PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Kapamilya Big Winner Lella Ford accepts "nepo baby" tag

Lella Ford: "It’s true and wala naman pong masama doon."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 13, 2026
Lella Ford reacts to being called a nepo baby
Lella Ford on nepo baby tag: “Totoo naman po. I mean, where’s the lie? It’s true and wala naman pong masama doon."
PHOTO/S: Lella Ford on Instagram

Aminado at tanggap ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamilya Big Winner na si Lella Ford na tinatawag at tinitingnan siya ng ilan bilang isang nepo baby.

Ang nepo baby ay tumutukoy sa isang tao—karaniwan sa entertainment industry—na nagkakaroon ng oportunidad o tagumpay dahil anak o kamag-anak sila ng isang sikat, makapangyarihan, o may koneksiyon na personalidad.

Sa madaling sabi, naniniwala ang iba na may “advantage” ang mga nepo baby dahil sa pamilya o apelyido nila.

Read: Zanjoe Marudo "happy" for ex-GF Bea Alonzo’s upcoming wedding

Sa kaso ni Lella, mga kilalang personalidad sa showbiz ang kabilang sa kanyang pamilya.

Anak siya ng TV host-actress na si Karla Estrada at kapatid ng top-tier actor na si Daniel Padilla.

Read: Karla, inaming hindi pinapanood ni Daniel si Lella sa PBB

LELLA FORD ON NEPO BABY TAG

Sa panayam ni Lella, kasama ang inang si Karla, sa Fast Talk With Boy Abunda noong March 11, 2026, nahingan siya ng reaksiyon tungkol sa pagbabansag sa kanya ng publiko bilang "nepo baby."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Lella na isa nga siyang nepo baby dahil sa kinagisnang pamilya.

Read: Lella Ford says PBB journey “unforgettable” despite bashing

Pero giit ng dalaga, hindi niya ito ginagawang kalamangan nang magdesisyon siyang pasukin ang mundo ng showbiz.

"When you're called a nepo baby because you are the daughter of Karla and you're the sister of a superstar, Daniel Padilla, ano ang reaksiyon mo?" diretsahang tanong ng host na si Boy Abunda.

Mabilis na sagot ni Lella, “Totoo naman po. I mean, where’s the lie?

"It’s true and wala naman pong masama doon."

Lella Ford reacts to being called a nepo baby
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Depensa ni Lella, hindi siya naaapektuhan dito dahil alam niya raw sa sarili na anuman ang marating niya sa showbiz industry ay paghihirapan niya at hindi kailanman iaasa sa pamilya at apelyidong nakakabit sa kanyang pangalan.

Pahayag niya: "Nagiging masama lang siya if you take advantage of it—if palamunin ka lang at wala kang ginagawa.

"But ako po, I’m here because I’m making a name for myself and pinaghihirapan ko lahat ng meron ako now."

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na dahil sa pagbabalandra ng lavish lifestyle ng mga anak ng ilang politikong nasangkot sa kontrobersiyal na flood control project ng pamahalaan, nagkaroon ng negatibong konotasyon ang terminong "nepo baby" para sa ilan.

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

Lella remains strong amid bashing online

Pag-amin pa ng young actress, hindi naman na bago sa kanya na batuhin ng kung anu-anong paratang, lalo na't bata pa lang daw siya ay namulat na siya sa trabaho ng kanyang ina at kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Growing up, marami akong naririnig na mga controversial things about my mom or about my brother.

"Sa akin po, mas mabigat po yon kapag tungkol sa pamilya ko. But kung tungkol sa akin lang po, mas kaya kong harapin."

Read: Karla Estrada slams basher wishing ill on daughter Lella Ford

Sabi pa ni Lella, isang paraan niya para hindi maapektuhan sa pambabatikos ay ang pagtuon ng pansin sa mga mas mahalagang bagay, lalo na't mas kilala raw niya ang sarili kumpara sa iba.

"Kapag alam ko na gusto lang talaga manira, wala naman pong meaning yung mga sinasabi po nila, hindi ko na po [pinapansin], dedma na lang," aniya.

Karla Estrada addresses claims they spent big money for Lella’s PBB win

Samantala, sa nasabing panayam sa Fast Talk With Boy Abunda, natanong din kay Karla ang usap-usapang pagbabagsak umano nila ni Daniel ng malaking halaga para matiyak ang panalo ni Lella sa PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Karla: "Well, actually, effort naman yon ng buong pamilya, hindi lang kami [ni Daniel at] ng close friends.

"At bakit naman hindi? Yun ngang pangbarangayan na pageant, may mga solicitation tayo noong araw, ginagawan ng paraan.

“I think it’s normal for a family to support ang isa sa mga kamag-anak na nandiyan sa mga ganyang mga pa-contest."

Dagdag pa niya: "Yes, sumuporta ang buong pamilya, of course the friends and relatives were all there.

"And actually, na-surprise kami na ang laking bahagi ng sambayanan na sumuporta to vote for Carmella."

Si Lella ang hinirang na Kapamilya Big Winner sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0.

Habang sa Kapuso naman ay si Caprice Cayetano.

Caprice Cayetano, Lella Ford
Caprice Cayetano (left) and Lella Ford (right).
Photo/s: ABS-CBN Entertainment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lella Ford on nepo baby tag: “Totoo naman po. I mean, where’s the lie? It’s true and wala naman pong masama doon."
PHOTO/S: Lella Ford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results