PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jelai Andres’ marriage to Jon Gutierrez officially annulled

Jelai: "...super saya ko kasi yung annulment po kasama siya sa prayers ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 3 hours ago
Jelai Andres’ marriage to Jon Gutierrez officially annulled
YouTube vlogger-actress Jelai Andres (left) celebrates a new beginning after confirming that her marriage to rapper Jon Gutierrez, known as King Badger (right), has been officially annulled.
PHOTO/S: Jelai Andres/Jon Gutierrez on Facebook

Napahagulgol sa iyak ang YouTube vlogger-actress na si Jelai Andres matapos tuluyang mapawalang-bisa ang kasal nila ng rapper na si Jon Gutierrez, o mas kilala bilang King Badger.

Sa kanyang vlog sa YouTube noong July 4, 2026, emosyonal na ibinahagi ni Jelai sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang balitang opisyal nang na-annul ang kasal nila ni Jon.

Read: Marcoleta camp says he surrendered; PNP insists he was arrested

Sa unang bahagi ng vlog, inakala muna ng marami na buntis si Jelai matapos niyang maglabas ng isang papel.

Ngunit laking gulat ng kanyang pamilya at mga kaibigan nang mabasa nilang tungkol pala ito sa annulment ng kanyang kasal.

Kabilang sa mga unang sinabihan niya ay ang mga kaibigang sina Buboy Villar, Donnalyn Bartolome, Zeinab Harake, Sachzna Laparan, Kim Rodriguez, at Kokoy de Santos.

Read: Jon Gutierrez seeks reconciliation with Jelai

JELAI GRATEFUL FOR ANNULMENT

Tulad ng kasiyahang nararamdaman ng kanyang mga kaibigan at pamilya, labis din ang pasasalamat ni Jelai sa kalayaang natamo matapos mapawalang-bisa ang kasal nila ni Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Emosyonal na pahayag ng vlogger-actress: "Masaya po ako kasi finally, officially, nawala na sa mundo yung kasal ko.

"Pinakamahirap na pinagdaanan ng chapter ng buhay ko, pero sobrang dami ko pong natutunan.

"Kuntento ako sa sarili ko na mag-isa lang ako, alam mo yung wala kang kaaway kung hindi sarili mo lang."

Jelai Andres, Jon Gutierrez
Photo/s: @easymoneybadger / Nice Print Photo via @jelaiandresofficial Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Jelai, marami siyang natutunan sa dagok na kanyang pinagdaanan noon.

Aniya: "Una, nakakuha ako ng peace of mind. Hindi ako natakot kung ano yung poproblemahin ko bukas, kung malungkot ba ako bukas, yung ganon o hindi.

"Naging masaya ako sa maliliit na bagay. Na-enjoy ko yung pagta-travel. Napansin ko yung mga taong totoong nagke-care.

"After kong iyakan yung mga taong wala naman akong ginawa sa kanilang kasalanan, nagdadasal talaga ako, nagpe-pray talaga ako kay Lord, sabi ko, 'Lord, talaga bang nabuhay ako para may ibang tao na maging masaya?'

"Nag-reply naman Siya. Sabi Niya lang, 'Trust me.'"

Itinuturing din ni Jelai na answered prayer ang pagpapawalang-bisa ng kasal nila ng dating asawa.

Pahayag niya: "Sa ngayon, super saya ko kasi yung annulment po kasama siya sa prayers ko. Every day, hindi siya nawala.

"Actually, hindi naman ako naging single, kasi kasama ko kayong lahat sa journey ko habang binubuo ko yung sarili kong nawasak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Puwede naman akong mag-jowa. Pero ako, sa sarili ko, kumpleto kasi ako kahit wala siya. Hindi ko siya hinanap.

"After noon, naging masaya ako. Super saya ko

"Naka-survive ako, ayun yung pinaka-importante."

Read: Jelai Andres, naging love guru ng mga babaeng may problema sa asawa

Sa huli, may mensahe siyang iniwan sa kanyang mga tagasuporta.

Sabi ni Jelai: "Sana maging lesson ito sa lahat na kilalanin talaga natin yung taong makakasama natin habambuhay.

"Huwag tayog pabigla-bigla."

JELAI AND JON'S RELATIONSHIP HISTORY

October 2018 nang ikasal sina Jon at Jelai.

April 2019 nang unang makipaghiwalay si Jelai kay Jon matapos mahuling nambababae umano ang rapper.

Read: Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez

Pero sinubukan ng dalawa na ayusin ang kanilang pagsasama.

Opisyal silang nagkabalikan nang magkasama sila sa lock-in taping sa GMA-7 prime-time series na Owe My Love, na umere mula February 15 hanggang June 4, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jelai Andres says husband Jon Gutierrez still fixing their marriage

Hanggang sa noong March 2021, ibinulgar ni Jelai na muli niyang nadiskubreng may bagong "kabit" si Jon.

Ayon kay Jelai noon, sangkot umano ang isang menor de edad sa panibagong isyu ng umano'y pagtataksil ng rapper.

Read: Jelai Andres on Jon Gutierrez for defending his mistress

Lubha itong ikinagalit ni Jelai at muling nakipaghiwalay kay Jon.

Read: Jelai Andres reveals alleged cheating of Jon Gutierrez

Hanggang sa nagsampa na siya ng concubinage complaint o pakikiapid laban kay Jon sa Department of Justice noong June 1, 2021.

March 16, 2022, pormal nang nakasuhan si Jon.

Read: Jon Gutierrez charged with concubinage for alleged betrayal of wife Jelai Andres

Boluntaryo siyang sumuko sa Quezon City Regional Trial Court para magpiyansa kaugnay ng kasong concubinage.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTube vlogger-actress Jelai Andres (left) celebrates a new beginning after confirming that her marriage to rapper Jon Gutierrez, known as King Badger (right), has been officially annulled.
PHOTO/S: Jelai Andres/Jon Gutierrez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results