PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brent Manalo says no rift with Darren Espanto after on-air banter

Brent reveals Darren apologized to him after their banter on It's Showtime.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 4 hours ago
Brent Manalo says no rift with Darren Espanto after on-air banter
Brent Manalo (left) on his viral banter with Darren Espanto (right) on It’s Showtime: "Ito, guys, promise, wala yung batuhan namin kasi normal namin yon na biruan. Mas malala pa nga behind the cam, siguro nagkagulatan lang kami na live on cam namin nasabi yung mga yon."
PHOTO/S: PEP.ph/Darren Espanto on Instagram

Siniguro ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner na si Brent Manalo na walang anumang tampuhan o gusot sa pagitan nila ng singer-actor na si Darren Espanto.

Ito'y matapos ang kontrobersiyal na biruan nila ni Darren sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, kunsaan nagsisilbi silang co-host.

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Brent sa Preview Ball 2026 noong September 10, 2026, natanong siya kung dinamdam ba niya ang naging biro sa kanya ni Darren.

From reimagined suits to experimental silhouettes, these standout gentlemen delivered some of the most striking
Photo/s: PEP.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagay na agad itinanggi ng aktor.

Paliwanag ni Brent, sanay na sila ni Darren, gayundin ang iba pa nilang co-hosts sa It's Showtime, sa ganoong klase ng biruan.

Kung tutuusin, mas malala pa nga raw silang magbiruan kapag off-camera.

Aniya: "Ito, guys, promise, wala yung batuhan namin kasi normal namin yon na biruan.

"Mas malala pa nga behind the cam, siguro nagkagulatan lang kami na live on cam namin nasabi yung mga yon.

"Pero wala, walang tampuhan, walang anything."

Read: Paola Huyong’s cryptic repost about someone’s true side draws curiosity

Bagamat alam nilang biruan lamang ito, humingi pa rin daw ng paumanhin si Darren kay Brent dahil sa naging hirit nito.

Saad ni Brent, "Actually, si Darren, even though hindi niya kailangang mag-apologize, nag-apologize pa rin siya sa akin.

"And sinabi ko naman sa kanya na hindi kailangan kasi okay na okay kami."

THE ON-AIR BANTER OF BRENT AND DARREN

Sa segment na “Miss Q and A” ng It's Showtime noong September 4, nagsimula ang usapin nang kapwa ipinakita nina Darren at Brent ang kanilang galing sa pagsayaw sa hit song ni Brandon Beal na “Twerk It Like Miley.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito, pinuri ni Brent ang galing ni Darren sa pagsayaw bago niya ito biruin sa pagbanggit sa pagiging produkto ng singer ng The Voice.

“Ang galing niyang sumayaw. Halatang galing siyang The Voice," hirit ni Brent.

Brent Manalo addresses
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Panggagatong naman ng co-host nilang si Vice Ganda, "Ay, parang ang sarcastic nun... grabe."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakangiting sagot ni Darren, "Okay lang naman."

Pambubuyo ni Vice kay Darren, "Hindi okay yon, lalaban tayo lagi."

Gumanti naman si Darren at pabirong ipinagmalaki ang kanyang pagiging multi-talented dahil sa kanyang pinagmulang singing competition.

Saad niya, "Ah, sige. Galing ako sa The Voice, kaya nga multi-talented, di ba?"

Brent Manalo addresses
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito, inihirit na rin ni Brent ang reality competition na kanyang pinanggalingan, na aniya’y humubog sa kanyang pagkatao.

Aniya, "Ako, subok sa hamon ng buhay dahil galing ako sa PBB."

Mabilis na hirit dito ni Darren, "Parang wala ka naman masyadong ganap doon sa loob ng bahay."

Ikinagulat ng co-host nilang sina Vice at Anne Curtis, gayundin ng studio audience, ang pahayag ni Darren, na nagdulot ng tilian sa studio.

Agad namang nilinaw ni Darren na nagbibiro lamang siya at magkaibigan sila ni Brent.

