Sunud-sunod ang pag-upload ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram Stories ng mga larawan at video mula sa naging bakasyon nila sa Boracay.
Kasama niya sa naturang biyahe ang dating partner na si John Lloyd Cruz at ang nobya ng aktor na si Isabel Santos.
Naroon din ang dalawang anak ni Ellen na sina Elias at Lili, gayundin ang ilan pa nilang malalapit na kaibigan.
Read: John Lloyd Cruz spotted with Ellen Adarna, sparks project rumors
Dating magkarelasyon sina Ellen at John Lloyd; at anak nila si Elias.
Read: Ellen Adarna praises John Lloyd Cruz for being a "present father"
Habang si Lili naman ay anak ni Ellen sa estranged husband nitong si Derek Ramsay.
Read: Ellen Adarna spills on child support from Derek vs. John Lloyd
ELLEN'S BORACAY TRIP WITH JOHN LLOYD AND ISABEL
Nitong Huwebes, June 4, 2026, sunud-sunod na ibinahagi ni Ellen sa kanyang IG Stories ang mga tagpo mula sa kanilang masayang bakasyon.
Bukod sa pagsu-swimming at diving, sinubukan din nina Ellen at Elias ang kayaking.


Ipinasilip din ni Ellen ang kanilang videoke session habang kumakain at nag-iinuman sa isang restaurant, kung saan isa sa mga nanguna sa pagkanta ay si John Lloyd.

Sa ilang mga video ni Ellen, makikita ang pagkanta ni John Lloyd ng "Closer You and I" katabi ang nobyang si Isabel.

May anggulo pang kuha si Ellen na makikitang tila hinaharana ni John Lloyd si Isabel.
Caption sa nasabing video ni Ellen, "Ang tamisss ahaha."

Bukod sa "Closer You and I," todo-bigay ring kinanta ni John Lloyd ang "When You Say Nothing At All" at "You'll Be Safe Here."
May kuha pa si Ellen na sinasayawan at nilalaro nina John Lloyd at Isabel si Lily.

Kapansin-pansin din ang kasiyahan ni Ellen para kina John Lloyd at Isabel, batay sa ilang video snaps na ibinahagi niya habang kinukuhanan ang dalawa na nasa itaas ng kanilang yate.

Ellen expresses gratitude to Isabel
Sa isa sa mga huling IG Stories ni Ellen, nagpahayag siya ng pasasalamat kay Isabel dahil sa kabutihan nito sa kanya at sa kanyang mga anak.
Kalakip nito ang litrato nila na may caption na (published as is), "Eh un iniyakan kita for being the best stepmom mahal kita! @isabelreyessantos."
Agad naman itong ni-repost ni Isabel sa kanyang sariling IG Stories at nagpasalamat din kay Ellen sa pagiging mabuti nitong kaibigan.
Saad niya (published as is), "Love youuu, thank you for being a friend and everyday textmate."

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sa isang bakasyon sina Ellen, Isabel, at John Lloyd.
Noong March 2026, nagbakasyon din sila sa Amanpulo kasama rin sina Elias at Lily.
Read: Ellen Adarna bonds with John Lloyd, Isabel Santos in Amanpulo
