Hindi lang matitinding aksyon sa basketball court ang inabangan ng fans sa Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown, kundi pati na rin ang mga nakakakilig na tagpo mula sa mga paboritong celebrity pairs na dumalo sa nasabing event.
Noong Linggo, May 3, 2026, sa Mall of Asia Arena ginanap ang celebrity basketball showdown sa pagitan ng Team Th3rd Floor, na binubuo ng halos Star Magic artists, at Team Sparkle, na binubuo naman ng Kapuso stars.
Ang Team Th3rd Floor ay binubuo nina Gerald Anderson, Richard Gutierrez, Vhong Navarro, Jameson Blake, Emilio Daez, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Argel Saycon, Tristan Ramirez, Elysion De Dios, Binsoy Namoca, at mga content creator na sina Malupiton at Tommy Tiangco.
Habang sa Team Sparkle naman ay sina David Licauco, Will Ashley, Dustin Yu, Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Andre Paras, Anthony Constantino, Kimson Tan, Prince Carlos, at Mateo Monzones.
WILL ASHLEY AND MIKA SALAMANCA'S MOMENTS BACKSTAGE
Hindi pa man nagsisimula ang laban ay makikita na ang suportang ibinigay ni Mika Salamanca sa rumored boyfriend niyang si Will Ashley.
Read: Will Ashley, Mika Salamanca deny rumors of “hard launch” Thailand
Sa video na kuha ng isang netizen backstage, makikita si Mika na nagtungo sa waiting area kung saan nagwa-warm up ang Team Sparkle upang batiin at i-good luck si Will.
Makikita rin sa video ang paglapit ni Will kay Mika upang ito’y besohan.

Maririnig pa si Mika na nagsabi kay Will, “Galingan mo, ha.”

DUSTIN YU AND BIANCA DE VERA'S SWEET MOMENT
Maging ang rumored couple na sina Dustin Yu at Bianca de Vera ay hindi rin nagpahuli sa pagpapakilig sa kanilang mga tagahanga.
Read: Dustin Yu settles the real score with Bianca de Vera
Gaya ni Mika, nagpunta rin si Bianca sa dugout kunsaan nagwa-warm up ang Team Sparkle para magpakita ng suporta kay Dustin.
Si Dustin, tila nagulat pa sa pagdating ni Bianca kaya agad siya ritong lumapit para besohin.

Sa mismong laro, nagsilbing cheerleader si Bianca para kay Dustin nang hindi siya magkamayaw na humiyaw, sumigaw, at lumundag para i-cheer ang aktor at team nito.

May isang tagpo pang nagpahiyaw sa kanilang fans nang lumapit si Dustin kay Bianca upang ibigay at ipasuot dito ang basketball jersey na may apelyido niya sa likod.

Shuvee Etrata Cheers On Suitor Anthony Constantino
Halos ganito rin ang ipinakitang suporta ni Shuvee Etrata sa manliligaw niyang si Anthony Constantino.
Read: Shuvee Etrata and Anthony Constantino still in courtship stage
Sa video na kuha ni Aubrey Carampel ng GMA News, makikitang sinorpresa ni Shuvee si Anthony nang puntahan niya ito sa waiting area.
Kapansin-pansin ang saya at pagkabigla ni Anthony nang makita ang aktres.
Ayon kay Anthony: "She lied to me, she said she's not gonna make it. She said she's not coming here."

Sa aktwal na laro, hindi rin nagpatinag si Shuvee sa pagtsi-cheer kay Anthony, na kalaunan ay hinirang bilang Player of the Game.
RALPH DE LEON GIVES AZ MARTINEZ A PIGGYBACK RIDE
Bagamat hindi kabilang sa lineup ng mga manlalaro, nagpakita pa rin ng suporta si Ralph de Leon sa kanyang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition co-housemates, at ilang malalapit na kaibigan kabilang si AZ Martinez.
Ralph de Leon clarifies real score with AZ Martinez
Si AZ ang nagsilbing muse ng Team Sparkle.
Sa mga kumakalat na video online, makikita ang matiyagang paghihintay ni Ralph kay AZ hanggang matapos ang event.
May mga video ring nagpapakita ng pagrereklamo si AZ sa pananakit ng kanyang paa dahil sa suot na heels, dahilan para i-piggyback ride siya ni Ralph papunta sa sasakyan nito pauwi.

JULIE ANNe SAN JOSE, BARBIE IMPERIAL, ASHLEY ORTEGA SHOW SUPPORT FOR THEIR BEAU
Spotted din sa Mall of Asia Arena sa Pasay City si Julie Anne San Jose upang suportahan at i-cheer ang boyfriend niyang si Rayver Cruz.
Read: Julie Anne at Rayver, naghihintay pa rin ng perfect timing
Naroon din sina Barbie Imperial para kay Richard Gutierrez at Ashley Ortega para kay Mavy Legaspi bilang suporta sa kani-kanilang partners.
Related Stories:
