Masaya si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo sa fiancé nitong si Vincent Co.
Sa presscon at advanced screening ng bagong Prime Video series ni Zanjoe, The Silent Noise, noong March 10, 2026, nakorner siya ng entertainment media para hingin ang kanyang reaksiyon sa pagpapakasal ng dating nobya.
"Totoo ba? Wala akong imbitasyon, e," ang unang reaksiyon ni Zanjoe sa nasabing balita.
Read: Angelica at Zanjoe, balik-tambalan agad sa The Silent Noise
Pagpapatuloy niya sa pag-uusisa ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, masaya siya para kay Bea na sa wakas ay nahanap na nito ang lalaking makakasama niya habambuhay.
Aniya, "Finally, di ba? Lahat tayo, kailangan maging masaya na.
"Yung mga batch natin, at least, ito, unti-unti na kaming nabubuo."
Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances
Bea and Vincent's marriage banns announcement hints at couple tying the knot
Noong March 8, 2026, umugong ang kasalang Bea at Vincent nang ilabas sa online Mass ng St. Peter the Apostle Parish Church sa Paco, Manila, ang kanilang marriage banns, kunsaan nabanggit ang pangalan ng dalawa.
Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church
Ang marriage banns ay ang opisyal na anunsiyo ng simbahang Katoliko tungkol sa dalawang taong balak magpakasal.
Layunin nitong ipaalam sa komunidad ang nalalapit na kasal upang kung may legal o moral na hadlang ay maaari itong ipagbigay-alam bago ituloy ang kasal.
Bago matapos ang misa ni Rev. Fr. Jomar Burgos ay inanunsiyo ang mga pangalan ng mga magkasintahang nakatakdang ikasal.
Saad sa Facebook Live, kalakip ang art card ng totoong pangalan nina Bea at Vincent: "Dear parishioners, we are announcing the marriage banns of the proposed marriage of the following couples.
"First banns for Ferdinand Vincent Pe Co, 44 years old, son of Lucio L. Co and Susan Pe... who will be married to Phylbert Angelli Escalante Ranollo, 38 years old, daughter of Fedesardo Ranollo and Mary Anne Escalante.”

Bagamat wala pang inilalabas na pahayag o anumang kumpirmasyon nina Bea at Vincent, sa ulat ng PEP Troika ay kinumpirma ng kanilang reliable non-showbiz source na nakatakda raw ang kasal ng dalawa sa Spain sa May 2026.
Hindi lang alam kung mauuna muna ang kasal nila sa Maynila, o sa Spain.
Read: Bea Alonzo at Vincent Co, sa Spain ikakasal sa May 2026?
ZANJOE MARUDO-BEA ALONZO RELATIONSHIP
Nagsimula ang relasyon nina Zanjoe at Bea nang umakto ang aktor bilang boyfriend ni Bea para proteksiyunan siya mula sa isang makulit na lalaki sa bar, ayon sa ulat ng Showbiz Inside Report.
Mula noon ay naging magkaibigan sila, at nindi nagtagal ay naging totohanan silang couple.
March 16, 2011 nang sagutin ni Bea si Zanjoe, ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres.
Mula nang umamin sina Bea at Zanjoe na sila, naging bukas sila sa pagpapakita ng sweet moments at travels nila sa publiko.
Ngunit tulad ng ibang magkarelasyon, dumaan din sa pagsubok ang pag-iibigan nina Zanjoe at Bea.
Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo
December 2015 nang umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa ngunit tikom ang bibig nila patungkol dito.
Hanggang noong January 20, 2016, inamin mismo ni Zanjoe sa live interview niya sa Tonight With Boy Abunda na hiwalay na nga sila ni Bea.
Read: Zanjoe Marudo confirms breakup with long-time girlfriend Bea Alonzo
Hindi man sila nagkatuluyan sa huli, sinabi ng dalawa dalawa na nanatili silang magkaibigan.
Sa ngayon ay may kanya-kanya nang karelasyon ang dalawa.
Read: Bea Alonzo, Zanjoe Marudo back on good terms after breakup?
Si Bea ay nakatakdang ikasal sa Puregold scion na si Vincent.
Habang si Zanjoe naman ay masaya na rin sa piling ng asawang si Ria Atayde at kanilang anak.
Read: Zanjoe Marudo, itinangging hiwalay na sila ni Ria Atayde
