Nilinaw ni Nic Chien ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa pagwawakas ng pagsasama ng mga magulang niyang sina Lea Salonga at Robert Chien.
Noong January 22, 2026, isinapubliko ni Lea na hiwalay na sila ng asawang si Robert, isang American businessman of Chinese-Japanese descent.
Hindi direktang sinabi ng Broadway star kung kailan sila naghiwalay ni Robert. Wala ring binanggit na dahilan si Lea sa hiwalayan nila.
Basta pagkumpirma niya, "Yeah, we've been separated for a while."
Ikinasal sina Lea at Robert sa Cathedral of Our Lady of the Angels sa Los Angeles, California, noong January 10, 2007.
Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien

Sa panayam ni Nic sa programang Rated Korina noong February 2, 2026, nilinaw niyang maayos ang naging paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
Mariin din niyang itinanggi ang mga haka-hakang nagkaroon ng third party sa parte ng kanyang ama.
Pahayag ni Nic: "My parents are on very good terms.
"My dad never cheated on my mom, number one.
"My parents are still friends, number two."
Read: Lea Salonga on husband Robert Chien: "I married an incredibly wonderful guy!”
Bilang anak, ramdam at nakikita raw ni Nic na mahal pa rin nina Lea at Robert ang isa’t isa—hindi na bilang magkasintahan, kundi bilang magkaibigan at magulang sa kanya.
Naiintindihan din daw niya ang desisyon ng mga itong maghiwalay para sa kanilang personal na paglago at kaligayahan.
Aniya: "And they love each other, but they don't love each other romantically; they care about each other very much, and they both love me very much.
"They can both pursue a relationship, and it's totally fine with me."
Read: Lea Salonga, suportado ang transition ng anak na si Nic Chien

NIC Talks about his dad's new love
Sa nasabing panayam, kinumpirma rin ni Nic na may bago nang karelasyon ang kanyang ama.
Ayon sa kanya, masaya si Robert sa piling ng bagong partner nito kaya naman buo rin ang suporta niya rito.
Saad ni Nic: "My dad is with another woman.
"A very lovely woman, she is my stepmother and I love her very much. But that doesn't mean I'm betraying my mom.
"I love my mom more, of course, because she is my biological mom."
Read: Nic Chien describes how mom Lea Salonga supports his transition
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, iginiit ni Nic na hindi kailanman magbabago ang pagmamahal niya sa kanyang mga magulang.
Deklarasyon niya, "I love my parents and that's all there is to say."
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Nic sa katauhan ng partner ng kanyang ama at kung kailan opisyal na naghiwalay ang mga magulang niya.
Read: Lea Salonga posts heartfelt birthday message for trans son Nic
