PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Esguerra dismayed by takedown of YSpeak 2.0 guesting

Christian Esguerra: "Natakot yung mga nasa...programa sa possible backlash."
by PEP team
Published 5 hours ago
Christian Esguerra dismayed over takedown of YSpeak 2.0 episode
Former ANC news anchor Christian Esguerra says taking down his YSpeak 2.0 episode can discourage the youth from speaking up, being critical, and being socially engaged.
PHOTO/S: Screengrab Christian Esguerra on YouTube

Dismayado ang dating ANC news anchor na si Christian Esguerra sa takedown ng episode ng YSpeak 2.0, ng May 23, 2026, noong siya ang guest.

Ang YSpeak 2.0 ay youth-oriented program na may semi-debate format na nagbibigay ng plataporma sa kabataan upang talakayin ang iba’t-ibang isyung panlipunan.

Sa bawat episode, may iniimbitahang guest na nakikibahagi sa diskusyon kasama ang hosts ng programa.

Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument

Isa si Esguerra sa guests ng programa. Bukod sa pagsagot sa mga tanong ay lumahok din ito sa segment na “YSpeak Your Mind.”

Dito, nagpapakita ang hosts na sina Elijah Canlas at Robbie Jaworski ng mga larawan ng political figures kay Esguerra. Bilang guest, kailangang magbigay si Esguerra ng salitang maikokonekta sa mga personalidad.

Kabilang sa ipinakitang larawan ay ang kay Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla, na tinapatan ni Esguerra ng mga salitang "character arc," dahil mula raw sa "kasamaan" ay papunta na raw ito sa "good side."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Remulla, itinangging binantaan si Bulacan Gov. Daniel Fernando

"Madaldal" naman ang ikinabit na salita ni Esguerra kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

Habang "matapang" ang binitiwan nitong salita para sa dating senador na si Antonio "Sonny" Trillanes IV.

Read: Rere Madrid and Kai Sotto are now married

Kasama rin sa mga larawang ipinakita kay Esguerra ang kay Senador Rodante Marcoleta, isa sa 70 kongresista na tumangging aprubahan ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020.

Walang habas na tinawag ni Esguerra na "Tsinador" si Marcoleta.

Word coinage ang "Tsinador" sa mga mambabatas na umano'y nagpapakita ng pagkiling sa China.

Read: Rep. Rodante Marcoleta, hindi pa tapos ang isyu laban sa ABS-CBN

Para naman sa larawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, "promising" ang salitang binitiwan ni Esguerra.

"Decent" ang salitang inugnay ng successful YouTube commentator kay Senador Risa Hontiveros.

Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit at paano naging senador ito?" naman ang sinambit ng mamamahayag nang pakitaan ng litrato nina Bato dela Rosa at Robin Padilla.

Sa huli, ipinakita ang larawan ni Vice-President Sara Duterte, at tinawag ito ni Esguerra na "evil."

Read: Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape

ESGUERRA reacts after YSpeak episode TAKEDOWN

Agad na naging usap-usapan online ang naturang episode, na umani ng magkakahating reaksiyon mula sa netizens.

Ngunit ilang araw matapos mag-viral ang video clips ng panayam kay Esguerra, napansin ng viewers na hindi na ma-access sa YouTube at iba pang social-media platforms ang episode.

Kung bibisitahin ngayon sa YouTube ay hindi na nga lumalabas ang naturang episode.

Christian Esguerra speaks out on YSpeak episode takedown
Photo/s: Screengrab on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa sariling podcast ni Esguerra, ang Facts First, nitong Huwebes, May 28, ibinahagi niya ang aniya'y tila pagse-censor ng ABS-CBN sa kanyang episode bunsod ng kanyang mga sagot.

"Natakot" daw ang network sa backlash.

Saad ni Esguerra: "Ito pala, sa mga nagtatanong, may mga nagme-message kasi sa akin kasi nabanggit ko na nag-guest po tayo sa YSpeak 2.0 diyan po sa ABS-CBN.

"Marami pong nagme-message na bakit daw po nawala yung episode? Noong tiningnan ko nga, nawala yung link.

"Kapag iki-click mo na yung link na shinare ko about that interview... parang naka-private.

"Lumalabas na tinake-down nung mga nasa likod ng programa yung interview with me ng mga kabataang na-meet natin doon.

"It's just unfortunate... mukhang lumalabas na natakot yung mga nasa likod nitong programa sa possible backlash."

Dagdag niya: "Mukhang natakot sila doon sa naging takbo ng discussion.

“Sa akin, very unfortunate. Kasi, na-censor na naman ako, e.

"Dati na akong nase-censor noong nasa ABS-CBN ako. Ngayon, na-censor na naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat desisyon pa rin ng programa kung ano ang ipapalabas nito, labis daw nababahala si Esguerra sa maling mensaheng makukuha ng manonood ng pagbubura ng kanyang episode.

Ayon pa sa online journalist, ang pangunahing layunin ng kanyang partisipasyon sa YSpeak 2.0 ay ang pagtalakay sa civic duty ng kabataan, lalo na sa nalalapit na national election ng 2028.

