Engaged na ang TV host-actor na si Edward Barber sa kanyang non-showbiz girlfriend.
Ito ang rebelasyong ikinagulat ng marami niyang tagahanga nang mag-viral online ang video ni Edward habang nagsasalita sa harap ng kanyang mga kasamahan sa simbahan.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Edward kung gaano kabuti ang Diyos dahil, aniya, ipinagkaloob sa kanya ang relasyong matagal na niyang ipinagdarasal.
Proud na pahayag ng actor-turned-pastor: "From the last time I was here, I am now in an awesome relationship.
"Hallelujah, hallelujah, hallelujah!
"Don't tell me that God is not real.
"I used to be the most single person in this place."

Sa gitna ng kanyang mensahe, ipinakita pa ni Edward sa LED screen ang larawan nila ng kanyang fiancée na tinawag niyang Rikki.
Read: MayWard: from love-team partners to M.U. to friends
Bagamat hindi nakita sa mismong video ang larawan, sinalubong ito ng malakas na palakpakan at sigawan mula sa mga nakikinig sa kanya.
Saad niya: "This is not the point of the sermon. I have a point for showing you all of this.
"This is not just my girlfriend; this is my fiancée, Ricki...
"I proposed to her, so she's now my fiancée."
Read: Basty Askri apologizes after outburst over 911 response delay
NETIZENS REACT TO EDWARD'S ENGAGEMENT
Mabilis na pinag-usapan online ang pag-amin ni Edward tungkol sa kanyang engagement.
Bagamat marami ang nabigla sa rebelasyon, mas marami naman sa kanyang fans ang natuwa at nagpaabot ng pagbati sa bagong yugto ng buhay niya.
Komento ng isang netizen, "Edward, napakasaya ng puso ko para sa'yo. Congratulations."
Sabi pa ng isa, "Sobrang bilis ng panahon, last 2016 sobrang baby boy ka pa, after 10 years engaged na! Congrats, Edward."
"Congratulations, Edward. Parang kailan lang PBB days, ngayon next chapter naman ng buhay mo ang tatahakin mo. Happy kami na solid Edward sa'yo," dagdag pa ng isa.
Read: HOW MUCH? Queenie Pacquiao’s U.S. college education
Dahil hindi ibinabahagi ni Edward sa publiko ang kanyang love life, naging curious din ang maraming netizens tungkol sa kanyang soon-to-be wife.
Dahil dito, ibinahagi rin ng uploader ng viral video sa comment section ang larawan ni Edward at ng kanyang fiancée.
Saad nito, "Here's the photo! I think it's okay to post since it was already announced public. Congrats, Pas Edward!"

Sa larawan, makikita si Edward na nakasuot ng white linen polo habang nakangiti at nakayakap sa baywang ng kanyang fiancée na naka-white dress.
Agaw-pansin naman ang kamay ng kanyang fiancée na nakataas habang ipinapakita ang suot nitong engagement ring.
Kalaunan ay kinilala ng ibang netizens ang fiancèe bilang si Ricki Umali.

Edward reveals he found his calling in ministry
Noong January 26, 2026, naging ganap na pastor si Edward matapos ianunsiyo ng Favor Church Manila ang kanyang ordinasyon bilang isa sa mga bagong pastor at pastors-in-training ng kanilang simbahan.
Bago pa man ang kanyang ordinasyon, hayagan nang ibinahagi ni Edward ang kanyang interes sa paglilingkod sa Diyos.
Read: Edward Barber now an ordained pastor
Sa panayam sa kanya ni Bianca Gonzalez sa TFC’s BRGY noong July 16, 2024, sinabi ni Edward na noon pa man ay nakikita na niya ang sarili na naglilingkod sa Panginoon.
Saad niya noon: "I really found my calling and some people might have assumed straight away na hosting ang calling [ko].
"And I believe that it's a part of it. But I really see my calling in ministry."
Ikinuwento rin ng TV host-actor kung paano mas pinatibay ng mga pagsubok ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.
Pahayag niya: "I was probably at the lowest part, not just of my career but my life, and I was actually on the floor.
"I was already an emotional wreck and it was one of those moments when I really just called out to God that things started to happen.
"It was really a moment when I'm like, 'God I have everything that the world is telling me I should want. I have the following, I have the projects, I have the money, and I feel like so empty?'"
Read: Daisy Reyes, inordinahan bilang associate pastor
Dagdag pa niya: "My dream job is in ministry, like my dream job is somebody who's called a lay pastor.
"I really found what I believe I'm here on this Earth to do.
"And I know without a doubt, I've stood and people they look at what I'm doing and like, 'You are wasting your career away.'
"Remember they were trying to convince me to [do] more in the industry but I'm like at the end of my life, I am not going to stand before God and be like, 'Look at all the projects I did.'
"He's going to ask me: 'What did you do?' And I'm going to be, like, 'I serve You. I knew You,' that's where I feel like I'm supposed to be."
Read: Edward Barber: "We always put God in the center of our relationship."
