Umalma ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner na si Brent Manalo sa mga batikos na natatanggap niya matapos pag-usapan online ang naging biruan nila ni Darren Espanto sa It’s Showtime.
Sa segment na “Miss Q and A” ng nasabing Kapamilya noontime show noong September 4, 2026, nagsimula ang usapin nang kapwa ipinakita nina Darren at Brent ang kanilang galing sa pagsayaw sa hit song ni Brandon Beal na “Twerk It Like Miley.”
Dito, pinuri ni Brent ang galing ni Darren sa pagsayaw bago niya ito biruin sa pagbanggit sa pagiging produkto ng singer ng The Voice.
“Ang galing niyang sumayaw. Halatang galing siyang The Voice," hirit ni Brent.

Panggagatong naman ng co-host nilang si Vice Ganda, "Ay, parang ang sarcastic nun... grabe."
Nakangiting sagot ni Darren, "Okay lang naman."
Pambubuyo ni Vice kay Darren, "Hindi okay yon, lalaban tayo lagi."
Gumanti naman si Darren at pabirong ipinagmalaki ang kanyang pagiging multi-talented dahil sa kanyang pinagmulang singing competition.
Saad niya, "Ah, sige. Galing ako sa The Voice, kaya nga multi-talented, di ba?"

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nagsimula ang singing career ni Darren nang mapabilang siya sa mga finalist ng dating Kapamilya singing competition na The Voice Kids Philippines noong 2014.
Dito, itinanghal siyang first runner-up, habang si Lyca Gairanod ang naging grand champion ng kanilang season.
Sa puntong ito, inihirit na rin ni Brent ang reality competition na kanyang pinanggalingan, na aniya’y humubog sa kanyang pagkatao.
Aniya, "Ako, subok sa hamon ng buhay dahil galing ako sa PBB."
Mabilis na hirit dito ni Darren, "Parang wala ka naman masyadong ganap doon sa loob ng bahay."
Ikinagulat ng co-host nilang sina Vice at Anne Curtis, gayundin ng studio audience, ang pahayag ni Darren, na nagdulot ng tilian sa studio.

Agad namang nilinaw ni Darren na nagbibiro lamang siya at magkaibigan sila ni Brent.
“Nagbibiruan lang naman kami... Big Winner natin to, no? Kaya proud kami sa yo, bro,” ani Darren, sabay akbay kay Brent.
Pahabol pa niyang pakiusap, “Guys, magkakaibigan po kami, kaya huwag niyo po akong i-bash.”

