Malaki ang pasasalamat ng drag artist na si Sofia Trazona dahil sa suportang ibinibigay ng kanyang ama.
Marami ang nag-aakalang si former StarStruck Season 1 contestant Alvin Aragon ang ama ni Sofia dahil ito ang asawa ng kanyang ina, si former SexBomb Girls member Izzy Trazona.
Ngunit ang tunay niyang ama ay si Michael Navarro, na isa ring dancer at founder ng dance group Philippine Island Assassins.
Sa TikTok ngayong araw ng Huwebes, February 12, 2026, nagbahagi si Sofia ng isang video kung saan nagpakatotoo siya tungkol sa relasyon niya sa amang si Michael.
Mababasa sa screenshot ang komento ng isang netizen: "Di niya kasi biological father si alvin pero yung totoong father ni andrei boto sa kung ano man siya sa ngayon."

Read: Raymond Gutierrez refutes Sarah Lahbati’s financial support claim
SOFIA TRAZONA: super proud of my father
Sa kanyang video, sinabi ni Sofia na tanggap na tanggap siya ng ama kung anuman ang gender preference niya.
Dati ay "Andrei" ang tawag sa kanya ng ama, pero ngayon daw ay "Sofia" na.
Pagpapatotoo ni Sofia: "Ayun, may nag-comment kasi, e, 'Di niya kasi biological father si Alvin, pero yung totoong father ni Andrei, boto sa kung ano man siya ngayon.'
"And sobrang totoo po yan. Na dumating sa point si Papa na dati tawag niya sa akin Andrei, pero ngayon Sofia na.
"Mapa sa pagda-drag, mapa sa pagiging trans ko, sobrang supportive niya."
Hindi raw niya akalaing darating ang araw na bibilhan siya ng ama ng mga makeup. Gayundin ng hormone supplements.
"Dumating din sa point na binili niya na ako ng maraming makeup na MAC.
"Dahil nga, supportive siya sa trabaho ko, supportive siya sa ginagawa ko, wala siya nakikitang mali sa ginagawa ko.
"Pati hormones ko, siya na din bumibili minsan," pagbabahagi ni Sofia.
Kaya feeling daw niya ay "Papa's girl" na siya ngayon dahil sa suportang ipinapakita ng ama.
"Ayun, kaya lately nagiging Papa's girl din ako kasi grabe talaga yung support na nakuha ko sa kanya., na naiintindihan niya kung ano yung gusto kong gawin.
"Naiintindihan niya kung ano ako and mas kinikilala niya pa ako.
"Kaya super-super proud of my father. Maraming-maraming salamat sa tatay ko," saad ni Sofia.
@sofia_trazona Replying to @Hermann ? original sound - sofia ????
Read: Karen de Guzman connects with her idol thanks to a blooper
Noong August 2023, nag-post si Michael sa social media upang sabihing very proud siya sa kanyang anak na "dalaga na."
Ibinahagi niya noon sa Facebook ang larawan ni Sofia, na kilala pang Andrei noon, na kuntodo makeup at nagse-selfie.
Caption ni Michael (published as is): “Dalaga na ang anak ko pwede ng ilaban sa Miss Gay International hahahahaha.. sinung pupusta?”

Read: Andrei Trazona gets overwhelming support from father Michael Navarro
