PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger Ser Geybin addresses cheating allegations

Ser Geybin: "Guys, hindi po kami naghiwalay."
by Khryzztine Joy Baylon
Published A day ago
Vlogger Ser Geybin addresses cheating allegations
YouTube vlogger Ser Geybin denies cheating allegations, clarifies his connection to a woman linked to him online.
PHOTO/S: Ser Geybin on Facebook

Makalipas ang ilang araw na pagpapagaling at pagpapahinga, nagbalik na sa pagba-vlog ang YouTube vlogger na si Gavin Capinpin o mas kilala bilang si Ser Geybin.

Noong June 2, 2026, naging usap-usapan online ang isang vlog niya sa YouTube kung saan inanunsiyo ng kanyang mga kapatid na sina Kelzy, Allen, at Kalo, kasama ang girlfriend niyang si Elma Asagra, na pansamantala munang hindi magpapakita si Ser Geybin sa kanilang mga vlog matapos nitong maospital.

Anila, may "matinding pinagdaraanan" si Ser Geybin.

Nahirapan ito sa paghinga at nanigas ang ilang parte ng kanyang katawan, na naging rason ng biglaan niyang pagpapaospital noong gabi ng June 1.

Vlogger Ser Geybin hospitalized following a sudden health scare
Photo/s: Ser Geybin on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa paglalahad ni Elma, lumalabas na matagal nang may mga pinagdaraanan si Ser Geybin na hindi raw nito naibabahagi sa kanyang mga mahal sa buhay.

Kabilang umano sa mabigat na pasaning dinadala ng vlogger ay ang responsibilidad sa kanilang pamilya matapos pumanaw ang kanilang amang si Peddy Capinpin noong 2021.

Bukod dito, naiisip din umano ni Ser Geybin ang kanyang relasyon kay Elma, kabilang na ang posibilidad ng kanilang paghihiwalay.

Read: Vlogger Ser Geybin hospitalized following emotional struggles

The Cheating Allegations Surrounding Ser Geybin

Mabilis na umani ng samu't saring reaksiyon at komento ang nasabing vlog.

Bagamat marami ang nagpahayag ng pag-aalala para sa kalagayan ni Ser Geybin, may ilan ding netizens ang naglabas ng iba't ibang espekulasyon tungkol sa pinagmulan ng mga pinagdaraanan ng vlogger.

Sa TikTok at Reddit, usap-usapan ang umano'y lihim na pakikipagrelasyon ni Ser Geybin sa iba, habang sila pa ni Elma.

Vlogger Ser Geybin addresses cheating allegations
Photo/s: Ser Geybin on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniuugnay ang pangalan ngayon ni Ser Geybin sa isa diumanong dentista at anak ng politiko na nagngangalang "Ayra" matapos lumabas sa social media ang ilang larawan nilang magkatabing nakaupo sa restaurant.

Read: Vlogger Ser Geybin under fire for "disrespecting" BINI Mikha

Bukod pa rito ang litrato nila umano habang nasa airport papunta ng Macau.

Ayon sa ilang netizens, si Ayra umano ang kasama ni Ser Geybin nang bumiyahe ito sa Macau noong February 2025.

May mga nagsasabi ring matagal na umanong hiwalay sina Ser Geybin at Elma dahil sa nabanggit na cheating issue.

SER GEYBIN RETURNS TO VLOGGING

Sa pamamagitan ng isang vlog sa YouTube nitong Linggo, June 7, mariing itinanggi ni Ser Geybin ang mga kumakalat na akusasyon laban sa kanya.

Bagamat hindi pa ganap na nakakarekober, minabuti raw niyang bumalik sa pagba-vlog upang linawin ang mga usaping kumakalat online.

Panimulang pahayag ni Ser Geybin sa kanyang latest vlog: "Kumusta kayo, guys? Ito ako ulit at nagbabalik.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Grabe yung pinagdaanan ko na yon, lalo na yung naospital na ako, hindi ko akalain na ganon.

"Kasi ganon daw po pala kapag sobrang pagod ako, sobrang daming problemang pumapasok, daming obligasyon, naghalo-halo. Hindi ko na makontrol yung nangyayari sa akin.

"To the point na bago ako ipunta sa ospital, normal naman ako non, pero bigla akong nag-chill, namanhid na hanggang mukha ko."

Ikinuwento rin ni Ser Geybin na hindi naging madali ang mga sumunod na araw matapos siyang maospital.

"Tapos akala ko makakapagpahinga na ako pagkatapos ko maospital, kasi ilang araw din akong nawala, e, pero hindi po.

