Unti-unti nang nagiging bukas sa publiko ang rumored couple na sina Daniel Padilla, 30, at Kaila Estrada, 29, matapos nila muling mamataang magkasama.
Noong January 20, 2026, naglipana sa social media ang mga litrato at video ng dalawa habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.
Sa mga kuhang litrato ng netizens, makikita sina Daniel at Kaila na game na nagpa-picture kasama ang kanilang fans.
Read: Daniel neither confirms nor denies relationship with Kaila
Mayroon ding mga video kung saan makikitang magkasama silang naglalakad at kumakain sa isang restaurant sa nasabing isla.

Bukod pa rito, umani rin ng kilig mula sa netizens ang isang video kung saan makikitang pinapahiran ni Daniel ng sunscreen ang likod ni Kaila.

Netizens believe El Nido, Palawan holds a special place in Daniel and Kaila’s hearts
Ikinatuwa ng mga tagahanga nina Daniel at Kaila ang pagbisita ng mga ito sa El Nido, Palawan—ang lugar kung saan din sila nag-shooting para sa defunct Kapamilya action-drama series na Incognito.
Sumakto pa na ang araw ng kanilang pagbisita sa lugar ay ang unang anibersaryo ng Incognito matapos itong umere sa telebisyon noong January 20, 2025.
Read: Karla Estrada reacts to Daniel-Kaila rumored relationship
Ito ang unang proyektong pinagsamahan ng dalawa.
Kung matatandaan, ang unang mission ng mga karakter nina Daniel (Andres Malvar) at Kaila (Max Alvero) ay naganap din sa nasabing isla.
Sinasabing sa Incognito nagsimula ang pagiging malapit sa isa't isa nina Daniel at Kaila, hanggang mauwi ito sa pag-iibigan.
Read: Maris Racal says Incognito "saved" her
DANIEL-KAILA SIGHTINGS
Hindi ito ang unang beses na naispatan ng publiko sina Daniel at Kaila na magkasama.
Noon lamang January 10, 2026, magkasama rin ang dalawa na bumisita Child Haus, ang temporary shelter para sa mga batang may cancer.
Read: Daniel Padilla shows outreach activity with Kaila Estrada
January 5, kumalat din ang litrato nina Daniel at Kaila na sinasabing kuha sa bahay ng ina ni Daniel na si Karla Estrada.
December 23, 2025, dumalo ang dalawa sa church wedding ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla cross paths; Daniel brings Kaila
December 13, nakunan ng video ang dalawa na magkasamang nanood ng concert ng OPM band na IV of Spades sa Mall of Asia sa Pasay City.
Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
Noong November 1 ay magkasama rin sina Daniel at Kaila sa ginanap na Halloween party.
Dumating ang dalawa sa venue na naka-costume bilang sina Gomez at Morticia Addams mula sa The Addams Family—ang tanyag na American gothic cartoon na unang lumabas noong 1930s sa The New Yorker bago ito naging sitcom at movie franchise.
Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada's weekend sightings thrill fans
