Sa halip na magarbong pagdiriwang o salu-salo, pinili ni Kim Chiu na mamahagi ng grasya sa mga labis na naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.
Sa Instagram ngayong Martes, April 21, 2026, isang netizen ang nag-post ng mga larawan nang mamigay si Kim ng libreng gasolina, grocery packs, pati na pagkain bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Nagdiwang si Kim ng kanyang 36th birthday noong April 19.
Read: HOW MUCH? A unit at Slater Young's The Rise at Monterrazas
KIM CHIU PERSONALLY ATTENDS GIFT-GIVING
Makikita sa mga stub na ipinamigay ng grupo ni Kim ang oras at lugar kung saan maaari silang magpa-gasolina at makatanggap ng grocery packs.

Dumating din si Kim na may dalang pagkain mula sa kanyang ini-endorse na fastfood chain.

Makikita ring masayang nakipag-selfie ang actress-TV host sa tricycle drivers habang namimigay siya ng grocery pack.

Kitang-kita ang saya ni Kim sa pagbahagi ng grasya para sa kanyang kaarawan.

Read: RJ Perkins, agaw-pansin sa Mister Pampanga 2026
KYLINE ALCANTARA, ARSHIE LARGA, REI TAN
Noong April 10, namigay ng libreng gasolina si Kyline Alcantara para sa drivers na katulad ng kanyang lolo na jeepney driver noon sa Bicol.
Nagbigay rin ang ilang kilalang personalidad ng libreng gasolina gaya ni Rei Anicoche-Tan, CEO ng Beautederm, at ang vlogger-pharmacist na si Arshie Larga.
Related Stories:
- Kyline Alcantara gives free fuel to drivers amid rising oil prices
- Rei Anicoche-Tan, may palibreng gas sa tricycle drivers at riders
- Arshie Larga gives P500 fuel aid to 1,169 tricycle drivers
