ang pagbebenta ni Maria Ozawa kay Boss Toyo ng pag-aari niyang pink underwear.
Sa episode ng YouTube show ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstars na ipinalabas noong January 26, 2026, mapapanood ang personal na pagpunta ni Maria sa shop ng rapper-entrepreneur upang ibenta ang kanyang underwear.
Inilarawan ni Maria ang pink underwear bilang “vintage” at “lucky charm” dahil ilang beses na umano niya itong nasuot sa mahahalagang event, lalo na tuwing nasa Pilipinas siya.
Aniya: "I was wearing this for a long time, smells like me also.
"This is, like, a good luck charm for me. I wear it, like, every time I have an event.
"When I first came here to the Philippines, I had a big event and then I was wearing that.
"And I thought if I'm famous enough here in the Philippines, do you think I can auction that?"
Suot pa ni Maria ang nasabing underwear nang magtungo siya sa shop ni Boss Toyo.
Kuwento ni Maria, napanood niya ang isang episode ng Pinoy Pawnstars kung saan naibenta ng Russian adult actress, content creator, at YouTuber na si Eva Elfie ang kanyang underwear sa halagang PHP15,000, kaya naisipan din niya itong subukan.
Upang makilatis at mapresyuhan ang underwear, hiniling ni Boss Toyo na ito ay hubarin ni Maria.
Read: Boss Toyo, "binili...inamoy" underwear of adult star Eva Elfie

MARIA OZAWA’S UNDERWEAR PRICE
Nagsimula sa PHP150,000 ang asking price ni Maria para sa kanyang pink underwear.
Mabilis itong tinawaran ni Boss Toyo ng PHP10,000, ngunit hindi pumayag si Maria at sinabing hindi siya bababa sa PHP50,000.
Read: Boss Toyo admits past drug addiction; relates to Imburnal Girl
Sinubukan pang itaas ni Boss Toyo ang alok sa PHP15,000, ngunit nanindigan ang kilalang Japanese adult star na mahalaga at suwerte sa kanya ang underwear kaya hindi niya ito maibibigay sa mababang halaga.
Sa huli, nagkasundo ang dalawa sa presyong PHP20,500.
Pinirmahan pa ni Maria ang nasabing underwear bilang bahagi ng transaksyon.
Ayon kay Boss Toyo, ipapa-frame niya ang pink underwear ni Maria at idi-display ito sa Pinoy Pawnstars museum, katabi ng iba pang collectible underwears mula sa mga kilalang personalidad na nagbenta rin sa kanya.
Read: Maria Ozawa reacts to David Licauco's viral Family Feud answer
NETIZENS’ REACTIONS
Samantala, umani ng samu’t saring reaksiyon online ang pagbebenta ni Maria ng kanyang underwear.
May ilang netizens ang tinukso si Boss Toyo sa umano’y mababang presyong inialok nito sa gamit ng tinaguriang “legendary” na si Maria.
Pahayag ng isang netizen (published as is): "Kahit 100k naman boss toyo grabe ka naman di kana naawa, tsaka bisita naten yan legendary. Wag nyo po baratin hahaha."
Saad pa ng isa (published as is): "Isa din eto sa dahilan kung bakit matangkad ako thank you maria ozawa."
"Grabe namang panty yan ang mahal, pero kasi Maria Ozawa na yan e aarte pa ba," dagdag pa ng isa.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang lawak ng kasikatan ni Maria, lalo na noong mid-2000s sa kasagsagan ng kanyang karera sa paggawa ng adult films.
Read: Jose Sarasola still friends with ex-girlfriend Maria Ozawa
Matapos ang ilang taon ng pagiging aktibo sa industriya, tuluyan nang nagretiro si Maria at nagsimulang mag-explore ng iba’t ibang proyekto sa labas nito.
Lumabas siya sa ilang international at local films at naging aktibo bilang social media personality at entrepreneur.
Napanood si Maria sa defunct Kapuso series na Pulang Araw, kunsaan siya gumanap bilang si Haruka Tanaka—ang ina ng karakter ng aktor na si David Licauco.
Read: Maria Ozawa on playing David Licauco's mother in Pulang Araw
