PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Sunshine Garcia take a subtle swipe at Alvin Aragon?

Netizen: "Lowkey parinig kay Alvin be like...."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 16, 2026
sunshine garcia alex castro
Sunshine Garcia’s heartfelt post for husband Alex Castro sparks reactions online, with netizens speculating about its connection to Alvin Aragon’s (not in photo) recent remarks.
PHOTO/S: Instagram

Labis-labis ang pasasalamat ni Sunshine Garcia sa suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng asawang si Bulacan Vice Governor Alex Castro.

Nitong Linggo, February 15, 2026, ibinahagi ni Sunshine sa Facebook ang larawan nila ni Alex.

Sa mga picture, makikita ang dinner date ng dalawa nang ipagdiwang nila ang Valentine’s Day noong Sabado, February 14.

Sunshine Garcia praises husband amid Alvin Aragon criticism
Photo/s: Sunshine Garcia on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa dinner date, nakatanggap pa si Sunshine ng bouquet of flowers mula sa asawa.

Sunshine Garcia praises husband amid Alvin Aragon criticism
Photo/s: Sunshine Garcia on Facebook

Ayon kay Sunshine, ilan lamang ang mga ito sa efforts ng mister para ipakita at iparamdam sa kanya ang nag-uumapaw nitong pagmamahal.

Read: Izzy Trazona, mali ang paratang sa PEP na "pagdagdag ng words"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito ang ibinibigay nitong suporta kay Sunshine na gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

Malaking bagay ito para sa SexBomb Girls member sa ikalalago ng kanyang sarili bilang aktres at performer.

Read: Vice Governor Alex Castro has no problem with wife Sunshine Garcia's sexy image

Bagamat walang partikular na binanggit si Sunshine tungkol sa sinasabi niyang suporta, mahihinuha na ang tinutukoy niya ay ang pagsuporta ni Alex sa reunion concert ng SexBomb Girls, kung saan kabilang si Sunshine.

Kabilang dito ang personal na panonood ng bise gobernador saGet, Get, Aw: The SexBomb Concert rAWnd 3 and 4 noong February 6 and 7, 2026, sa MOA Arena.

Read: SexBomb rAWnd 4: stunts and surprises in an unforgettable reunion

Mababasa sa caption ng post ni Sunshine (published as is): "My date last night.

"Nagkaroon din tayo ng quality time. Hindi mo nakakalimutan talagang maging sweet, girl na girl ako haha!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And thank you lagi sa SUPPORT, hinahayaan mo akong mag GROW at gawin yung mga bagay na makakapag pasaya sa akin thank you sa pag intindi.

"I love you."

Kapansin-pansin ang paggamit ni Sunshine ng all caps o malalaking letra sa mga salitang "SUPPORT" at "GROW."

Did Sunshine throw shade at Alvin Aragon?

Sa comments section ng Facebook post ni Sunshine, maraming netizens ang nag-isip na ang caption ng aktres ay posibleng sagot sa naging pahayag ni Alvin Aragon tungkol kay Alex.

Si Alvin ang asawa ng dating SexBomb member na si Izzy Trazona.

Read: SexBomb Izzy Trazona, "amazingly at peace" sa kabila ng mga batikos

Mababasang komento ng isang netizen (published as is), "Lowkey parinig kay Alvin be like HAHAHAHAHAHAHA."

Saad pa ng isa (published as is), "Di gaya ng asawa ni izzy. siguro ang lungkot ng buhay ni izzy. hays...happy for you sunshine!"

"Alvin Aragon can't relate HAHAHAHAA," dagdag pa ng isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALVIN slams Alex for letting Sunshine join the SexBomb reunion concert

Sa isang panayam ni Alvin noong February 13, 2026, diretsahan niyang pinuna si Alex dahil sa pagpayag nitong mag-perform ang asawang si Sunshine sa reunion concert ng SexBomb Girls.

Nag-ugat ang pagpuna kay Alvin nang ihambing siya ng netizens kay Alex, makaraang hindi payagan ni Alvin ang asawang si Izzy na mag-perform sa concert.

Ayon kay Alvin, hindi niya matanggap ang mga pambabatikos na ibinabato sa kanya online, gayong ang hangad lamang daw niya ay protektahan ang asawang si Izzy.

Pahayag ng StarStruck alumnus: "Kinu-compare pa ako sa asawa ni Sunshine na vice governor, sa asawa ng ibang SexBomb na mabait daw sila kasi pinayagan daw nila yung asawa nila na mag-concert.

"Ayun ba yung basehan ng mabait na husband, payagan lang mag-concert? Parang ang babaw naman nun.

"[Tsaka] ano bang suot nila? Ako, ayoko yung asawa ko naka-towel lang sa poster."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

Bilang asawa, obligasyon daw ni Alvin na protektahan ang asawa sa sitwasyong maaaring pagnasaan ito ng ibang lalaki, dahil sa pananamit niya at gawi ng pagsasayaw, bagay na dapat daw ay naisip ni Alex bago niya pinahintulutan si Sunshine na maging bahagi ng concert.

Saad niya: "Sinasabi nila, ‘Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert.’

"Dapat nga hindi, e. Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo.

"Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."

Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang sagot si Alex sa mga naging pahayag sa kanya ni Alvin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Garcia’s heartfelt post for husband Alex Castro sparks reactions online, with netizens speculating about its connection to Alvin Aragon’s (not in photo) recent remarks.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results