Hindi maitago sa mukha at aura ni BGYO member JL Toreliza ang kanyang kasiyahan sa pagiging bahagi ng panelist ng singing competition ng GMA-7 na The Clash Teens.
Makakasama niya sa Clash Panel sina Christian Bautista at Jillian Ward.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JL noong May 26, 2026, ibinahagi niya ang unang pagkakataong ipinaalam sa kanya na kabilang siya sa mga napipisil ng GMA-7 management bilang The Clash Teens panelist.
Read: Are Jillian Ward, BGYO JL open to pairing as a loveteam?
Pagbabalik-tanaw ng binata: "Nagulat ako kasi noong sinabi sa akin yun ng manager namin.
"Hindi ako makapaniwala kasi parang sa isip ko, 'Bakit ako?' Ganyan.
"Pero siyempre, sobrang thankful ko dahil ako yung napili. And dahil doon, pinaghandaan ko talaga siya."
Ayon pa kay JL, ang mga natutunan niya noon sa Clash Panel judges na sina Christian, Ai-Ai delas Alas, at Lani Misalucha ay gagamitin niya ngayon sa kanyang pag-upo bilang judge.
Read: Jinggoy Estrada charged with plunder in flood control issue
Pahayag niya: "Pinag-isipan ko kung ano yung magiging role ko as a judge, kung paano yung atake ko kapag magko-comment sa mga contestants.
"And, ayun, super excited na ako na makita din ng mga tao kung paano ako, as a judge."

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na bago pa mapabilang sa BGYO si JL ay nauna na siyang sumali sa Season 1 ng The Clash noong 2018.
Pag-amin ni JL, ito ang unang beses niyang sumali sa isang singing competition na naghubog sa kanyang confidence bilang performer.
Read: BGYO accepts apology of one respondent in cyberlibel case
No competition in BGYO despite solo projects, says JL
Noong January 2021 naman nabuo ang P-pop boy group na BGYO sa pangangalaga ng ABS-CBN.
Binubuo ito nina JL (vocal), Gelo Rivera (leader/rapper), Akira Morishita (vocals), Michael Claver Jr. (rapper), at Nate Porcalla (lead dancer).

Mula nang mag-debut, sunud-sunod na ang proyekto ng grupo kabilang ang album releases, mall shows, public performances, at concerts.
Unti-unti na ring nakikilala ang bawat miyembro sa kani-kanilang solo projects.
Read: Gen Z singers Isha, Maki, BGYO, Fyang, Kai take over OPM scene
Ang leader na si Gelo pinasok na ang acting nang bumida siya sa ABS-CBN Studios' first-ever original YouTube movie na The Four Bad Boys and Me noong 2025 at iWant series The Chambermaid’s Daughter ngayong 2026.
Ang isa pang BGYO member na si Akira ay nagkaroon din ng solo project nang maging celebrity performer siya sa katatapos lamang na reality competition na Your Face Sounds Familiar.
Kabilang din si Akira sa upcoming iWant series na Miss Behave.
Kaugnay nito, natanong si JL kung may inggitan ba sa loob ng grupo tuwing may solo projects ang isa’t isa.
Pahayag ni JL: "Inggit? Wala at all kasi kaming lima, once na magkaroon ng project yung isa, sobrang proud kami.
"To the point na kapag mayroong sariling project, like si Aki or si Gelo pinapanood pa namin together yung mga teaser or yung mga episodes.
"Tapos inaasar pa namin sila. Ganun lang kami since dati pa."
Paniniwala ni JL, walang dahilan para mag-inggitan dahil may kanya-kanya silang lakas at talento bilang indibidwal na kanilang maipagmamalaki.
Aniya: "Sinusuportahan lang namin yung bawat isa kasi walang reason para mainggit.
"Kasi lahat kami may kanya-kanyang strength, kumbaga, mayroon kaming mapupuntahan as individual."
Sundot na tanong ng PEP, "E, ikaw, ready ka na rin bang i-pursue ang acting?"
Nakangiting sagot ni JL: "If mabigyan ako ng opportunity na magkaroon ng acting project, siyempre tatanggapin ko kasi gusto ko rin mapakita yung side ko na yon.
"Nag-theater na kasi ako before, so gustong ko din siya ituloy. And madami rin akong mga role na gustong magawa."
Kung saka-sakaling mabigyan ng pagkakataon, gusto raw ni JL na gumanap bilang sidekick ng bida.
Sabi niya: "Ako kasi, yung gusto ko talagang role, like, pangarap ko ay ayokong maging leading man. Gusto ko yung sidekick ng bida or action, ganun.
"Mahilig kasi ako sa comedy. So, ayun yung gusto kong maging unang, like, acting project ko, yung role ko, parang sidekick ng bida na laging bumabasag sa trip nung bida, ganun."
Natanong din si JL kung sino ang gusto niyang makasama sa kauna-unahan niyang acting project.
Sagot niya: "Siguro yung mga next na gusto kong pang maka-work, like, sa acting naman, siyempre, Coco Martin.
"Kasi sinasabi nila na nakamukha ko daw si Coco Martin. So, gusto ko siyang maka-work. Tapos pwede naman yung role ko, kapatid niya, ganun."
Read: Christian Esguerra dismayed by takedown of YSpeak 2.0 guesting