"Hindi ako nakakatulog, hindi po ako nakakakain, pero mabuti na lang nandito ang aking nurse," sabay turo sa nobya niyang si Elma.

SER GEYBIN DENIES CHEATING ALLEGATIONS

Sa pagkakataong ito ay isa-isa nang sinagot ni Ser Geybin ang mga naglabasang akusasyon sa kanya, kabilang na rito ang espekulasyong hiwalay na sila ni Elma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ng vlogger, isa si Elma sa naging pinakamalaking sandigan niya sa panahon ng kanyang pagsubok kaya naman imposible raw na may katotohanan ang alegasyong break na sila.

Saad niya: "Kung hindi dahil dito [kay Elma], hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin.

"Kasi simula noong naospital ako hanggang ngayon, hindi pa siya umuuwi sa kanila, siya yung nag-alaga sa akin."

Ayon pa kay Ser Geybin, nagulat sila sa naging reaksiyon ng publiko sa vlog tungkol sa kanyang kalagayan.

Ang plano lang daw nila noon ay magbigay ng awareness sa mga kagaya niyang todo-kayod para sa kanilang pamilya, bagay na minasama at nagkaroon daw ng ibang kahulugan sa iba.

Paliwanag niya: "Tapos yung pagpu-post po nila ni Allen ng video, para po yon sa mental health awareness sana.

"Kaso ang nangyari po, marami naman pong naka-relate. Kaso po, dahil nga ang mga vlog namin puro kalokohan, akala po nila, e, joke lang yon. Akala nila prank lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po prank yon. Totoo po lahat yon na nangyayari at nangyari po talaga yon sa akin."

Pagpapatuloy pa niya: "At ang isa pa, baka ito na po yung huling beses namin na gagawin yung mag-post kami ng aksidente o magsabi ng problema sa inyo kasi ang daming haka-haka.

"Ang sabi niyo, magpahinga kami. Pero noong nagpahinga kami, noong nawala ako, sabi niyo hiwalay na kami."

Diin ni Ser Geybin: "Guys, hindi po kami naghiwalay."

Nilinaw rin ng vlogger ang pagkaka-link niya sa iba na nadamay sa mga usap-usapan online.

Pahayag ni Ser Geybin: "Isa pa, ang dami na ring nadadamay. Yung best friend ko, ayun daw yung reason kung bakit kami naghiwalay.

"May asawa na po yon. Nakita lang nila yung throwback picture.

"Yung tropa ko rin sa La Union, si Ayra. Ang dami-daming lumalabas sa TikTok na nakita na kumakain kami, magkatabi lang kami, iyon na raw yung dahilan kung bakit kami naghiwalay [ni Elma].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Guys, tropa po yon. Tropa po namin yon. Alam po ni Elma yon."

Kinumpirma maman ni Elma ang pahayag ng kanyang nobyo.

"Opo, guys, tropa po yon," sabi niya.

Read: Ryan Bang breaks silence on breakup with Paola Huyong

Ayon pa kay Ser Geybin, nakaramdam sila ng hiya sa mga taong nadamay sa mga kumalat na espekulasyon kaya agad nilang kinontak ang mga ito upang humingi ng paumanhin.

"Dyusko, guys, nakakahiya. Kaya kinontak po namin agad sila kasi hiyang-hiya po kami.

"Actually, natatawa lang naman po sila sa mga nangyayari. Kaso nga lang, kami, nahihiya kasi hindi po nila alam pero sila nadadamay.

"Kaya baka iyon na po ang huli naming pag-a-upload kasi nakakatakot. Ang daming nangyayaring hindi totoo."

Ser Geybin and Elma go on a date

Upang ipakitang matatag pa rin ang kanilang relasyon, naglaan ng oras sina Ser Geybin at Elma para sa isang simpleng date matapos ang mga pinagdaanan nila nitong mga nakaraang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vlogger Ser Geybin addresses cheating allegations
Photo/s: Ser Geybin on Facebook

Sa kanilang paglabas, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang dalawa tungkol sa mga hamon na kinaharap ni Ser Geybin at sa mahahalagang aral na kanyang napagtanto matapos ang pagkakaospital.

Sa kabila ng mga kontrobersiya at espekulasyong lumutang online, kapwa iginiit nina Ser Geybin at Elma na nananatiling matatag ang kanilang samahan at patuloy nilang haharapin nang magkasama ang anumang pagsubok na darating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTube vlogger Ser Geybin denies cheating allegations, clarifies his connection to a woman linked to him online.
PHOTO/S: Ser Geybin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results