Pinanindigan ni Alvin Aragon ang kanyang naging pahayag matapos banggitin ang mga mister ng ilang miyembro ng SexBomb Girls na pumayag sumama ang kanilang mga misis sa reunion concert ng iconic girl group.
Kabilang sa direktang binanggit ni Alvin ay si Bulacan Vice Governor Alex Castro, mister ni SexBomb member Sunshine Garcia.
Gaya ni Sunshine, dati ring SexBomb member ang asawa ni Alvin na si Izzy Trazona.
Read: Izzy Trazona answers criticisms against husband Alvin Aragon
Ang pagkakaiba lang nila, hindi pinayagan ni Alvin si Izzy na sumama sa reunion concert ng SexBomb.
Paliwanag niya, taliwas ito sa religious belief niya bilang Christian dahil sa aniya'y kabastus-bastos na damit at galaw ng mga ito habang sumasayaw.

Bahagi ng kontrobersiyal na pahayag noon Alvin: “Sinasabi nila, ‘Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert. Dapat nga hindi, e.
"Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalake.”
Read: Pastor urges public to be “gracious” toward Alvin Aragon
Kaugnay nito, nakapanayam ng Fast Talk With Boy Abunda si Alex noong March 10, 2026.
Kasama ni Alex na bumisita sa programa si Joshua Zamora, mister ng SexBomb Girls member ding si Jopay Paguia.

Depensa nina Alex at Joshua, ayaw na nilang patulan si Alvin dahil nirerespeto raw nila kung anuman ang pinaniniwalaan nito.
Pero parehong kinontra ng dalawa ang paniniwala ni Alvin na dahil sa mga seksing costume ng SexBomb Girls kapag nagpe-perform ay pinagnanasaan sila ng mga kalalakihan.
Ayon kina Alex at Joshua, walang problema sa sayaw at suot ng kanilang mga asawa. Ang maaaring may problema raw ay sa mga lalaking nanonood kung sila ay may pagnanasa.
Katuwiran ni Alex: “Ang nakikita ko po, yung sinasabi niya na nagnanasa, dun sa tumitingin, e, yun ang mga problema. Hindi dun sa sumasayaw.
"Ang may mali, kung may pagnanasa yung manonood. Concert yon, ganoon ang costume.
"Kung dinala mo sa simbahan yung ganoong costume, mali po yon."
Read: Alex Castro, kinontra ang pahayag ni Alvin Aragon sa "pagnanasa"
ALVIN defends HIS remarks; says netizens comparED him to HUSBANDS OF SEXBOMB MEMBERS
Nitong Huwebes, March 12, nag-post si Alvin sa kanyang Facebook bilang reaksiyon sa mga naging pahayag nina Alex at Joshua.
Paliwanag ni Alvin, hindi siya ang unang nagbanggit sa pangalan nina Alex at Joshua, kundi ang mga netizen daw na pilit siyang ikinukumpara sa dalawa.
Pahayag ng controversial personality: "Hindi ako ang na-compare ha, ang netizen ang nag-compare. Magbasa kasi kayo ng comments. Nag-defend lang ako, kaya binanggit ko kayo.
"Lumalabas [na] kayo ang matino kasi because you’ve supported your wives wearing sexy clothes while dancing, tapos ako masama?"
Read: Alvin Aragon reacts to Bong Suntay issue with religious reminder
Katuwiran pa ni Alvin, hindi dapat maging balat-sibuyas sina Alex at Joshua kung makatanggap man sila ng kritisismo.
Bilang mga public figure, normal lamang umanong makatanggap sila ng puna mula sa publiko.
"Don't be angry if I mentioned all of you, because all of you are public figure. You are all subject to criticism. All of you has the power, power to influence.
"So how do you influenced Filipino people? Supporting your wives wearing sexy costumes? You, all of you SexBomb singers and dancers wearing costumes na revealing na?" saad niya.
Read: Phoenix addresses Hidylyn Diaz unrealized "fuel for life" prize
Alvin claims club culture contributes to husbands betraying their wives
Direkta ring kinuwestiyon ni Alvin ang dahilan ng madalas pagpunta ng mga kalalakihan sa clubs.
Naniniwala raw si Alvin na hindi lamang pagkain at pag-inom ang dahilan kung bakit pumupunta ang mga kalalakihan sa clubs sa Quezon Avenue at iba pang nightlife spots sa bansa.
Ito raw ay para makakita ng mga babaeng naka-underwear lang.
Pagkuwestiyon niya: "Saan ba nagpupunta ang mga lalaking mapera? Di ba sa clubs [diyan] sa Quezon Ave, at sa maraming clubs pa dito sa buong Pilipinas?
"Para ano? Kumain lang at uminom? Di ba para makakita ng cleavage at mga babaeng naka-bra lang at underwear?"
Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
Dagdag pa ni Alvin, may ilan umanong umaasang may mangyari pang higit sa simpleng pagpunta sa club.
Isa raw ito sa dahilan kung bakit may mga babaeng pinagtataksilan ng kanilang mga mister.
Sabi niya: "That's why many wives are betrayed by their husbands who should have been faithful to them.
"God is good that’s why He hates bad. #WagIpaglabanAngMali."
Read: Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
