Nagbabalak ang kampo ng beauty queen-actress na si Michelle Dee na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makipag-ugnayan sa International Criminal Police Organization (Interpol).
Ito ay para manghingi ng red notice laban sa controversial content creator na si Christian Albert "Xian" Gaza.
Bagamat pinaniniwalaang nasa labas ng bansa si Gaza, desidido ang kampo ng dating Miss Universe Philippines na mapanagot ito.
Read: Rhian Ramos breaks silence amid legal issue with her driver
Ang red notice ay isang international alert na inilalabas ng Interpol upang ipahanap at ipahuli ang isang indibidwal na may kinakaharap na seryosong legal issue, pero hinihinalang nagtatago sa ibang bansa.
Layunin nitong maalerto ang mga law enforcement agency sa iba’t ibang bansa na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang indibidwal habang hinihintay ang extradition o pagbabalik nito sa bansang nagsampa ng kaso.
Read: Rhian Ramos takes legal action vs malicious attacks against her
Pahayag ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ni Michelle: “May mga ways naman po kung paano maaresto ang isang tao na wala rito sa Pilipinas.
“Siguro po, we will just exhaust all legal remedies at makipag-ugnayan sa law enforcement agencies para makagawa ng paraan.
“Kung kinakailangan ng red notice sa Interpol—lalo’t hindi lang naman ito ang kaniyang kaso at may iba pa siyang mga kaso at pending warrant of arrest.
"Maaari po natin itong ipa-alarma sa Interpol para maisyuhan siya ng red notice at maaresto kahit wala siya sa Pilipinas.”
Read: The Heiress Who Won With Brains, may Tagalog subbed na
MICHELLE DEE'S SUPPLEMENTAL AFFIDAVIT
Kasunod ito ng paghahain ni Michelle ng supplemental affidavit sa NBI Cybercrime Division nitong Huwebes, February 26, 2026.
Kaugnay pa rin ito ng reklamong cyber libel na isinumite niya laban kay Gaza noong February 16.
Read: Michelle Dee, sinampahan ng cyber libel si Xian Gaza
Ayon kay Garduque, may mga karagdagang post si Gaza na itinuturing na “defamatory and malicious.”
Kaya agad silang nagsumite ng supplemental affidavit upang maisama ang mga ito sa naunang reklamo.

Ang mga post ay kaugnay pa rin ng diumano'y pagpapakalat ni Gaza ng malisyoso at pekeng balita tungkol kay Michelle.
Read: Michelle Dee balik-social media; "nilaro" ang nawawalang angpao?
Dagdag pa ni Garduque, handa na silang iakyat sa Makati Prosecutor’s Office ang kanilang reklamo.
“Actually, we’re very confident about it kasi yung mga post naman, e, talagang may actual malice.
“These posts are made with knowledge na hindi totoo," pahayag ng abogado sa panayam sa News5.
Read: Melanie Marquez: "Blackmail" ang motibo ng driver ni Rhian Ramos
MICHELLE DEE'S LEGAL BATTLE with rhian ramos's driver
Bago ang pagdemanda ni Michelle kay Gaza, naharap ang actress-beauty queen sa kontrobersiya.
Inireklamo ni Michelle ng qualified theft complaint ang driver ni Rhian Ramos na si Bonifacio Baro.
Housemates sa isang condo unit sina Michelle at Rhian.
Diumano, nagnakaw si Baro ng angpao mula sa kuwarto ni Michelle na naglalaman ng sensitibong materyal.
Kinontra ito ni Baro, na inaakusahan si Michelle, Rhian, at Samantha Panlilio ng diumano'y pambubugbog at pagditena sa kanya sa isang high-end condo unit sa Makati noong January 17.
Mariing pinabulaanan iyon ng mga kampo nina Michelle, Rhian, at Samantha.
Base sa mga huling ulat noong early February, hindi pa umuusad ang reklamo ni Baro laban sa tatlong personalidad dahil wala umano itong abogado at hindi pa ito pormal na nakapaghain ng reklamo sa piskalya.
Nadawit si Gaza sa isyu dahil sa paglalabas nito ng mga impormasyong ayon kay Michelle ay mapanira at walang katotohanan.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay walang inilalabas na reaksiyon o anumang pahayag ang kampo ni Gaza.
