Umani ng batikos mula sa netizens at mga kilalang personalidad ang anila’y pambabastos ni Quezon City Fourth District Representative Jesus “Bong” Suntay matapos sa TV host-actress na si Anne Curtis.
Naging kontrobersiyal ang mga salitang binitiwan ng kongresista sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Martes, March 8, 2026, kaugnay ng pangatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa nasabing pagdinig, ipinipilit ni Suntay na wala umanong sedition o political destabilization sa naging pahayag ni VP Duterte tungkol sa pagiging “designated survivor” nito.
Pagtatanggol pa ng kongresista, bahagi lamang ito ng imahinasyon ni VP Duterte at hindi dapat kasuhan.
Read: Sara Duterte announces presidential bid amid impeachment raps
Bilang halimbawa, ibinahagi ni Suntay ang insidente kung saan nakita niya umano si Anne sa isang hotel.
Ayon kay Suntay, dahil sa kagandahan ng aktres, naramdaman daw niyang may "nag-init" sa damdamin niya at "na-imagine kung ano ang puwedeng mangyari."
Ngunit depensa ng kongresista, gaya ni VP Duterte, hindi siya puwedeng kasuhan dahil “imagination” lamang umano ito.
Kalaunan, sinabi ni Suntay na hindi tunay na insidente ang tinuran niya tungkol kay Anne kundi produkto lamang ng kanyang imahinasyon.
Read: QC congressman, binatikos dahil sa komento kay Anne Curtis
NADINE LUSTRE AND BIANCA GONZALEZ'S REACTION
Ang pahayag na ito ni Suntay ay hindi pinalampas na pulisin ng publiko, lalo na ng mga kilalang personalidad na nabastusan sa kongresista.
Isa sa mga hindi nagpaawat na magsalita ay ang aktres na si Nadine Lustre.
Sa kanyang Instagram Stories ngayong Miyerkules, March 4, 2026, pinasaringan ni Nadine si Suntay sa pamamagitan ng pag-repost sa isang artcard na may kaugnayan sa walang habas na pambabastos sa mga kababaihan.
Mababasa rito: "NAKAKAINIT TALAGA. Nakakainit ng ulo at ng dugo ang mga taong walang habas na ipinapangalandakan ang kabastusan sa mga kababaihan."

Ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez ay hindi rin nakapagtimping i-call out si Suntay sa aniya'y pambabatos nito hindi lang kay Anne kundi sa lahat ng kababaihan.
Ayon kay Bianca, isang uri ng nakakadiring ugali ng isang public servant ang ginawa ng kongresista.
Kinuwestiyon din ng Kapamilya host ang walang "remorse" o pagsisisi ni Suntay nang nanindigan siya sa isang panayam na "nothing sexual" ang kanyang sinabi tungkol kay Anne.
Ani Bianca sa X (dating Twitter), "Please let us NOT NORMALIZE THIS BEHAVIOR. DISGUSTING, especially for a public servant.
"The fact that there is no remorse, no clue as to why what he said was offensive and inappropriate, and even commented in an interview that 'she should take my remark as a compliment' is what makes this disgusting comment even more disgusting."
GABBI GARCIA AND AMY PEREZ
Nandidiri naman ang Kapuso actress-TV host na si Gabbi Garcia sa inasal ni Suntay.
Read: Anne Curtis’ mother, sister condemn Rep. Suntay's lewd remarks
Giit ni Gabbi, bilang nasa posisyon ng kapangyarihan, trabaho ni Suntay na maging ehemplo sa kanyang nasasakupan, hindi maghasik ng negatibo at bastos na pananaw sa kababaihan.
Mababasa sa kanyang Instagram Story: "If you hold power, act like it. Objectifying women, even in passing remarks is unacceptable.
"We are not here to be reduced to someone's imagination. Nakakadiri."

