Humingi ng paumanhin ang model na si Basty Askri sa pagmumura niya sa emergency hotline na 911, kasunod ng kanyang viral post tungkol sa umano’y delayed na pagtugon sa tawag niya matapos atakihin sa puso ang kanyang ama.
Noong Sabado, August 15, 2026, umani ng atensiyon online ang galit na Facebook post ni Basty tungkol sa pagtawag at paghingi niya ng tulong sa 911 nang atakihin sa puso ang kanyang ama.
Kalaunan ay pumanaw ang ama ni Basty sa edad na 70.
Read: Heart Evangelista gets candid about “hindi ko ma-take” influencer
Ayon kay Basty, umabot umano sa sampung minuto ang kanyang paghihintay bago sinagot ang kanyang tawag sa 911.
Nang may sumagot na, pinaghintay pa raw siya.
Ikinuwento rin niyang habang kausap ang emergency hotline, malinaw umano niyang narinig ang tawanan at kuwentuhan sa kabilang linya, na lalo niyang ikinagalit dahil umaasa siyang makatatanggap ng agarang tulong para sa kanyang ama.
Read: 911 emergency hotline set to launch on September 11
Bagamat may dumating daw kalaunan na ambulansya na magdadala sa kanyang ama sa ospital, wala raw itong sapat na dalang gamit para maisagawa ang kinakailangang paunang lunas sa kanyang ama.
Dahil sa galit, hindi napigilan ni Basty na murahin sa post ang mga nasa likod ng emergency hotline, maging ang aniya'y bulok na sistema ng pamahalaan.
Nangako naman si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na agad silang magsasagawa ng imbestigasyon ukol sa nangyari.
Read: Netizen cries in frustration over delayed 911 response
Basty apologizes over outburst following father’s heart attack
Samantala, nitong Linggo, August 16, muling nag-post si Basty sa Facebook upang linawin ang ilang detalye kaugnay ng kanyang naunang pahayag.
Inamin niyang naging emosyonal siya dahil sa nangyari sa kanyang ama, kaya naging matindi ang galit at pagkadismaya niya.
Aniya, sa gitna ng kanyang galit, lungkot, at pagkalito, may ilang tao siyang nasisi dahil hindi niya lubos nauunawaan ang sitwasyon noong mga oras na iyon, kaya naman hinihingi niya ito ng kapatawaran.
Mababasa sa kanyang latest post: "At this time, I am still filled with anger, grief, and confusion.
"Because of what happened, I initially blamed some of the people involved because I genuinely did not understand what was happening at that moment.
"I would like to clarify my previous post regarding the 911 issue.
"First, I would like to sincerely apologize for the inappropriate words I used regarding the 911 hotline.
"I was extremely emotional and overwhelmed by what was happening to my father at that time. I’m very sorry po."

Nilinaw rin ni Basty ang ambulansyang dumating sa kanilang bahay ay mula sa kanilang barangay at hindi ang ambulansyang ipinadala ng 911.
Ito raw marahil ang dahilan kung bakit nasabi niya sa kanyang naunang post na walang sapat na gamit na dala-dala ang mga ito para paunang lunasan ang inaatake niyang ama.
Saad niya: "I recently found out that the PTV (patient travel vehicle) from our barangay was not the ambulance dispatched by 911.
"After I ended my 911 call, nakita ko na unconscious na ang tatay ko. After around 2–3 minutes, agad na pumunta ang kuya ko sa barangay hall para humingi ng tulong o assistance.
"After that, agad-agad namang pumunta sa bahay namin ang mga barangay responders.
"And regarding po sa equipment and personnel ng barangay PTV, minadali talaga ng kuya ko ang paghingi ng tulong at pagsakay sa PTV.
"Dahil sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko po masasabi nang sigurado kung bakit may mga equipment o personnel na hindi available noong dumating sila.
"Ayoko rin pong mag-assume o magbigay ng maling impormasyon tungkol dito."
Read: Award-winning actor faces LTO probe over supercar’s fake plate
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin si Basty sa mabilis na aksyon ng kanilang barangay sa pagdadala sa kanyang ama sa pinakamalapit na ospital.
"Nagpapasalamat po ang buong pamilya namin sa mga barangay officials, responders, at lalo na sa driver ng barangay ambulance sa kanilang agarang pagtugon at pagtulong sa amin noong mga oras na iyon.
"Maraming maraming salamat po."
BASTY DETAILS HIS 911 CALL FOR HELP
Ibinahagi rin ni Basty ang call history sa kanyang cellphone upang linawin ang timeline ng insidente.
Pahayag niya: "According to my phone's call history: 12:18 PM — My call with 911 ended.
"12:38 PM — I received a call from the ambulance associated with the 911 response asking where the patient is, and my sister responded that we are already in the hospital.
"And yes po, by that time, nasa hospital na kami."
Dahil dito, hindi na personal makumpirma ni Basty, maging ng kanyang pamilya, kung nakarating ba sa kanilang bahay ang ambulansyang konektado sa 911 response o kung ano mismo ang nangyari sa nasabing response.
Alam ni Basty na mainit na pinag-usapan ang nauna niyang post, bagay na nakarating na rin sa mga kinauukulang awtoridad, kaya naman nagpasya ang kanilang pamilya na huwag na munang sumagot sa mga katanungan tungkol sa insidente.
Ayaw rin umano nilang gumawa ng karagdagang assumptions o accusations habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyari.
Sabi niya: "Since this matter already raised with our Honorable Secretary Jonvic Remulla and the appropriate government authorities, ako at ang pamilya ko po ay nagdesisyon na huwag na munang sumagot sa mga katanungan tungkol sa incident na ito.
"Ayaw na rin po naming gumawa ng karagdagang assumptions o accusations habang iniimbestigahan ang nangyari.
"But if there were failures or delays in the emergency response, hayaan po nating imbestigahan ng mga authorities kung ano talaga ang nangyari at kung ano ang kailangang ayusin sa sistema."
Read: Coco Martin next after Vice Ganda’s MediaQuest deal?
Sa huli, hiling ni Basty na wala nang ibang pamilya ang makaranas ng katulad na sitwasyon.
Muli rin siyang humingi ng paumanhin sa mga hindi angkop na salitang ginamit niya tungkol sa 911 at sa kalituhang dulot ng kanyang naunang pahayag tungkol sa barangay ambulance.
Aniya: "Ang tanging hiling lang po namin ay sana wala nang ibang pamilya ang makaranas ng ganitong sitwasyon.
"Again, I'm sincerely sorry for the inappropriate words I used regarding 911, and I'm also sorry for the confusion regarding the barangay ambulance.
"We were scared, we were grieving, and we were trying to save my father's life.
"Nag-react po ako dahil sa takot at galit, pero inaamin ko rin po kapag may kailangan akong itama."
