Marami ang nagtatanong kung paano naging close sa isa't isa ang mga premyadong aktres na sina Amy Austria at Hilda Koronel?
May common denominator ang dalawa: ang namayapang aktor na si Jay Ilagan.
Parehong nakarelasyon nina Amy at Hilda si Jay.
Si Hilda ang unang nakarelasyon ni Jay, at sumunod si Amy.
Nagkataon ding pareho ng kinabibilangang film outfit noon sina Amy at Hilda, kaya teenager pa lamang sila ay nagkakasama na sila sa trabaho.

Eighteen years old si Jay nang ikinasal sila ni Hilda, na 16 anyos lamang, noong 1973.
Ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama dahil sa masalimuot na pangyayari sa kanilang relasyon.
Taong 1983, nagkarelasyon sina Jay at Amy. Tumagal sila ng halos labindalawang taon.
Hanggang sa pumanaw si Jay dahil sa isang motorcycle accident noong February 1992.
Siya ay 37 anyos.

Sa PEP Spotlight interview kay Hilda na lumabas noong March 3, 2026, sinabi niyang maayos ang pagkakaibigan nila ni Amy.
“Of course! Amy’s a friend of mine, you know," bulalas ng beteranang aktres.
“Wala naman kaming samaan ng loob over that, because yung relasyon, by the time nagrelasyon sila [Jay at Amy], tapos na kami [ni Jay], matagal na.
“And I still talk to her. I was just inviting her for Sisa nga, e. Yeah, we're good friends naman. We did a film together.
“So, wala iyon. Malinis ang aming mga relasyon.”
“Yun, hindi patungan. Walang patungan,” paglilinaw pa ni Hilda, na ang ibig sabihin ay hindi nag-overlap ang relationship nila sa late actor.
Nagkasama sina Hilda at Amy sa pelikulang Kung Mahawi Man ang Ulap (1984)

Read: Hilda Koronel good friends with Amy Austria; no overlap with Jay
AMY AUSTRIA ON RECONNECTING WITH HILDA KORONEL
Sa Real Talk exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Amy pagkatapos ng media conference ng upcoming Kapuso afternoon drama series na Kamao kahapon, May 18, 2026, binalikan niya kung paano sila nag-reconnect ni Hilda.

Pagbabalik-tanaw ni Amy: "Actually, naging ano kami nun nung ginawa namin ang Kung Mahawi Man ang Ulap.
"After nun, medyo hindi na kami nagkikita, tapos marami ang nangyari. Nagpunta na siya sa America at nag-asawa siya.
"Pero matagal na, e, mga 15 years ago. Masasabi ko lang, 'I-friend ko kaya siya?' Sabi kong ganun, yung friends sa Facebook.
"Sa Facebook kasi matagal nang ano... tinanong ko pa doon sa isang anak niya.
"Sabi ko, 'I-friend ko kaya si Mama mo sa FB?' 'Subukan mo, Tita.'
"Sabi ko, pag nakita ko doon sa mga suggested [friends sa Facebook].
"'Lord, a, sige na,' sabi ko. Gusto ko siyang ano, makipag-reconnect.
"So, ayun, biglang may lumabas. Tapos nag-send ako ng friend request.
"Tinanggap naman niya kaagad, tapos kuwentuhan kaagad kami sa chat."
Nag-usap daw sila, pero hindi nila pinag-usapan o binalikan ang nakaraan.
Doon na raw nagsimulang mabuo ang isang panibagong pagkakaibigan.
"Wala nang ganun. Ta's nakakatuwa pa nga, yun pa, matagal na nun, tapos itong nung pumunta siya dito, e," sabi ni Amy.
Kamakailan ay umuwi ng Pilipinas ni Hilda para sa promo ng comeback film niyang Sisa.
Ngunit hindi raw sila nakapag-bonding.
"Sana magkikita kami kaya lang busy siya, e," sambit ni Amy.
Nag-folow-han din daw sila sa Instagram.
"Ayan, nagpa-follow ako sa kanya sa IG. Siya rin nagpa-follow sa akin.
"Tapos sabi ko sa kanya kung puwede ba siya i-guest sa vlog ko."
Sagot daw ni Hilda sa kanya, "Oh, okay. I will tell Otep, my love."
Kinilig daw si Amy nang tawagin siya ni Hilda ng "My love."
"Ay, sabi ko, kinilig naman ako sa... 'My love talaga ang tawag mo sa akin?' 'Yes, my love.' 'Thank you very much,' sabi kong ganun."
Abangan ang no-holds-barred interview ni Amy sa Real Talk ng PEP.ph YouTube channel soon.
Read: Eric reveals why many of Dolphy’s children chose not to marry
AMY ON NEW SHOW KAMAO
Samantala, masaya si Amy na hanggang ngayon ay pinagkakatiwalaan pa rin siya ng GMA-7 para sa magagandang roles sa telebisyon.
Ang pinakabago ay ang upcoming GMA Afternoon Prime series na Kamao, na pinagbibidahan ni former Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Anton Vinzon.
Ang Kamao ay tumatalakay sa pangarap ng isang amateur boxer na si Makmak {Anton) na gustong maging boxing champion.
Pero, ang pinakamahirap niyang mga laban sa buhay ay sa labas ng boxing ring.
Si Amy ang gumaganap na makulit na lola ni Makmak na todo-suporta sa kanyang mga pangarap sa buhay.
"Ako si Gloria, lola ni Makmak. Supportive lola ni Makmak. Medyo kunsintidora nang konti... pero hindi naman, sa pangarap lang niya," paglalarawan ni Amy sa kanyang role sa Kamao.
Mapapanood ang Kamao sa GMA-7 simula sa May 25, 2026, 3:20 ng hapon, Mondays to Fridays.

Read: Dingdong appreciates Max's respectuful gesture toward Marian
