Nagsalita na ang trans woman na si Marina Summers kaugnay sa pinag-uusapan niyang paghu-host sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2026.
Ginanap ang grand coronation ng most prestigious beauty pageant sa bansa noong May 2, 2026, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May mga bumatikos sa hosting performance ni Marina, kung saan ilan ang nagsabing kulang umano ito sa energy kumpara sa mga host noong mga nakaraang taon na sina Alden Richards, Robi Domingo, Xian Lim, at Gabbi Garcia.
Read: Alden Richards MUPH 2024 hosting, umani ng papuri at puna
Isa sa nagkomento ang kapwa niya drag queen na si Angel Galang.
Sunud-sunod ang mga pinakawalang panlalait ni Angel kay Marina, dahilan para i-call out siya ng ilang miyembro ng LGBTQIA+, maging ang tagasuporta ni Marina.
Agad namang humingi ng paumanhin si Angel sa publiko at kay Marina, kalakip ang pag-ako niya sa kanyang pagkakamali.
Read: Angel Galang apologizes to Marina Summers over "chaka host" post
Bagamat pinagsisisihan na ni Angel ang kanyang nagawa, hindi pa rin umano siya tinantanan ng ilang netizens.
Sa Facebook post niya nitong Martes, May 5, inireklamo ni Angel ang patuloy na batikos na natatanggap niya online, na umabot na raw sa pagbabanta sa kanyang buhay.
Read: Angel Galang receives death threats after Marina Summers issue
MARINA SUMMERS BREAKS HER SILENCE
Noong Miyerkules ng gabi, May 6, tuluyan nang binasag ni Marina ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Ayon sa kanya, hindi niya inaasahan ang matinding transphobia, hate, at death threats na kanyang natatanggap kaugnay ng hosting stint niya.
Read: Kaladkaren defends Marina Summers’ hosting style at MUPH 2026
Nakakalungkot daw itong isipin lalo na't ang paghu-host ng Miss Universe Philippines 2026 ay itinuturing ni Marina na "greatest milestones" ng kanyang buhay at karera.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Hosting Miss Universe Philippines 2026 has been one of the greatest milestones of my career and my life.
"And while I understand that there will be different opinions and some resistance to it, I did not expect the vile & alarming amount of transphobia, hate and even death threats thrown at me."
Read: Jonas Gaffud's MUPH 2026 viral clip clarified by pageant official
Ibinahagi rin ni Marina ang pag-aalala niya sa patuloy na paglala ng online hate, lalo na nang madawit si Angel sa isyu.
Bagamat inamin niyang nasaktan siya sa ilang pahayag ni Angel, nilinaw niyang hindi ito sapat na dahilan para ikunsinti ang anumang uri ng harassment laban dito.
Pahayag niya: "More so, the hate and harassment being thrown to my sister, Angel.
"This is not what I stand for. This NEEDS TO STOP.
"Sa lahat ng trabaho at success na pinaghirapan natin, dala dala ko ang pag asa na iaangat nito ang pagtanggap sa LGBTQIA+.
"While I was admittedly hurt by her statements, I do not condone any hurtful and hateful words thrown at her because of it.
"Huwag itong gamiting excuse para manira ng kapwa. It just sets us back and everything we’ve worked so hard for just loses its meaning."
Read: AC denies using "connections" to get early BTS pop-up access
Nagpahayag din si Marina ng pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya at hiniling na ipalaganap ang kabutihan at pag-unawa sa halip na poot.
Sabi niya, "Everyone is entitled to their opinions. What you are not entitled to is disrespect. While I may not be able to change everyone’s opinion, I would like to call on everyone who believes in me.
"I am truly grateful for all the outpour of love and support. I ask that you only spread love, grace and kindness to the people around you."
Sa huli, kinumpirma ni Marina na naayos na nila ni Angel ang hindi nila pagkakaunawaan, sa pribadong paraan.
Saad niya, "Angel and I were able to resolve things privately. Let’s give her space and understanding.
"Maraming salamat sa pag-unawa."
