Labing-anim na taon na sa ere ang GMA family sitcom na Pepito Manaloto. At nananatili itong most-watched at laging mataas ang ratings.
Ano ba ang sikreto ng show at hindi bumibitaw sa kanila ang audience?
Saad ng gumaganap sa title character at direktor din ng programa na si Michael V: "Especially comedy, mahirap talagang patagalin yun.
"So, I think it's the dedication and yung passion para doon sa trabahong ginagawa namin.
"And also yung resource siguro. Marami kasing pagkukuhanan, e.
"Yung Bubble Gang, marami. I-mirror mo lang ang society. Huli mo na yan.
"The same thing with Pepito Manaloto. Yung ganun, na-explain ko sa inyo kanina.
"Most of the stories namin, galing sa totoong buhay, kaya very relatable."
Isa ba siya sa nagsa-suggest ng topic na maaari nilang talakayin sa show?
Ayon kay Michael V: "Sa Pepito Manaloto, yes. So, kasama ako sa nagbabato ng topics. Pero hindi ko kaya mag-isa ito.
"So, yung creative team namin, composed of a handful of writers na matagal na sa industriya.
"Actually, kahit since day one ng Pepito Manaloto, sila na yung kasama ko.
"So, talagang hindi matatawaran yung galing nila. At saka yung ear nila, tsaka yung eye nila for things na nangyayari sa paligid para mai-translate into the show."
Kaya raw magaan ang show dahil parang pamilya na rin ang turing nila sa isa't isa.
"Parang pamilya na talaga kasi. Siguro dahil na rin sa tagal.
"Kaya rin siguro, isa rin siguro sa mga dahilan yun kung bakit tumagal is because magkakakilala na kami talaga, personally."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael V sa media set visit sa taping ng Pepito Manaloto sa Madison 101 Hotel, Quezon City, nitong Huwebes, June 4, 2026.
Kasama ni Michael na humarap sa interview sina Manilyn Reynes, John Feir, at iba pang cast members.

Read: Mr. M retains TV5 roles despite rumored exit, sources claim
MICHAEL V ON MOST MEMORABLE TAPING EXPERIENCE
Sa loob ng 15 taon nilang pagsasama, wala raw narinig o naranasang tampuhan sa set si Michael V at ang co-actors niya.
Wala rin daw nag-aaway maliban na lamang sa creative differences.
Aniya: "I think it's one of the reasons kung bakit, at one point, tumigil yung show.
"Nagpahinga kami dahil kailangan talagang, e, pakalmahin yung mga nerves."
Ipinagmamalaki rin niya ang nakagawian na nilang "table read" sa set bago pa kunan ang actual na eksena.
Paliwanag ni Michael V: "Kasi dito sa show namin, nagkakaroon kami ng table read na tinatawag.
"It's a professional way of dealing... Sa simula ng taping, nagti-table read muna kami. So, binasa namin.
"Sometimes hindi nga lang isang episode. Sometimes, dalawa o tatlong episodes binasa namin.
"So, at that point, yung table read namin, it's like the second sifting na yun. Pangalawang sala na to. Kasi nire-read na namin yan ng mga writers.
"Pero dahil involved na yung mga artista, meron silang naisa-suggest para doon sa character."
Sa puntong iyon daw ay magkakaroon sila ng panahong mag-tweak ng ilang linya na mas babagay sa pagbato ng artista sa eksena.
Anong eksena ang hindi niya makakalimutan sa loob ng 16 years ng show?
Lahad ng comedian at creative genius: "Well, meron isa na nagpa-pop out palagi, e. Isang scene to sa ano, sa funeral home.
"Na si Roldan Aquino, sumalangit-nawa ang kanyang kaluluwa, na hawak niya yung ukulele ni Pepito Manaloto.
"And nag-attempt si Pepito na kunin yung ukulele sa kamay ng isang bangkay.
"So, tawang-tawa kami dun, e, nung ginagawa namin yun.
"Kahit yung audience nung napanood, tawang-tawa sila. So, hindi ko malilimutan yun."
Si Roldan Aquino ay character actor na pumanaw noong January 20, 2014 dahil sa stroke.
Read: Character actor Roldan Aquino passes away at 65

PEPITO MANALOTO'S SIXTEENTH YEAR
At ngayong papasok na ang Pepito Manaloto sa ika-labing anim na taon nitong pag-ere sa telebisyon, isang malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Michael V para sa kanilang mga masugid na tagasubaybay.
Sabi niya: "Malaking pasasalamat sa inyong lahat, hindi lang sa mga bagong tagapanood, lalung-lalo na doon sa mga dati pa, yung mga nauna pa naming audience noon.
"Yung mga naka-discover sa amin nung pandemic, maraming-maraming salamat din sa inyo. At hindi rin kayo bumitaw hanggang ngayon, nandidito pa rin kayo.
"Na-appreciate po namin lahat ng mga comments niyo, mga suggestions ninyo, tsaka yung mga mensahe ninyo sa show.
"Hindi lang para sa akin kundi para sa buong cast, pati sa staff and crew. Maraming-maraming salamat po sa inyo."
Sa Sabado, June 6, 2026, mapapanood ang bonggang 16th anniversary special ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento sa GMA-7, 7:15 ng gabi.
Isa sa inaabangang eksena rito ay ang renewal of vows nina Pepito at Elsa (Manilyn Reynes).

Read: Michael V reveals Pepito Manaloto is inspired by John en Marsha