Si Amy Perez, co-host ni Anne sa It’s Showtime, ay “disappointed” naman sa inasal ng kongresista.
Sa kanyang tweet sa X, sinabi ni Amy na ang pangunahing paggalang sa kababaihan ay ang pagkilala sa kanilang dangal, pagkakapantay-pantay, at kakayahang gumawa ng sariling desisyon — malayo sa anumang diskriminasyon at pang-aabuso.
Buwelta pa ni Amy, hindi maaaring idahilan ni Suntay ang kanyang political views—mapa-DDS (Diehard Duterte Supporters) o anuman, malinaw raw na hinamak niya ang mga kababaihan sa pamamagitan ng pag-objectify nito kay Anne.
Post ni Amy: "Basic respect for women involves recognizing their inherent dignity, equality, and agency as human beings, not just polite courtesy.
"It requires active listening, valuing their opinions, ensuring their safety from objectification or harassment. #womensmonth. Disgusting talaga!
"I'm so disappointed Mr. Representative.
"Hindi ito usapin kung kakapink ka o dds ka o uniteam ka ang point ay may BABAE na nabastos sa isip at salita!
"Tanong lang ikaw gusto mo ba na yung Nanay mo, Ate mo, Tita mo at pinsan mo na babae ay pag isipan ng ganun? Wag nating piliting maging tama ang isang mali."
Romnick Sarmenta, John Lapus, AND OGIE ALCASID
Hindi rin pinalampas nina Romnick Sarmenta, John Lapus, at Ogie Alcasid ang anila'y pambabastos ni Suntay kay Anne.
Post ni Romnick sa X (published as is): "These... politicians. Everything is a joke - until you realise, they are the joke. And they aren't even funny. Not in the slightest."

Paghihikayat ni John (published as is): "Paka bastos! Diyos ko! Wag nyo na iboto yan!"

Saad naman ni Ogie: "We stand with @annecurtissmith."

Read: Anne Curtis reunites with husband Erwan, daughter Dahlia in Oman
Suntay criticized on air by news anchors
Nakatikim din ng sermon si Suntay on-air sa mga news anchor na sina Korina Sanchez, Pinky Webb, at Willard Cheng sa Bilyonaryo News Channel; pati na kina Karen Davila, Alvin Elchico, at Bernadette Sembrano sa TV Patrol, nitong Martes, March 3.
Nangyari ang paninita ng nabanggit na news anchors bago sila mag-extro sa kani-kanilang news programs.
Pahayag ni Korina: "Yung pagbabalik ni Pinky, naabutan kaagad niya yung pambabastos ni Congressman Suntay. Yun ang gusto niyang pag-usapan…”
Sagot ni Pinky: "You know why? Because I think that, I feel somebody might file an ethics complaint against him.
"I mean, the fact that Congresswoman [Ysabel Maria Zamora of San Juan] said, 'I want that stricken out of the record,' because she was obviously offended.
"And I’m sure a number of other women will be offended as well."
Ang pinapatungkulan ni Pinky ay ang mabilis na paghain ng mosyon ni Zamora na burahin sa record ang sinabi ni Suntay sa hearing.
Sabi naman ni Williard: "Para kasing mas conscious na tayo ngayon, e. Kaya nga may nga Safe Spaces Act, Anti-Catcalling Ordinance sa Quezon City at iba pang lugar.
"Yung simpleng hirit na ganun [ni Suntay], very sensitive. Especially kung nakaramdam ng discomfort, uncomfortable ang isang subject."
Pagsang-ayon naman dito ni Korina, "E, pumapaloob talaga sa [suggestive sexual statements] yung sinabi ni Congressman Suntay dun.
"Also, lahat ng babae na nandoon sa [hearing], e, hindi rin nagustuhan."

Ganitong-ganito rin ang punto ng mga news anchor mula sa TV Patrol.
Galit na galit si Karen Davila nang mapanood daw niya ang naging pahayag ni Suntay, kunsaan binanggit nito ang pangalan ni Anne Curtis.
Saad ni Karen: "Gusto ko lang sabihin na ang Marso po ay Women's Month, pero yung sinabi ng isang representante, si Congressman Suntay, maraming hindi conscious at aware sa misogynist comments sa mga kababaihan.
"[Ang misogynist] ay ang nakakainsulto, walang respeto sa babae. Dapat huwag na nating tanggapin kahit na minsan biro-biro lang, ang tagal na nating tinanggap yon. Mali po yon.
"Hindi dapat yung kultura na yon, hindi okay yon.
"Tapos tandaan po ng mga kongresista... binabayaran kayo ng taong-bayan, hindi kayo nandiyan para magpa-cute.
"Wala kaming pakialam sa init ng kalooban niyo. Parang, do your job well," galit na sabi ni Karen.

Dugtong dito ni Alvin: "Ibig mong sabihin, you can prove a point without being offensive to women... May karapatan naman talaga kasi public servant sila.
"Ang nagpapasuweldo naman sa kanila ay buwis naman [natin]. So, may karapatan tayong i-criticize, punahin, purihin kung kailangang purihin, kasi nga taxpayers' money."
Dagdag naman ni Bernadette: "Inisip ko, pinipili pa rin [ng taong-bayan] yung ganyan, dapat mag isip-isip na sila."