“Nagbibiruan lang naman kami... Big Winner natin to, no? Kaya proud kami sa yo, Bro,” ani Darren, sabay akbay kay Brent.

Brent Manalo addresses
Vice Ganda, Anne Curtis, Brent Manalo, Darren Espanto (left to right).
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahabol pa niyang pakiusap, “Guys, magkakaibigan po kami, kaya huwag niyo po akong i-bash.”

BRENT on ONLINE CRITICISM AFTER HIS EXCHANGE WITH DARREN

Agad naging usap-usapan online ang naging hirit ni Darren kay Brent.

May mga naaliw sa pagkakaibigan ng dalawa, habang mayroon din namang ginamit ang insidente para balikan ang ilang kontrobersiyang kinaharap noon ni Brent sa PBB house.

Kabilang na rito ang tensiyonadong tagpo sa pagitan nila ng noo’y House Challenger na si Kira Balinger.

Read: Kira Balinger no bad blood with Brent Manalo

May ilan ding kumukuwestiyon sa atensiyong natatanggap ngayon ni Brent at sa naging pagkapanalo niya sa PBB, kunsaan kasama niya si Mika Salamanca bilang ka-duo.

Sa X noong September 6, tuluyan nang nagsalita si Brent upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga bumabatikos sa kanya at patuloy na kumukuwestiyon sa mga oportunidad na natatanggap niya matapos ang kanyang pagkapanalo sa PBB noong 2025.

Mababasa sa kanyang tweet, "I'm not here to change nor dispel your perception of me, but I am asking for a little bit of grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For months, I took all the lashings and never said a word cos I'm a firm believer that you should always let your work speak for you."

Ayon kay Brent, malaki ang pasasalamat niya sa mga oportunidad na ipinagkakaloob sa kanya matapos niyang manalo sa PBB.

Gayunman, idiniin niyang hindi umano basta-basta ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang mga ito.

Aniya, bunga ng ilang taong paghihintay at pagsisikap ang mga oportunidad na natatanggap niya ngayon, kaya naman masakit para sa kanya na patuloy itong kinukuwestiyon ng ibang tao.

Pahayag niya: "With all the opportunities being given to me right now, I am truly grateful to the management and everyone who believes in me and my capabilities.

"But these things were never handed to me, it was years of waiting and hard work.

"I’ll never waste an ounce of opportunity given to me.

"Huwag niyo po sanang ipagkait sa akin na gawin yung trabahong binibigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I am simply doing my job. I hope to one day be able to show up to work and not walk on eggshells cause everything I say or do is being watched closely, just to fault me for something so minuscule."

Nagbigay rin ng reaksiyon si Brent sa hindi matuldukang mga akusasyon at komento tungkol sa pagkakapanalo niya sa PBB.

Saad niya, "Regarding my PBB stint—Admittedly, my win was polarizing, but it is my journey, and I hope to be able to look back at it with pride.

"I never once took that win for granted. I owe it to all those who fought for me."

Aminado si Brent na mayroon siyang mga nagawang pagkakamali sa loob ng Bahay ni Kuya, kabilang na ang mga pagkakataong nakasakit siya ng damdamin ng iba.

"I have made mistakes and learned from it.

"I have apologized time and time again to those whom I’ve offended.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This chapter has been closed so I hope we can all move forward."

Read: Brent Manalo addresses "unwarranted hate" after banter with Darren Espanto

Sa kabila ng mga batikos, sinabi ni Brent na bukas pa rin siya sa constructive criticism at patuloy niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho bilang bahagi ng kanyang responsibilidad na magbigay ng de-kalidad na entertainment sa publiko.

Ang hindi lamang daw papahintulan ay ang mga batikos na ang tanging layunin ay saktan at hamakin siya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brent Manalo (left) on his viral banter with Darren Espanto (right) on It’s Showtime: "Ito, guys, promise, wala yung batuhan namin kasi normal namin yon na biruan. Mas malala pa nga behind the cam, siguro nagkagulatan lang kami na live on cam namin nasabi yung mga yon."
PHOTO/S: PEP.ph/Darren Espanto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results