Christian Esguerra speaks out on YSpeak episode takedown
Photo/s: Screengrab Christian Esguerra on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Esguerra: "I’m not blaming anyone. Pero ang sa akin lang, it sends the wrong message doon sa mga kabataan na sinisikap sana nila at natin na hubugin, mas patapangin, mas gawing engaged.

"Kasi kapag pinanood niyo naman po yung buong segment na yon, hindi lang naman po nakatutok doon sa word-association portion na yon.

"I felt na there was that deep connection with the youth, because I could sense the engagement of the youth, how involved they were, how dedicated they were to the cause.

"Ang pinakamensahe ko rin, actually, hindi rin lang naman tungkol doon sa word association, e.

"Ang in-emphasize ko doon is yung kahalagahan ng civic duty lalo na ng mga kabataan sa darating na eleksyon.

"Ang sa akin lang, by taking down that episode or portion, that sends a wrong signal especially to the youth.

"Na para bang, 'Ine-encourage niyo kaming maging matapang, maging mapanuri, manindigan, pero kayo takot?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ba, ang best example ng isang bagay na gusto mong gawin ng ibang tao is show it by example?"

Dagdag pa ni Esguerra, normal lamang ang pagkakaroon ng takot, ngunit mahalaga raw kung paano ito hinaharap.

Saad niya: "Hindi po tayo nagtatapang-tapangan. Lahat naman po tayo ay mayroong kaduwagan.

"Pero ang tanong, what do we do about these moments of weakness if you feel like you’re getting weak o di kaya feeling mo natatakot ka?

"Di ba, kino-conquer mo yon, e. Lahat naman tayo may kanya-kanyang takot. Pero, it’s a matter of how you respond to this fear that actually makes a difference.

"Kasi kung sasabihin mo, 'O, mga kabataan—manindigan, makipaglaban kayo, manindigan kayo sa prinsipyo!'

"Pero yung mga nagsasabi sa kanila na manindigan, kapag sila yung napunta doon sa posisyon na kailangan nilang manindigan, e, una silang matatakot.

"Hindi po ba that sends a wrong signal?"

ESGUERRA's message to ABS-cbn "HIGHER-UPS"

Sa huli, nanawagan si Esguerra sa dati niyang network, ang ABS-CBN, na manindigan sa tingin nitong tama at nararapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging leksiyon daw sana sa Kapamilya Network ang nangyari rito noong 2022 nang mamaalam ito sa ere.

Pahayag ni Esguerra: "Sana lang, next time, mas maging matapang, mas matutong manindigan.

"Kasi habang natatakot tayo, ito na yung nangyari sa ABS-CBN, di ba?

"Nawalan ng prangkisa, katakut-takot na pambabalahurang ginawa sa network ni Duterte—duwag pa rin, di ba?

"After Duterte, medyo tumapang na nang kaunti ang network. Pero makikita niyo, 'no, especially during that time, talagang tinatapak-tapakan na ni Duterte, takot pa rin.

"Nawala na yung prangkisa, takot pa rin. O tingnan niyo, saan dinala yung network dito sa takot na ito?"

Sa mga sumunod na salita ni Esguerra, tinukoy niya ang "management" ng ABS-CBN.

Paglilinaw ni Esguerra: "I am not talking about the men and women who are running the newsroom. Dahil marami dyan matapang, e.

"Meron ding mga duwag, pero mas marami ang matapang.

“Pero kung yung management mo, iba yung mensaheng ipinaparating doon sa newsroom, paano ka naman magiging matapang kung hindi ka naman nakakaramdam ng strong backing from your higher ups?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sinasabi ni Esguerra na "pambabalahura" sa ABS-CBN ay ang pagpapasara ng noo'y Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa dating broadcasting giant.

Inamin noon ni Pangulong Duterte na ginamit niya ang kanyang "presidential powers" para mangyari iyon.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ito ni Duterte sa oath-taking ceremony ng mga bagong halal na local government officials noong June 27, 2022, o ilang araw bago matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng Pilipinas.

Read: President Duterte admits using "presidential powers" vs ABS-CBN

Nawala sa ere ang ABS-CBN, eksaktong 7:52 ng gabi, noong May 5, 2022, matapos mag-isyu ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease-and-desist order pagkapaso ng prangkisa ng network.

Tuluyang ibinasura ng Kongreso, sa botong 70-11, ang franchise-renewal application ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Sa kanyang speech sa Davao, iginiit ni Duterte na hindi nagbayad ng taxes ang ABS-CBN: "Kaya tinira ko talaga sila."

Read: President Rodrigo Duterte to ABS-CBN: "I'm sorry, you're out!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit giit ng mga kritiko, personal ang isyu ni Duterte laban sa ABS-CBN, dala ng masusing pag-uulat ng network sa drug war ng administrasyon nito na humantong sa extra-judicial killings (EJK) ng libu-libo.

Read: Rodrigo Duterte's new ICC lawyer seeks new fitness review

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang ABS-CBN sa takedown sa guest appearance ni Christian sa YSpeak 2.0.

Read: Updated: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former ANC news anchor Christian Esguerra says taking down his YSpeak 2.0 episode can discourage the youth from speaking up, being critical, and being socially engaged.
PHOTO/S: Screengrab Christian Esguerra on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results