PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Frankie Pangilinan finally opens up about boyfriend Dan Laurel

Frankie laughs off earlier reports referring to Dan as her “rumored boyfriend.”
by Khryzztine Joy Baylon
Published 3 hours ago
Frankie Pangilinan finally opens up about romance with Dan Laurel
Frankie Pangilinan confirms Dan Laurel is her boyfriend and shares why she chose a non-showbiz partner.
PHOTO/S: Frankie Pangilinan on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, personal nang kinumpirma ni Frankie Pangilinan ang espesyal na relasyon nila ni Daniel Santamaria Laurel.

Sa panayam niya sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong September 6, 2026, nakangiti at mabilis na inamin ni Frankie na may boyfriend na siya, sa katauhan ni Dan.

Si Dan ay second cousin ng actress-singer na si Denise Laurel at ng socialite na si Tessa Prieto.

Aniya, "Meron po [akong boyfriend]."

Sabay hirit niya, "Allegedly daw."

Frankie Pangilinan finally opens up about romance with Dan Laurel
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan, nagulat siya sa naging reaksiyon ng publiko nang una niyang i-post si Dan sa kanyang Instagram.

Pahayag niya: "Allegedly daw, kasi nag-post ako ng picture namin noong nag-beach kami recently.

"Natawa ako; pati si Mommy at Daddy natawa na, parang 'Ano ba yan, naka-beachwear na kayo tapos ganoon kayo ka-close.' Tapos yung mga article na lumabas, parang 'rumored boyfriend.'

"E, wala rin namang nagtanong sa akin. Yung mga article puro, 'She has not confirmed. They have not confirmed.'

"Wala namang nagtanong sa akin, kaya wala akong chance [i-confirm]."

Ang tinutukoy ni Frankie na beach gateway photos nila ni Dan ay noong April 9, 2026, nang unang beses niyang isapubliko ang larawan nilang magkasama.

Read: Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram

Dito, mapapansing sweet na sweet sina Frankie at Dan habang nasa beach.

View this post on Instagram

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)

Nasundan pa ito noong April 20, nang mag-post si Frankie ng random photos ng mga ginawa niya nitong mga nakalipas na araw, kabilang ang isang litrato nilang magkasama ni Dan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Frankie Pangilinan spotted with boyfriend Dan Laurel anew

Noong May 5, muli namang ipinost ni Frankie ang litrato nila ni Dan para batiin ito sa kanyang kaarawan.

Kabilang sa mga larawang ini-upload niya ang kuha kung saan magkahawak-kamay silang naglalakad sa dalampasigan.

Read: Frankie Pangilinan greets “rumored boyfriend" Dan Laurel

Frankie explains why she chose a non-showbiz boyfriend

Sa panayam ni Ogie kay Frankie, natanong ang actress-singer kung mas gusto ba niyang makipagrelasyon sa isang non-showbiz personality na malayo sa mundong ginagalawan niya ngayon—ang entertainment industry.

Sagot niya, “No naman po, not in any like formal capacity. Kasi busy din po ako noon sa New York, with school.”

Nagkataon lang daw na dumating sa buhay niya si Dan sa panahong handa na siyang pumasok sa isang relasyon, matapos siyang makapagtapos ng kolehiyo noong May 2025.

Pahayag ni Frankie: "I think I've spoken about it before na parang obviously nung nag-college ako, parang feeling mo at first, ‘I have freedom so siguro may mami-meet na ako dito.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But I think, from the beginning, alam ko po kasi na kahit college na ako, nakatira po ako mag-isa, I know I would come back.

“So, yung feeling ko parang ayoko naman na ma-in love ako dito tapos sini-set up ko lang yung sarili ko pang-heartache.

"Kasi either way, umuuwi naman ako sa Pilipinas every Christmas or summer, ganon, and for you to, you know, to be with my family, and I just felt like it wasn't something that was my priority there for a very long time.

"School was my focus, and my friends mean so much to me na medyo puno na rin yung buhay ko noon, e.

"So, when I moved back, ayun, parang feeling ko, ‘Ok, this seems like—' and also he’s [Dan] just wonderful."

Frankie shares Sharon and Kiko’s reaction to her relationship

Masaya raw si Frankie sa relasyong mayroon sila ngayon ni Dan, lalo na't masaya rin para sa kanya ang mga magulang niyang sina Sharon at Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaksiyon nina Sharon at Kiko nang una nilang malamang mag-boyfriend at girlfriend na sila ni Dan?

Pagbabalik-tanaw ni Frankie: "I think, more than anything, excited lang po sila.

"Si Mommy more than Dad, kasi si Dad kailangan medyo strict pa konti.

"Si Mommy, sobrang tuwa [na napasabi na lang ng, 'Thank you, Lord.']

"Kasi akala raw po niya na masyadong mataas yung standards ko. I don’t think it was super high naman.

"Sa akin kasi, character yung pinakaimportante, and I didn’t feel like anything was right, or I didn’t want to compromise, hanggang sa I found actually the right person for me."

Read: Who is Dan Santamaria Laurel, Frankie Pangilinan's boyfriend?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan confirms Dan Laurel is her boyfriend and shares why she chose a non-showbiz partner.
PHOTO/S: Frankie Pangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results