Nakaalis na ng Pilipinas ang mga labi ng Nigerian Ateneo Blue Eagles player na si Divine Adili, 21.
Ayon sa ulat ng GMA News, pasado alas dos ng hapon noong Lunes, June 22, 2026, nang umalis sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City ang convoy ng karo na naghatid sa mga labi ni Divine patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang iuwi ito sa Nigeria.
Dalawang opisyal ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang kasama sa biyahe upang tiyakin umanong maging maayos ang pag-uwi ng mga labi ni Divine sa kanyang pamilya.
Read: Rene Baterbonia, Divine Adili deaths not an accident — CIDG
Sa video na ibinahagi ng GMA News sa social media, makikita ang mga kaibigan at ilang teammates ni Divine na nagbuhat ng kanyang kabaong upang isakay ito sa karo.

Hindi nakauwi ng Pilipinas ang mga magulang ng nasawing Ateneo student-athlete upang personal na sunduin ang kanyang mga labi.
Gayunman, tiniyak nilang sila mismo ang sasalubong sa mga labi ni Divine pagdating nito sa Nigeria.
Inaasahang darating ang eroplanong lulan ang mga labi ni Divine sa Nigeria ngayong Martes ng hapon, June 23.
Read: Divine Adili’s parents seek answers, justice after son's death
DIVINE'S FRIEND APPEALS TO STOP SPREADING MISINFORMATION ABOUT LATE ATHLETE
Samantala, bago umalis ng bansa ang mga labi ni Divine, nakapanayam ng GMA News at iba pang media si Solomon Okereke, isa sa mga kaibigan ng Ateneo player.
Nanawagan si Okereke sa publiko na igalang ang pagpanaw ni Divine at itigil ang pagpapakalat ng aniya'y maling impormasyon at mga pekeng naratibo tungkol sa namayapang student-athlete.
Aniya, lalo lang kasi itong nakadaragdag sa sakit ng pamilya ni Divine, na hindi pa man lang personal na nakikita ang kanyang labi.
"I want to still plead for those who are posting the wrong narrative... I am begging all of you, at this time, we just want to mourn Divine peacefully.
"To everyone, please don't post false narratives, creating AI [artificial intelligence]-generated pictures to push false narratives. I want to plead with you to please, please just allow us to mourn him.
"Please, don't push a negative narrative. Anything you're not sure of, any information that you're not sure of, please don't post or just don't talk about it," pagsusumamo ni Okereke.
ATENEO HEAD COACH TAB BALDWIN APPEARS BEFORE NBI
Hanggang ngayon ay patuloy na nananawagan ng hustisya ang mga kaibigan, tagahanga, at pamilya nina Divine at Rene Baterbonia, 18.
Si Rene, na kapwa player ni Divine, ay nasawi rin habang isinasagawa ang team-building activity ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora, noong June 8, 2026.
Read: Rene Baterbonia’s dream: "Maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan"
Kabilang sa mga kinukuwestiyon kaugnay ng nangyaring trahedya ang dating Ateneo head coach na si Tab Baldwin.
Noong June 16, ipina-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Baldwin, ngunit hindi siya sumipot sa kanilang imbitasyon.
Read: Tab Baldwin resigns amid probe into deaths of Ateneo athletes
Paliwanag noon ng legal counsel ni Baldwin, hindi nakasipot ang beteranong basketball coach dahil sa kanyang kondisyon.
Pero ngayong Martes ng umaga, June 23, dumating si Baldwin sa tanggapan ng NBI Homicide Division upang magbigay ng salaysay kaugnay ng pagkamatay nina Rene at Divine.
