Dumalo ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa belated birthday celebration ni Ruffa Gutierrez kasama ang kanyang showbiz friends.
Noong June 24, 2026 pa ang ika-52 kaarawan ni Ruffa.
Sa Instagram kahapon, July 15, 2026, nagbahagi si Zoren ng short Reels kung saan makikitang kumakanta sina Carmina, Ruffa, Vina Morales, at Karla Estrada ng "That What Friends Are For" nina Dionne Warwick, Gladys Knight, at Stevie Wonde.
Caption ni Zoren: "Proof that exes can still be friends. Happy Birthday, @iloveruffag! [party popper emoji]
"It was great seeing old friends again. [heart emojis]"
View this post on Instagram
Ang tinutukoy na "exes" ni Zoren ay sila ni Ruffa, na naging kasintahan niya noong dekada '90.
Sa comments section, nagpasalamat si Ruffa sa pagdating ng buong pamilya nina Zoren at Carmina sa kanyang selebrasyon.
Ani Ruffa, "Thank you, @zoren_legaspi @mina_villarroel [heart emoji] so happy that the whole Legaspi family came to celebrate with me. Love you guys!!"
Sinagot ito ni Zoren ng four red heart emojis.

Dagdag ng aktres, "Super love this!!!"

Sa isa pang post, sinabi ni Zoren, "@mina_villarroel and I while listening to Ruffa’s stories [laughing emoji]"
View this post on Instagram
Read: Angelica Panganiban's latest post fuels AngBeKi speculation
ZOREN-RUFFA PAST RELATIONSHIP
Taong 1992 nang nagkaroon ng maiksing relasyon sina Ruffa at Zoren.
Hindi umabot ng isang taon ang kanilang relasyon dahil umalagwa ang karera ni Ruffa sa mundo ng beauty pageant nang tanghalin siyang Bb. Pilipinas World 1993.
Siya rin ang nahirang na Second Princess sa Miss World 1993.
Bagamat nagtapos ang kanilang relasyon, nanatili ang pagiging magkaibigan ng dalawa.
Nagkatrabaho rin sila sa ilang movies at TV shows.
Sa isang podcast noong August 2020, nakapanayam ni Carmina si Ruffa at ang isa pa nilang kaibigang si Aiko Melendez.
Biglang sumingit sa camera ni Carmina si Zoren.
Sinabi ni Zoren na wala silang naging bad blood ni Ruffa.

Sa panayam naman kina Ruffa at Zoren ng SNN (Showbiz News Ngayon) noong November 2009, binalikan ng actress-beauty queen ang nakaraan nila ni Zoren.
Ayon naman kay Ruffa, "19-kopong-kopong" pa raw ang naging relasyon nila noon ng aktor — na ang ibig sabihin ay matagal na panahon na.
Lahad niya: "I think, it was 19-kopong-kopong pa yun, huh? Hindi...actually mas gusto niya si Carmina [Villarroel] talaga sa umpisa kasi mataba pa ako nun, e.
"So, niligawan mo [Zoren] si Carmina at bata pa si Carmina nun. Then, ginawa natin yung [1990 movie] Tora Tora, Bang Bang.
"Nakita niya ako sume-sexy. Ayun, kawawa naman, hindi na niya pinansin si Carmina.
"Ako pinansin niya, pero tingnan mo naman ang ending... sila nagkatuluyan."
Read: Ruffa Gutierrez and Zoren Legaspi reunite for MMFF entry Shake, Rattle and Roll XI
