Nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ng aktor na si Ken Chan matapos itong magparamdam sa Facebook noong July 5, 2026.
Sa kanyang post, nagbahagi siya ng waving hand emoji.
Wala siyang mensahe o larawang ibinahagi.

Sa comments section ng post, naglagay rin siya ng heart at pleading face emojis.

Sa ilalim ng komentong iniwan ni Ken, nagparamdam ng kanilang kasiyahan at pangungulila ang kanyang mga tagahanga.
Meron ding nangumusta at nagsabing "comeback" na inaasahan ng lahat ng tagahanga ng aktor.



Nagbago rin siya ng kanyang cover photo.

Read: Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million
KEN CHAN HIDING ABROAD OVER SYNDICATED ESTAFA CASE
Hindi alam ng publiko ang eksaktong kinaroroonan ni Ken abroad matapos siyang sampahan ng kasong syndicated estafa sa Quezon City Prosecutor's Office dahil sa diumano'y maanomalyang investment deal na nagkakahalaga ng PHP14M.
Ang reklamo ay isinampa sa korte noong September 2024.
Read: Ken Chan, sinampahan ng kasong syndicated estafa?
Noong November 8, 2024, nagtungo ang pulisya sa bahay ni Ken para i-serve ang warrant of arrest laban sa kanya.
Pero bigo ang awtoridad na mai-serve kay Ken ang warrant of arrest dahil hindi siya natagpuan sa kanyang bahay.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters sa dalawang legal counsels ng complainant na sina Atty. Joseph Noel Estrada at Atty. Maverick Romero ng Estrada and Aquino Law Office, kinumpirma nilang sangkot sa kaso ang aktor at pito pa nitong co-investors.
Hindi pinangalanan ng lawyers ang complainant, pero inilarawan ng mga abugado na ito ay isang male businessman na nasa "40s-50s."
At noong November 14, 2024, binasag ni Ken ang kanyang katahimikan tungkol sa kaso.
Ayon sa kanya, wala siyang nilokong tao.
Nalugi lang daw ang itinayo niyang negosyo.
Saad ni Ken: "Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara.
"Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay.
"Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan.
"Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila."
Read: Ken Chan breaks silence on syndicated estafa case
At nitong nakaraang February 11, 2026, naiulat ng Cabinet Files ang nalalapit na daw na pagbabalik ni Ken sa bansa.
Huling nasilayan si Ken ng publiko nang dumalo ito sa GMA Gala na ginanap sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong Hulyo 20, 2024.
Mula noon, napabalita na ang problema niya sa kanyang negosyo hanggang sa sampahan siya ng kaso sa korte noong September 2024.