Si Brent, kasama ang ka-duo niyang si Mika Salamanca, ang itinanghal na PBB: Celebrity Collab Edition Big Winners noong 2025.
Brent’s PBB win draws renewed debate after Darren banter
Agad naging usap-usapan online ang naging hirit ni Darren kay Brent.
May mga naaliw sa pagkakaibigan ng dalawa, habang mayroon din namang ginamit ang insidente para balikan ang ilang kontrobersiyang kinaharap noon ni Brent sa PBB house.
Kabilang na rito ang tensiyonadong tagpo sa pagitan nila ng noo’y House Challenger na si Kira Balinger.
Ang House Challengers ay binubuo ng sampung dating housemates na na-evict bago ang pagpili sa Final Big Four.
Sila ang naatasang direktang tanungin ang Big Four duo kung bakit sila ang karapat-dapat manalo.
Nang sumalang ang duo nina Brent at Mika, tinanong ni Ashley Ortega ang aktor kung sa tagal ng kanyang pananatili sa Bahay ni Kuya ay naipakita na ba niya ang tunay na siya.
Sinang-ayunan naman ito ni Kira at nagtanong, “Sa tagal-tagal niyo rito sa Bahay Ni Kuya, I still don’t know you. Who are you?”
Read: Mika Salamanca defends Brent Manalo’s clapback at Kira Balinger
Bakas namang hindi nagustuhan ni Brent ang naging tanong ni Kira kaya mabilis siyang bumuwelta.
Resbak ni Brent kay Kira: "Who are you to say that? No one cares about Kira Balinger. That’s why you’re evicted."
Bagamat may mga netizen na nakauunawa sa pressure na kinaharap ni Brent noong mga oras na iyon, mayroon ding nadismaya sa naging reaksiyon niya at paraan ng pagsagot kay Kira.
Read: Kira Balinger no bad blood with Brent Manalo
Samantala, may ilan ding kumukuwestiyon sa atensiyong natatanggap ngayon ni Brent at sa naging pagkapanalo niya sa PBB, kung saan kasama niya si Mika bilang ka-duo.
Brent addresses backlash
Nakarating kay Brent ang kaliwa’t kanang batikos na natatanggap niya online.
Sa X nitong Linggo, September 6, tuluyan na siyang nagsalita upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga bumabatikos sa kanya at patuloy na kumukuwestiyon sa mga oportunidad na natatanggap niya matapos ang kanyang pagkapanalo sa PBB.
Mababasa sa kanyang tweet: "Hi guys! Dropping by to share what's on my mind.
"I'm not here to change nor dispel your perception of me, but I am asking for a little bit of grace.
"For months, I took all the lashings and never said a word cos I'm a firm believer that you should always let your work speak for you."
Ayon kay Brent, malaki ang pasasalamat niya sa mga oportunidad na ipinagkakaloob sa kanya matapos niyang manalo sa PBB.
Gayunman, idiniin niyang hindi umano basta-basta ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang mga ito.
Read: Brent Manalo, Mika Salamanca topbill The Secrets of Hotel 88
Aniya, bunga ng ilang taong paghihintay at pagsisikap ang mga oportunidad na natatanggap niya ngayon, kaya naman masakit para sa kanya na patuloy itong kinukuwestiyon ng ibang tao.
Pahayag niya: "With all the opportunities being given to me right now, I am truly grateful to the management and everyone who believes in me and my capabilities.
"But these things were never handed to me, it was years of waiting and hard work.
"I’ll never waste an ounce of opportunity given to me.
"Huwag niyo po sanang ipagkait sa akin na gawin yung trabahong binibigay sa akin.
"I am simply doing my job. I hope to one day be able to show up to work and not walk on eggshells cause everything I say or do is being watched closely, just to fault me for something so minuscule."
Nagbigay rin ng reaksiyon si Brent sa hindi matuldukang mga akusasyon at komento tungkol sa pagkakapanalo niya sa PBB.
Saad niya, "Regarding my PBB stint—Admittedly, my win was polarizing, but it is my journey, and I hope to be able to look back at it with pride.
"I never once took that win for granted. I owe it to all those who fought for me."
Aminado si Brent na mayroon siyang mga nagawang pagkakamali sa loob ng Bahay ni Kuya, kabilang na ang mga pagkakataong nakasakit siya ng damdamin ng iba.
Gayunman, sinabi niyang ilang ulit na siyang humingi ng tawad para sa mga ito.
Pahayag niya: "I have made mistakes and learned from it.
"I have apologized time and time again to those whom I’ve offended.
"This chapter has been closed so I hope we can all move forward."
Bagamat walang binanggit na pangalan si Brent, kapansin-pansingtila tinutukoy niya ang naging mainit na sagutan nila noon ni Kira.
Brent: "Hindi po ako punching bag."
Sa kabila ng mga batikos, sinabi ni Brent na bukas pa rin siya sa constructive criticism at patuloy niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho bilang bahagi ng kanyang responsibilidad na magbigay ng de-kalidad na entertainment sa publiko.
Ang hindi lamang daw papahintulan ay ang mga batikos na ang tanging layunin ay saktan at hamakin siya.
"I will ALWAYS listen to constructive criticism. And I’ll always try to continuously improve because it is our responsibility to provide quality TV to our audience.
"I know that it is my job, and I have to do it well. I’m still a work in progress, and I promise to stay committed."
Dagdag pa niya, "But if your sole purpose in life is to throw unwarranted hate at me, pls keep your opinions to yourselves cos it will never be acknowledged by me.
"Hindi po ako punching bag."
