Pinabulaanan ng kampo ng beauty queen na si Samantha Panlilio ang alegasyong sangkot siya sa diumano'y pambubugbog at pagditena sa driver ni Rhian Ramos na si Bonifacio Baro.
Ang legal counsels ni Samantha na sina Atty. Buenaventura Miranda at Atty. Carl Jon Mucho ng Chavez, Miranda, Aseoche Law Offices ang naglabas ng pahayag ngayong Biyernes ng gabi, January 30, 2026.
Tinawag nilang gawa-gawa lamang umano ang ibinibintang ni Baro laban kay Samantha.
"Our client has not read the Complaint yet but she is confident that, after due investigation, it will be dismissed for being a pure fabrication," bungad nina Atty. Miranda at Atty. Mucho.
Idiniin din ng mga abogado na si Baro ang may atraso.
"Records of the Makati City Police would show that Mr. Bonifacio Baro was earlier arrested on Jan 19, 2026 for Qualified Theft charges and was detained until Jan 22, 2026.
"While the charges were dismissed without prejudice, the same had been refiled.
"Our client will coordinate with the relevant authorities to clear her name."
Nadawit si Samantha sa kontrobersiya nang ituro siya ni Baro na isa sa mga nanakit umano sa kanya nang idinitena siya sa high-end condo unit na tinitirhan nina Rhian at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Nangyari umano ang insidente mula January 17 hanggang January 19, ayon sa salaysay ni Baro.
Si Samantha ay Binibining Pilipinas Grand International 2021 titleholder.
Tumakbo rin siyang second nominee sa Agimat Partylist noong 2025 elections, pero bigo siya sa kandidatura niya noon.
Read: Michelle Dee camp says she was in Iloilo during alleged torture
MICHELLE DEE SUES BONIFACIO BARO FOR QUALIFIED THEFT
Base sa mga pahayag ng kampo ni Michelle, January 19 nang arestuhin si Baro at dinala sa Makati Police, dahil sa isinampa ni Michelle na reklamong qualified theft.
Kaugnay ito ng diumano'y pagnanakaw ni Baro ng mga "sensitive images" mula sa kuwarto ni Michelle.
Sina Michelle at Rhian ay magkasamang nakatira sa iisang condo unit kaya may access sa lugar si Baro, na apat na taon nang driver ni Rhian.
Na-dismiss ang reklamong qualified theft laban kay Baro.
Pero naghain si Michelle ng panibagong reklamong qualified theft laban kay Baro.
Sa panayam sa lawyer ni Michelle na si Atty. Maggie Abraham-Garduque noong January 29, sinabi ng abogada na wala pang pormal na criminal complaint na inihahain si Baro laban kina Michelle, Rhian, at Samantha.
Sa ngayon ay nasa National Bureau of Investigation ang reklamo ni Baro, at wala pa sa piskalya.
Sinabi rin ni Atty. Garduque na plano ng kanyang kliyente na magsampa ng libel at perjury laban kay Baro.
BONIFACIO BARO
Naninindigan naman si Baro sa mga ibinibintang niya laban kina Michelle, Rhian, at Samantha.
Bukod sa aniya'y pagpapahirap sa kanya sa condo unit nina Rhian at Michelle, nakaranas din daw si Baro ng torture mula sa mga tinukoy niyang pulis nang maditena raw siya sa Makati Police Jail.
RELATED STORIES
