Gustong suportahan ni Claudine Barretto ang comebacking actress na si Katherine Luna.
Sa panayam sa kanya ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa sideline ng Maddox Jewelry showroom opening sa Marikina City kahapon, September 10, 2026, naging bukambibig ni Claudine na nais niyang makatrabaho si Katherine.
"Alam niyo sino ang gusto kong makatrabaho? Si Katherine Luna," sambit niya.
"Yes. Sinasabi ko talaga na, 'Alam niyo, kailangan natin siyang suportahan talaga kasi nakaka-proud yung mga pinagdaanan niya, hindi biro yun.'
"And natutuwa ako sa social media kasi ang dami sumusuporta sa kanya.
"Tsaka siyempre si Coco Martin at si Julia Montes, na baby sister ko rin talaga."
Ang magpartner na sina Coco at Julia ang ilan sa mga tumulong kay Katherine na muling makabangon.
Si Katherine ay kasalukuyang napapanood sa teleseryeng Sigabo, na pinagbibidahan nina Coco at Julia.
Read: Katherine Luna details battle with drugs; thanks Coco and Julia
Sa hiwalay na panayam kay Katherine, sinabi niyang na labis-labis ang tulong ng dalawa sa kanya.
Aniya, "Sobrang laki ng naitulong sa akin ni Direk Coco at ni Mam Julia. Kumbaga, e, kulang yung salitang pasasalamat para doon."
Read: Katherine Luna returns to limelight after difficult years
Sina Claudine at Katherine ang dalawa sa pitong aktres na rumampa sa fashion show ng Maddox Jewelry sa kanilang showroom opening.
Ang lima pa ay sina Maricel Soriano, Ai-Ai delas Alas, Jean Garcia, Kris Bernal, at Ara Mina.
![[L-R standing] Ara Mina, Ai-Ai delas Alas, Maricel Soriano, Charo Cordial (Maddox Jewelry owner) Claudine Barretto, Katherine Luna with Kris Bernal and Jean Garcia at Maddox Jewelry new showroom opening in Marikina on September 10, 2026.](https://contents.pep.ph/images2/images2/2026/09/11/arniels-page-2026-09-11t160808114-1789114315.jpg)
Read: The Bachelorette's Ronn Perez seeks NBI help over mother’s death
CLAUDINE AND KATHERINE BEFORE THE SHOW
Bago pa ang show, nag-upload ng video si Katherine sa kanyang Facebook kung saan mapapanood si Claudine na maluha-luhang kausap niya.
Kuwento ni Claudine, "Iyak talaga ako. Sobra akong proud sa ano, sabi ko sa isang artista, kasi hindi siya nanonood ng ano.
"Sabi ko, 'Sobra akong proud kay Katherine Luna.' No joke. Sinabi ko talaga yan.
"Sabi ko, gusto ko talagang mag-reach out sa kanya. Kaya nung nakita kita kanina, para kong nakita ng multo, 'Oh my God, andito siya.'
"Kasi hindi madali yung ginawa niya. Ibang klase ka. Iba ka. Love kita.
"Ever since naman, nasan ka man. Pero my God, yung ginawa mo sa buhay mo, Katherine.
"Ano, nakakaano ka, nakakahanga ka. Naiiyak ako. Nakakahanga ka talaga.
"Kasi nag-pray talaga ako kay Lord."
Pagsisiwalat pa ni Claudine: "Kasi yung kuya ko dati drug addict.
"Sabi ko talaga, 'Lord,' sabi ko, 'Grabe, self-rehab yung ginawa niya. Binigyan mo ng pag-asa lahat ng tao.'
"Tapos sinabi mo [Katherine] pa doon sa interview mo. Sabi mo, kapagka naano ka, nati-tempt ka, nagpi-pray ka na, 'Lord, tanggalin mo to sa isip ko,' di ba?
"Sabi mo yan. Yan ang sinabi mo."
Sagot ni Katherine, "Opo, opo. Thank you po."
Read: Meet the 10 New National Artists of the Philippines for 2026
