PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paola’s cryptic repost about someone’s true side draws curiosity

Paola Huyong’s cryptic reposts spark buzz after Ryan Bang breakup.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 8 hours ago
Paola Huyong’s cryptic repost about someone’s true side draws curiosity
Netizens wonder who Paola Huyong is referring to in her cryptic Instagram reposts about abuse and reputation.
PHOTO/S: Ryan Bang on Instagram

Malaking palaisipan sa maraming netizens kung ano ang hugot at sino ang pinapatamaan ni Paola Huyong sa kanyang cryptic reposts sa Instagram tungkol sa isang taong mukhang mabait at maayos sa paningin ng iba, ngunit iba ang ipinapakita sa pribadong buhay.

Nitong Martes, September 15, 2026, pinag-usapan online ang mga makahulugang cryptic reposts ni Paola.

Bagamat mabilis niyang itong nabura, maraming netizens ang nakapag-screenshot nito at ni-reupload sa social media.

Read: Who is Martin Tan, tech CEO and boyfriend of Bela Padilla?

Tumatalakay ang unang cryptic repost ni Paola sa mga taong mas pinahahalagahan ang kanilang imahe kaysa sa aktuwal na pagbabago o pag-aayos ng kanilang mga pagkakamali.

Mababasang mensahe sa kanyang ni-repost (published as is): "Rule #32: Some people wanna look like a good person. Being one costs more.

"Some people don't wanna do better. They just don't wanna look bad.

"A clean reputation don't automatically mean clean hands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"If the reputation matters more than the repair, peep game."

Paola Huyong’s cryptic repost about someone’s true side draws curiosity
Photo/s: Reddit

Sa konteksto ng post, tila binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtutuwid ng mga pagkakamali kaysa sa simpleng pagpapanatili ng magandang imahe sa publiko.

Read: Gazini Ganados on fight to bring Palestinian father out of Gaza

May isa pang repost si Paola tungkol naman sa isang lalaking nananakit ng babae—pisikal man, emosyonal, o mental—ngunit nagmumukha pa ring mabait, magiliw, at kaaya-aya sa paningin ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas daw na iba ang ipinapakita nitong ugali kapag kaharap ang ibang tao, na tila paraan upang mapangalagaan ang kanyang reputasyon.

Ayon sa repost: "Men who abuse women physically, emotionally, or mentally are often the nicest, friendliest men you'll ever meet.

"They're charming in public, respected by everyone, generous, funny, and the first to offer help.

"They know exactly how to protect their reputation while destroying someone else's peace behind closed doors.

"They're extremely good at making everyone else feel comfortable, except for the people they are already close to."

Dahil sa ipinapakitang magandang pakikitungo sa publiko, maaaring mahirapan daw ang ibang tao na maniwala sa isang babaeng nagsasalita tungkol sa kanyang karanasan sa pang-aabuso.

"That is why people struggle to believe women when they finally speak.

"They say, 'They were always the nicest to me.' And that's the whole point," saad sa repost ni Paola.

Paola Huyong’s cryptic repost about someone’s true side draws curiosity
Photo/s: Reddit
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Netizens ask: Are Paola’s reposts connected to her breakup with ex-fiancé Ryan Bang?

Walang anumang pangalan na binanggit si Paola sa kanyang cryptic reposts.

Ngunit ilang netizens ang nagkonekta nito sa nakaraan ni Paolo at ng kanyang ex-fiancé na si Ryan Bang.

Read: Ryan Bang's Gesture to GF Paola Huyong Praised

Halos tatlong taon ang itinagal ng relasyon nina Paola at Ryan.

Ryan Bang, Paola Huyong unfollowed each other on Instagram
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong August 29, 2023, inamin ni Ryan sa It's Showtime na may girlfriend na siya. At ito nga ay si Paola.

Read: Ryan Bang reveals relationship status: “May girlfriend na ako.”

Kalaunan, na-engage sila noong June 29, 2024.

Read: Ryan Bang now engaged to non-showbiz girlfriend Paola Huyong

Pagsapit ng September 2025, nagkaroon ng espekulasyon sa pagsasama ng dalawa nang mapansin ng ilang netizens ang pagbura ni Paola sa engagement photos nila ni Ryan sa kanyang Instagram.

Read: Ryan Bang’s fiancée Paola Huyong takes down engagement photos

Nasundan pa ito ng pag-unfollow nila sa isa't isa noong October 2025.

Read: Ryan Bang, Paola Huyong unfollow each other on Instagram

Hanggang noong June 6, 2026, sa panayam niya sa vlog sa YouTube ni Vice Ganda, tuluyan nang inamin ni Ryan na tinuldukan na nila ni Paola ang kanilang relasyon.

Ani Ryan, ang pagkakaiba sa paniniwala at perspektibo sa paglagay sa tahimik ang ilan daw sa mga dahilan ng kanilang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ryan Bang breaks silence on breakup with Paola Huyong

Saad ng It's Showtime co-host: "Magkaiba pala yung paniniwala, magkaiba pala yung gawi, tsaka magkaiba pala yung thinking, lalo na pagdating sa marriage.

"Tinray ko, e, tinray ko na ayusin. Kasi alam ko, nung panahon na yon, hindi ko maintindihan ba't di umabot ng ganito."

Read: WHAT PEP KNOWS: Did Ryan Bang and Paola Huyong reconcile?

Wala naman bang third party sa hiwalayan nila?

"Siyempre sa relationship, meron din akong kasalanan, pero I never cheat. Hindi totoo yun, yung sinasabi ng mga tao.

"I never cheat. Even before, I never cheat. Hindi ako ganun. Serious din ako sa relationship," depensa ni Ryan.

Read: Yeng Constantino regrets serenading Ryan Bang at her concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens wonder who Paola Huyong is referring to in her cryptic Instagram reposts about abuse and reputation.
PHOTO/S: Ryan Bang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results