Pinasinungalingan ng sweet photos ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at partner niyang tech millionaire/British national/philanthropist na si Jonathan Sterling ang intrigang naghiwalay sila dahil sa isyung third party.
Sa Instagram Story ni Celeste ngayong araw, June 26, 2026, nag-upload siya ng collage ng mga larawan nila ng partner na si Jonathan.
Wala inilagay na caption si Celeste, pero makikita sa mga larawan ang lambingan ng dalawa.

Ni-repost naman ito ni Jonathan sa kanyang Instagram Story makalipas ang isang oras.
Dito idineklara ng negosyante ang pagmamahal para sa beauty queen-partner.
Caption ni Jonathan patungkol kay Celeste: "The love of my life. Don't let her know, it'll go to her head."

Read: Bianca Manalo and Sherwin Gatchalian: A Relationship Timeline
JONATHAN-CELESTI BREAKUP ISSUE
Nabulabog kasi ang mundo nina Celeste at Jonathan matapos maiulat sa isang news site na diumano ay hiwalay na sila dahil sa isang third party.
Ang pinangalanan sa artikulo na diumano'y third party ay si Bb. Pilipinas Universe 2009 Bianca Manalo.
Kaagad naman itong itinanggi ng kampo ng Kapuso actress.
Noong June 12, naglabas ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent management na may hawak sa karera ni Bianca, nawalang katotohanang sangkot si Bianca sa diumano'y hiwalayan nina Celeste at Jonathan.
Read: Bianca Manalo's camp denies third-party allegation
CELESTE POSTS SWEET IG PHOTOS WITH JONATHAN
June 13 ay diretsong sinabi naman ni Celeste na all is well sa pagitan nila ni Jonathan.
Umapela rin siya na itigil na ang intriga sa kanya lalo pa't siya ay nagdadalantao.
Nilakipan pa niya ito ng litrato nila ni Jonathan na nag-thumbs-up pose pa sa camera.
Read: Celeste Cortesi on breakup; Bianca Manalo on third-party issue
Noong June 24, nag-post ulit si Celeste ng sweet photo nila ng partner habang nasa isang restaurant.
Maiksing caption ng beauty queen: "Am so burneddd."
Ni-repost ito ni Jonathan sa kanyang IG Story, at nag-post din siya ng larawan ng mga kamay nila ni Celeste na magkahawak sa ibabaw ng isang mesa.
Makahulugang caption niya: "Table for Sterling, party of 3."
Dito mahihinuhang masaya ang couple sa estado ng kanilang relasyon.
Buntis ngayon si Celeste sa first baby nila ni Jonathan na papangalanan nilang Baby Sergio kapag ito ay isinilang na.
Read: Celeste Cortesi answers breakup rumors with sweet IG photo
