PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Vice Ganda make a sly dig at Marcoleta, Defensor?

Marcoleta and Defensor voted against ABS-CBN's franchise renewal in 2020.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 6, 2026
Did Vice Ganda subtly react to Marcoleta, Defensor's arrest?
Netizens could not help connecting Vice Ganda's (left) bubbly and energetic opening salvo on July 6, 2026 in It's Showtime to the arrest that same day of Senator Rodante Marcoleta (center) and former Congressman Mike Defensor (right).
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube/DILG

Napasigaw, napalundag, napasayaw, at nagpaikot-ikot sa tuwa ang mga host ng It's Showtime, sa pangunguna ni Vice Ganda, sa opening ng Kapamilya noontime show nitong Lunes, July 6, 2026.

Matapos kantahin ang It's Showtime theme song, masigla at punung-puno ng enerhiya na binati ni Vice ang kanilang manonood o ang Madlang People.

Sa sobrang tuwa, pinasugod pa ni Vice ang kanyang co-hosts sa kinaroroonan ng live audience upang personal na makisaya, makisayaw, at makipag-interact sa mga ito.

Did It's Showtime react to Rodante Marcoleta, Mike Defensor's arrest?
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbalik sa entablado, biglang naging demure at seryoso ang TV host-comedian.

Muling bati niya: "Isang mapagpalang Lunes sa inyong lahat.

"Sa araw na ito ay i-claim natin ang mga blessings, opportunities, at chances to be better.

"This is the day that the Lord has made. So, we will rejoice!"

Did It's Showtime react to Rodante Marcoleta, Mike Defensor's arrest?
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos itong sabihin ni Vice, mabilis siyang sinundan ni Vhong Navarro sa pagpapakilala sa nakisaya nilang mga bisita sa opening ng programa—ang mga finalists ng "Tawag ng Tanghalan (TNT)" Year 10.

Netizens' Reactions to Vice's Opening Statement

Mabilis naging usap-usapan sa X (dating Twitter) ang masayang opening ng It's Showtime, partikular ang mensahe ni Vice.

May netizens na nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon at iniugnay ang naging pagbati ng comedian-host sa pagkakaaresto kina Senator Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor nitong umaga ng Lunes, July 6, bago umere ang It's Showtime.

Gayunman, walang direktang binanggit si Vice o ang programa tungkol sa pagkakaaresto ng dalawang personalidad.

Inaresto sina Marcoleta at Defensor sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa kanila ng Office of the Ombudsman.

Read: Marcoleta camp says he surrendered; PNP insists he was arrested

Nag-ugat ang kaso sa hindi pagdeklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng PHP75 million na campaign donations na tinanggap niya mula sa tatlong indibidwal noong January 2025, noong siya ay kinatawan ng SAGIP Party-list sa Kongreso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nangyari ito bago magsimula ang official campaign period para sa 2025 senatorial election kung saan siya tumakbo at nanalo.

Si Defensor at ang mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray ang tatlong donors na nagbigay ng campaign money kay Marcoleta na naging batayan ng isinampang kaso.

Marcoleta and Defensor's Role in the ABS-CBN Shutdown

Kaugnay nito, naungkat sa diskusyon ng netizens ang naging papel nina Marcoleta at Defensor sa hindi pagbigay ng franchise renewal sa ABS-CBN noong 2020.

Read: Deputy Speaker Marcoleta on ABS-CBN: “Wala na sigurong puwang para bigyan pa sila ng panibagong prangkisa.”

Sina Marcoleta at Defensor ay kabilang sa mga mambabatas na hindi pumabor sa pagibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN noong July 2020, na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng libu-libong empleyado mula sa network.

Noong July 10, 2020, tuluyang ibinasura ng Kongreso ang hiling ng ABS-CBN na ma-renew ang prangkisa ng network.

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

70 ang bilang ng kongresistang bumoto para tuluyang mapasara ang ABS-CBN: 11 lamang ang pabor na mag-operate ito at 3 ang nag-inhibit.

Kabilang sa pumatay sa apela para sa franchise renewal ng ABS-CBN si Marcoleta na noo'y kinatawan ng Sagip Party-list at si Defensor na kinatawan ng Anakalusugan Party-list.

Read: Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?

Ang dalawang mambabatas din ang nanguna sa panggigisa at panggigipit sa mga opisyal at abogado ng ABS-CBN sa hearing.

May 5, 2020, nang magpaalam sa free-to-air television ang ABS-CBN, matapos maghain ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) upang itigil ang broadcast ng giant network sa radyo at telebisyon.

Napaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020.

Read: Rep. Rodante Marcoleta, hindi pa tapos ang isyu laban sa ABS-CBN

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens could not help connecting Vice Ganda's (left) bubbly and energetic opening salvo on July 6, 2026 in It's Showtime to the arrest that same day of Senator Rodante Marcoleta (center) and former Congressman Mike Defensor (right).
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube/DILG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results