PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Local beauty queen Alexis Ann Ramos, 25, dies in road accident

Alexis Ann was crowned Mutya ng Cauayan 2023.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 3 hours ago
Beauty queen Alexis Ann Ramos, 25, dies in road accident
Alexis Ann Ramos, the Mutya ng Cauayan 2023, dies at 25 after a tragic car accident in Isabela.
PHOTO/S: Cauayan City Local Government on Facebook

Pumanaw ang local beauty queen na si Alexis Ann Ramos dahil sa car accident noong August 9, 2026.

Siya ay 25.

Si Alexis Ann ay kinoronahang Mutya ng Cauayan 2023 at hinirang na second runner-up sa Queen Isabela 2024.

Kinumpirma mismo ng Cauayan City Local Government ang pagpanaw ng dalaga sa pamamagitan ng isang post sa kanilang Facebook account nitong Lunes, August 10.

Read: Grace Poe recalls FPJ's ingenuity in the making of Panday movies

Mababasa sa post (published as is): "It is with deep sadness that the City Government of Cauayan extends its heartfelt condolences to the family and loved ones of Alexis Ann Isidro Ramos, Mutya ng Cauayan 2023.

"Alexis represented Cauayan City with grace, poise, and purpose. Her vibrant spirit and dedication to our community will forever be remembered.

"Rest in peace, our beautiful Mutya. You will always be cherished by the City of Cauayan."

Beauty queen Alexis Ann Ramos, 25, dies in road accident
Photo/s: Cauayan City Local Government on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE TRAGIC DEATH OF ALEXIS ANN

Ayon sa ulat ng 98.5 iFM Cauayan, kasamang nasawi ni Alexis Ann ang kanyang nobyong nagngangalang James matapos bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang nakaparadang truck sa Brgy. Minante 2, Cauayan, Isabela, madaling-araw noong August 9.

Read: Ara Mina reveals Rita Avila is her "first and last” female kiss

Mismong ang nobyo umano ni Alexis Ann ang nagmamaneho ng sasakyan, habang may isa pa silang kaibigang pasahero.

Beauty queen Alexis Ann Isidro Ramos, 25, dies in road accident
Alexis Ann (left) with her boyfriend James (right).
Photo/s: James Miguel on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing papuntang Alicia, Isabela, ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Nakaparada raw noon ang isang truck na may kargang palay nang mabangga ng sasakyan nina Alexis Anne ang likurang bahagi nito.

Read: DOLE fines Tab Baldwin, Ateneo PHP4.9M over work permit violation

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay nawasak ang kotseng lulan ng mga biktima.

Dahil dito, nagtamo sila ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.

Mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang tatlong biktima, ngunit idineklarang dead on arrival ang driver na si James.

Nasawi rin kalaunan si Alexis Ann.

Ang isa pa nilang kasamang biktima ay kasalukuyang nananatili sa ospital habang inoobserbahan ang kanyang kalagayan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa dahilan ng aksidente.

Read: Gerald Anderson gets starstruck sharing stage with cinema legends

ALEXIS ANN FAMILY MOURNS HER DEATH

Samantala, labis naman ang pagdadalamhati ng pamilyang naulila ni Alexis Ann.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ghiean Lucas Isidro, kaanak ni Alexis Ann, inilarawan niya ang biktima bilang mabait, maaasahan, at malaking katuwang ng kanilang pamilya.

Si Alexis Ann ang panganay sa dalawang magkapatid at tumutulong umano sa pag-aaral ng kanyang 19-anyos na kapatid.

Beauty queen Alexis Ann Isidro Ramos, 25, dies in road accident
Photo/s: FOTO DISCO Studios on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Isidro, mula pagkabata ay hilig na ni Alexis Ann ang pagsali sa mga beauty pageant.

Sa katunayan, bago ang insidente ay abala umano ito sa paghahanda para sa planong pagsali sa isang national pageant.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexis Ann Ramos, the Mutya ng Cauayan 2023, dies at 25 after a tragic car accident in Isabela.
PHOTO/S: Cauayan City Local Government on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results