Mariing pinabulaanan ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez, 83, ang kumakalat na balita hinggil sa umano’y pagpanaw niya.
Sa isang Facebook video na ibinahagi ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez nitong Lunes, Pebrero 2, 2026, mapapanood ang “pre-birthday message” ni Eddie, kunsaan iginiit niyang buhay na buhay siya at nasa maayos na kalagayan.
“Ako po si Eddie Gutierrez. Mayroon kasing kumakalat na fake news. Alam niyo, uso na ngayon ang fake news—na ako raw ay sumakabilang-buhay na,” panimula ni Eddie.
Read: Kim Seon Ho's company not intended for tax evasion — agency
Pagpapatuloy niya: “Hindi po totoo yon. Buhay na buhay po ako. I’m still alive and kicking!
“Hindi pa ako namamatay. Binigyan pa ako ng Panginoon ng ilang taon.
“I’ll be turning 84 on February 6.”
Read: Ruffa nilinaw na walang cancer ang amang si Eddie Gutierrez
Pinasalamatan ni Eddie ang kanyang maybahay na si Annabelle Rama, pati ang kanilang mga anak, sa pag-aaruga at pagmamahal ng mga ito—na aniya’y lalo pang nagbibigay sa kanya ng lakas.

Saad niya, “Nagpapasalamat ako na nandito ang aking asawa na si Annabelle Rama. Kung hindi dahil sa kanya, baka maging totoo iyang tsismis na ’yan.
“Ang mga anak ko—sina Ruffa, Richard, Raymond, Elvis, Rocky, Ritchie Paul, Monching, TonTon—lahat po sila ay nagbibigay sa akin ng saya.
“Lalo na ang aking mga apo na kasama ko dito sa bahay.”
Read: VACC President Boy Evangelista, may sagot sa ina ni Rhian Ramos
Nagpaabot din ng pasasalamat ang aktor sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang kalagayan at agarang paggaling sa iniinda niyang sakit.
Pahayag niya, “Huwag po kayong maniniwala na patay na ako. Buhay na buhay po ako.
“Sa lahat ng mga nagdasal at sa mga tagahanga ko, lalo na ang mga senior citizen na hanggang ngayon ay nandiyan pa—huwag po kayong mag-alala.
“Buhay na buhay po ako. Maraming salamat sa inyong mga dasal.”
Eddie recovering following second surgery
Noong January 14, inanunsyo ni Ruffa na matagumpay ang ikalawang operasyon ng kanyang ama sa Singapore.
Sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account, ibinahagi ni Ruffa ang ilang larawan ni Eddie habang ito ay nasa Mount Elizabeth Hospital, kunsaan sumailalim ang aktor sa isang procedure para sa kanyang prostate condition.
Read: Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas to escort Lorin at her graduation?
Nauna nang sumailalim si Eddie sa spine procedure sa parehong ospital noong December 2025.
