Inamin nina Ralph de Leon at AZ Martinez na masaya at ine-enjoy nila ang relasyong mayroon sila ngayon.
Ito’y sa kabila ng haka-hakang magkarelasyon na ang dalawa dahil sa ilang sightings nilang magkasama.
Kamakailan lamang ay naispatan si AZ na nanood ng Miss Universe Philippines 2026 grand coronation night, kung saan si Ralph ay isa sa mga presenter.
Read: NETIZENS REACT: Miss Universe Philippines 2026 moments
Si Ralph naman ay spotted na nanood ng Bida Arena: Ultimate Celebrity Showdown noong May 3, 2026, kung saan naroon si AZ bilang muse ng koponang Team Sparkle.
Read: Will-Mika, Dustin-Bianca, other kilig moments at Bida sa Arena
Bukod sa pagpunta ni Ralph sa nasabing celebrity basketball showdown para umano’y suportahan ang ilan niyang malalapit na kaibigang manlalaro, naispatan din siya sa mga kumakalat na video online na matiyagang hinihintay si AZ hanggang sa matapos ang programa.
May mga video ring nagpapakita ng pagrereklamo ni AZ sa pananakit ng kanyang paa dahil sa suot na heels, dahilan para i-piggyback ride siya ni Ralph papunta sa sasakyan nito pauwi.

Bukod pa rito ang pagho-holding hands nila habang magkatabing nanonood ng laro.
Ralph, AZ describe their closeness
Ang mga ito ang nagpatindi sa hinala ng mga tagasuporta sa kanilang totoong ugnayan.
Read: Here are the highlights and sidelights of Bida sa Arena
Sa midseason mediacon ng Secrets of Hotel 88 noong March 5, inusisa ng entertainment press ang dalawa kung nag-level up na ba ang kanilang pagkakaibigan na nabuo nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab.
Bagamat parehong hindi makasagot nang diretso sina Ralph at AZ, idiniin nilang kung anuman ang mayroon sila ngayon ay masaya sila.
Nae-enjoy rin daw nila na kasama ang isa't isa.
Pahayag ng Kapamilya actor: "Kita naman din na we’ve gotten closer na, and every day mas nakikilala ko pa siya.
"Ako, enjoy ako having to, you know, get to know her again day by day.
"Even kapag wala kami sa camera, kapag wala kami in front of the limelight, it’s just nice to get to know who she really is."
Mabilis naman itong sinang-ayunan ni AZ.
Maikli ngunit makahulugang sagot ng dalaga, "I agree. Ako, he said it all na.
"But yung idadagdag ko, I’m happy with whatever’s happening."
Read: Larkin Castor "happy" for ex-girlfriend AZ Martinez
Ralph says AZ is a good friend
Sa eksklusibong panayam ni Ralph sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin niyang isa si AZ sa naging malapit sa kanya sa PBB.
Nag-guest si Ralph sa PEP Live noong August 13, 2025, at dito niya ipinaliwanag kung bakit malapit ang loob niya sa Kapuso actress.
Saad ng Kapamilya Second Big Placer: “Siguro, I mean, all I really want from a friend is just someone who understands me.
“Someone who's able to be there for me when I need them or someone who is not afraid to call me when they need me.
“And I feel like AZ was one of those people inside the house na grabe talaga, it seems like such a distant memory na parang ang tagal na nangyari.
“Pero something na I really appreciated about her talaga was how open she was to me.
"And I feel like that's what really made us click and become close sa bahay.”
Read: Ralph de Leon clarifies real score with AZ Martinez
Sa tanong kung posible bang mahulog ang loob niya kay AZ, sinabi ni Ralph na hindi niya isinasara ang posibilidad.
Aniya: “Well, I wouldn't say I'm closing the doors to anything.
“Pero kasi, for me now, it's not a priority. It's not something that I'm looking into or actively searching for.
“Kasi I have my priorities also with regards to work and with regards to maintaining all the relationships that I have inside the house.
“All the friendships that I've built, ayoko din i-risk it.”
