Single ngayon ang Filipino-Canadian actor and host na si Michael Sager.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media sa Born to Shine actor, sinabi niyang naka-focus siya sa maraming trabaho kaya wala muna siyang panahon sa ibang bagay.
Saad niya: "You know, I'm 23. I'm young and as much as I want to really love, wala talagang oras, e.
"Siguro ang priority ko ngayon, kung dumating man siya at kaya na maintindihan yung schedule ko, yung buhay ko ngayon, I will give it.
"But at the same time, talagang hindi yun yung focus, e, yung priority.
"Talagang ang importante for me, to just stay focused and ayun. Yung love life, hopefully, it comes.
"I always pray because sometimes we get lonely, di ba? And masaya din na may kasama ka.
"So far, I am single and masaya ang puso."
Dagdag niya, "No dating so far. And I'm single, yes."
IS IT OVER BETWEEN MICHAEL SAGER AND CASSY LEGASPI?
Nauugnay ang pangalan ni Michael sa Kapuso actress na si Cassy Legaspi. Marami nga ang naghihinalang may patago silang realasyon.
Read: Cassy Legaspi at Michael Sager, magkarelasyon na?
Inusisa ng PEP.ph si Michael kung kailan pa sila "wala na" ni Cassy.
"Pinagpapawisan na ako," biro niyang sagot.
May communication pa ba sila?
Sagot niya, "Ay, well, ano naman po kami, we always try to talk and..."
Naputol ito dahil may nagbanggit ng pangalan ni Cassy at ng mga magulang nitong sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Mabilis namang sabi ni Michael, "Well, congratulations to them for the successful run in their serye Hating Kapatid."
Ang Hating Kapatid ang pinalitan ng Born to Shine nina Michael at Zephanie sa naiwan nitong timeslot.
Nagkikita pa naman daw sila ni Cassy.
Saad ng binata: "And yeah, I mean, once in a while, nakita ko siya sa MMFF [Metro Manila Film Festival 2025].
"Congratulated with all her success and, yeah, napakaganda, di ba?
"I mean, she's beautiful. She's really looking good and I'm happy for her."
Deklarasyon pa ni Michael, "Friends pa din."
Read: Cassy Legaspi at Michael Sager, nagtagpo sa premiere ng Rekonek
Nakausap ng media si Michael sa grand media conference ng kinabibilangan nitong upcoming horror movie, ang Huwag Kang Titingin, sa Citadines Hotel, Quezon City, noong nakaraang linggo.
Kabilang siya sa main cast kasama sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, at Shuvee Etrata, at ang rumored boyfriend ni Shuvee na si Anthony Constantino.
Ipalalabas ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan simula sa April 15, 2026.

MICHAEL SAGER ON AC BONIFACIO
Nilinaw naman ni Michael ang pagiging malapit ni Michael sa dating co-housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na si AC Bonifacio, na inuugnay sa kanya ngayon.
Paliwanag ng Kapuso actor: "You know, in Pinoy Big Brother kasi, it's really hard to really get the truth sa perspective ng tao. Kasi perspective yun ng editing kung ano man ang mangyari.
"But me and AC, we were just so genuine with each other.
"And I always say na, yeah, nagmukhang may malisya or stuff like that, but alam namin kasi totoo, we were just really close.
"But imagine that, dalawang taga-Vancouver nagkita sa Pinoy Big Brother house.
"Parang such ano, crazy thing to happen. So, yun, we got close."
Dagdag pa ni Michael tungkol kay AC: "Makulit siya, makulit din ako.
"So ayun, wala naman po kaming sinasaktang ibang tao and after naman, we still talk, we see each other.
"But yun nga, she's in ABS, so bihira lang po kami magka-work."
Read: Shuvee Etrata recalls intense bashing she faced in the past
