Nakipag-bonding sina Bea Alonzo at Vincent Co sa celebrity best friends ng aktres na sina Beatriz Saw at Dimples Romana mahigit isang buwan bago sila ikasal.
Nangyari ang bonding nila noong Easter Sunday.
Kasama rin ni Dimples ang asawa niyang si Boyet Ahmee.

Mensahe ni Dimples sa caption: "Finding GOD in the ORDINARY.
"He is RISEN, my Father paid for my sins.
"And now as for my household, we fill the walls of our home with praise and worship, love and understanding and grace, lots and lots of grace Happy Easter everyone"
View this post on Instagram
Sa comments section, isang netizen ang nagbanggit sa nalalapit na kasal ni Bea.
Ayon dito (published as is), "@dimplesromana namimigay na Mg wedding invitation C @beaalonzo this May 16 na wedding in Spain with private plane wow"

Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire
BEA ALONZO'S SPAIN WEDDING IN MAY
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, nakatakda ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain sa darating na Mayo 2026.
Read: Bea Alonzo at Vincent Co, sa Spain ikakasal sa May 2026?
At ayon naman sa ibang lumalabas na balita, ang eksaktong petsa diumano ng kanilang kasalan ay sa May 16.
Unang naging usap-usapan ang nakatakdang pagpapakasal ng dalawa matapos lumabas sa online Mass ng St. Peter the Apostle Parish Church sa Paco, Manila, noong March 8, 2026, ang kanilang marriage banns, kung saan nabanggit ang pangalan nina Bea at Vincent.
Ang marriage banns ay ang opisyal na anunsiyo ng simbahang Katoliko tungkol sa dalawang taong balak magpakasal.
Layunin nitong ipaalam sa komunidad ang nalalapit na kasal upang kung may legal o moral na hadlang ay maaari itong ipagbigay-alam bago ituloy ang kasal.
Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church
Hanggang ngayon, wala pang pormal na anunsiyo sina Bea at Vincent ukol sa nalalapit nilang kasal.
Read: Zig Dulay asked if taping will stop for Bea Alonzo's wedding
