Nagpasalamat si Senate President Sherwin Gatchalian sa ex-girlfriend na si Bianca Manalo sa congratulatory message nito matapos siyang hiranging Senate President noong June 17, 2026.
Sa programa sa DZMM nina Alvin Elchico at Doris Bigornia ngayong Biyernes, June 19, 2026, inusisa nila kung ano ang mensahe ng senafor matapos siyang batiin ni Bianca.
Sagot ni Gatchalian: "Nagpapasalamat ako sa kanya. At, of course, sa lahat ng bumati.
"In fact, buong gabi nga ako nagre-reply sa mga bumabati sa atin. Nagpapasalamat ako sa lahat, of course.
"Malaking bagay yung pagbati nila."
Giit ni Alvin, "Hindi, hindi, hindi nila... niya. Kasi si Bianca ang tinatanong natin, SP, e."
Tugon ng bagong Senate President, "Nagpapasalamat ako, of course, kay Bianca."
Nailuklok bilang Senate President si Gatchalian noong June 17 matapos magpatawag ng special session ang Palasyo para sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Kabilang si Bianca sa bumati sa kanya sa pamamagitan ng Instagram Story.
Sabi ni Bianca, very proud siya sa ex-boyfriend na third in line na ngayon sa may pinakamataas na posisyon sa gobyerno pagkatapos ng President at Vice-President.
Buong mensahe ni Bianca: "Will forever be proud of you!!! Well deserved!!!!!! It’s about time! [raising hands emojis] The country needs you! [index finger pointing up emoji]"
Read: Bianca Manalo draws flak after congratulating SP Win Gatchalian
BIANCA HOPES TO FIND THE RIGHT LOVE
Kasalukuyang nagbabakasyon si Bianca Manalo sa Hanoi, Vietnam.
Sa mga larawang kuha sa isang restaurant at coffee shop doon na kanyang ipinost, may nagkomentong netizen tungkol kay Senate President Sherwin Gatchalian.
Ayon dito, "sen. president na sya [face with tears of joy emoji]"
Pareho lang din ang sinagot ni Bianca sa kanyang congratulatory message kay Senator Gatchalian.
Aniya, "proud of him [raising hands emojis] He deserves it! [index finger pointing up emoji]"

Isang netizen naman ang nagpahatid ng positibong mensahe kay Bianca tungkol sa kanyang lovelife.
Ayon dito, "Balang araw mananalo karin sa pag-ibig Ms. Manalo [smiling face emoji]"
Tugon ng actress-beauty queen, "sana nga po [praying hands, kissing face with closed eyes, face blowing a kiss, heart hands emojis]"

Mensahe pa ng isa, "I've been a follower of you Ms Bianca, since 2016. I really hope that soon you will find the love of your life that will be yours forever [heart emoji]"
Ni-like ito ni Bianca.

Read: Maureen Wroblewitz explains "period" post after criticism
SHERWIN-bianca separation
Nabatid ng publiko na single na si Gatchalian dahil sa sinabi niyang "non-existent" ang kanyang love life sa isang panayam noong January 21, 2026.
Nagsilbi itong kumpirmasyon sa bali-balitang hiwalay na talaga sila ni Bianca.
Halos walong taon ang pinagsamahan ng dalawa sa kanilang pag-iibigan na nagsimula noong taong 2018.
Read: Sherwin Gatchalian admits to having a “non-existent” love life
Noong 2023, naglitawan ang diumano'y screenshots ng online conversations ni Bianca at ng dating co-star sa Magandang Dilag na si Rob Gomez, na nagpapahiwatig na mayroon umano silang ugnayan.
Pinabulaanan ito ni Bianca at tinawag na "false rumors" at "unfounded accusations" ang mga alegasyon.
Read: Senator Sherwin Gatchalian no comment on Bianca Manalo-Rob Gomez issue
Nito lamang June 11, 2026, nasangkot naman si Bianca sa viral na usap-usapan sa social media.
Idinawit ang kanyang pangalan sa napabalitang paghihiwalay ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at ng boyfriend ntong si Jonathan Sterling, isang mayamang software developer.
Ayon sa isang ulat, si Bianca umano ang third party.
Pero, mariin itong pinabulaanan ng Sparkle GMA Artist, na namamahala sa career ni Bianca, sa pamamagitan ng isang official statement.
Read: Bianca Manalo's camp denies third-party allegation
