Dasal daw ang sinasandalan ng beauty queen at aktres na si Bianca Manalo sa mga kinakaharap niyang intriga mula noon hanggang ngayon.
Saad ni Bianca sa panayam sa kanya ng media: "Nagpi-pray. Nagpi-pray.
"And ang mga backer ko is friends and family, mga kapatid ko.
"Ang importante sa akin is yung mga taong naniniwala. At kung ano yung totoo, di ba?"
Nagpaliwanag din si Bianca matapos mag-viral ang kanyang mensahe sa dating karelasyong si Senator Sherwin Gatchalian nang mahalal ito bilang bagong Senate President noong June 17, 2026.
Mensahe ni Bianca para kay Gatchalian: "Will forever be proud of you!!! Well deserved!!!!!! It’s about time! [raising hands emojis] The country needs you! [index finger pointing up emoji]"
Read: Bianca Manalo draws flak after congratulating SP Win Gatchalian
BIANCA MANALO ON VIRAL MESSAGE TO SP SHERWIN GATCHALIAN
Ano ang reaksiyon niya matapos siyang mag-viral?
Ayon kay Bianca, hindi natapos ang pagkakaibigan nila ng senador nang matapos ang kanilang relasyon. Lalo pa raw at co-parenting sila sa kanilang mga alagang aso.
Paliwanag niya: "Because magkaibigan talaga kaming dalawa. We're very good friends.
"We have custody with our three dogs. Yung three dogs namin, para naming mga anak."
Ang pangalan ng mga aso nila ay sina Purdelle, Paprika, at Pearl.
View this post on Instagram
Kung may sakit ang mga ito, kinukonsulta pa rin daw niya ang ex-boyfriend.
Ani Bianca: "Kapag may kailangan o may sakit yung mga aso namin, kinu-contact ko pa rin siya.
"Nung may sakit si Purdelle, kung may sakit si Paprika, may sakit si Pearl, siya pa din ang tumatayong daddy."
View this post on Instagram
"Yes, we're very good friends," sagot ni Bianca tanong kung na-maintain ba nila ang kanilang pagkakaibigan.
Bianca supports Sherwin, risa hontiveros tandem
Ngayong umiinit ang pulitika, may naglalayag ng tambalang #WinRi, o Senator Sherwin at Senator Risa Hontiveros.
Ano ang masasabi ni Bianca rito?
Sabi niya: "Why not? Alam mo, kung ikauunlad ng ating bansa yung ginagawa nilang dalawa, which is yun naman talaga, noon pa sila magka-tandem, nung in-eradicate nila ang POGO [Philippine Offshore Gaming Operators].
"Full support ako sa kanilang dalawa. So, why not?
"Up to now, Senator, SP Sherwin has my full support and I will forever be proud of him."

Read: Sherwin Gatchalian admits to having a “non-existent” love life
