PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shanaia Gomez shares old DMs; Carlos Agassi and wife respond

Carlos Agassi linked to male celebrity Shanaia Gomez mentioned in old DM story.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Just now
shanaia gomez carlos agassi wife
Shanaia Gomez (left) recalls receiving messages from a male celebrity when she was 14, saying she initially thought he simply wanted to be her friend before his messages became uncomfortable. Carlos Agassi and his wife Sarina Yamamoto (right) address the controversy surrounding old messages attributed by online speculation to Carlos, emphasizing that they are happily married.
PHOTO/S: Tiktok / Facebook

Ibinunyag ng Kapamilya TV host-actress na si Shanaia Gomez, 24, na minsan na siya umanong kinulit ng isang male celebrity noong 14 years old pa lamang siya.

Sa TikTok noong September 14, 2026, nag-post si Shanaia ng video kung saan ibinahagi niya ang ilang lumang DMs o direct messages na natanggap niya sa Instagram, na tinawag niyang “interesting.”

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Shanaia Gomez on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rochelle Pangilinan answers rumored rift with Jopay Paguia

Kabilang sa kanyang ipinakita ang mga chat mula sa isang male celebrity na mas matanda raw sa kanya.

Ipinakita niya ang screenshot na may time stamp na November 2016 nang nagsimulang magpadala ng messages ang nasabing male celebrity kay Shanaia.

Ayon kay Shanaia, 14 years old lamang siya noon at kakabisita pa lamang niya sa Pilipinas mula sa Canada.

Read: Brent Manalo says no rift with Darren Espanto after on-air banter

Kuwento pa niya, tinanong siya ng male celebrity kung taga-saan siya at kung saan siya tumutuloy; gayundin kung mayroon siyang boyfriend at kung libre ba siyang makipagkita, kahit daw batid nitong menor de edad pa lamang siya.

Makikita rin ang panaka-nakang pagre-reply ni Shanaia noong una.

Ani Shanaia, nire-reply-an niya ito dahil ang buong akala niya ay nais lamang nitong makipagkaibigan sa kanya.

Pahayag ni Shanaia, "Ako kasi, akala ko, 'Oh, he wants to be my friend... Celebrity pa naman to.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chloe takes swipe at Carlos Yulo’s mother over wedding issue

Ngunit nagbago raw ang tingin niya sa male celebrity nang magsimula na itong mangulit na makuha ang kanyang number, kahit hindi na niya ito nire-reply-an.

Saad ni Shania: "Ay, parang hindi friendship yung hinahanap niya.

"Parang weird siya. Ang weird, so medyo nag-iiwas na ako."

Ipinakita pa ng dating Pinoy Big Brother housemate ang ibang screenshots at sinabing nagpatuloy ang pangungulit ng male celebrity hanggang March 2017.

Tatlong beses daw siyang tinanong kung saan siya nag-stay, at higit tatlong beses na tinanong kung kailan sila maaaring magkita.

Hanggang sa huli ay sinagot siya ng dalaga ng "I'm so busy right now."

Panandaliang natigil ang pagme-message ng male celebrity hanggang sa bumalik ito noong May 2019 upang kumustahin si Shanaia.

Simula noon, wala nang naging reply si Shanaia sa kanyang mga mensahe.

Hanggang noong October 2019, nagpadala ang male celebrity ng smiley emoji kay Shanaia, at noong December 2019 ay binati pa niya ang dalaga ng “Merry Christmas.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dingdong Dantes leaves Family Feud temporarily, Michael V to host

SHANAIA GIVES HINTS ON MALE CELEBRITY

Bagamat hindi pinangalanan ni Shanaia ang male celebrity na umano’y nangungulit sa kanya noon, nagbigay naman siya ng hint tungkol sa pagkakakilanlan nito.

Sabi niya, “I’m not going to name-drop kung sino ito, but let’s just say happy siya at birthday niya pa.”

Dahil dito, nagsimulang magbigay ng kanya-kanyang hula ang ilang netizen kung sino ang celebrity na tinutukoy ni Shanaia.

Isa sa mga pangalang iniugnay ng netizens sa kuwento ay ang aktor at rapper na si Carlos Agassi.

Nagtutugma umano ito sa hint ni Shanaia na “happy siya at birthday niya pa,” na iniuugnay naman ng ilan sa lyrics ng kanta ni Carlos na “Happy Birthday.”

Lalo pang umigting ang espekulasyon matapos sagutin ni Shanaia ang komento ng isang follower sa comments section.

Sabi ng follower, “It was indeed Carlos Agassi. Check his IG story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reply naman ni Shanaia kalakip ng kibit-balikat na emoji, “I’m blocked.”

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14

Photo/s: Shanaia Gomez on TikTok

CARLOS AGASSI'S IG STORY

Ang tinutukoy ng netizen na Instagram Story ni Carlos ay ang video na inilabas nito noong September 16, kung saan makikitang kumakanta at nagra-rap ang aktor.

Naka-topless si Carlos sa video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig sa kanyang kanta ang mga sumusunod na linya: “Tok tok tok ang daming pokp*k.

“Ha ha ha mga pasikat sa social media.

"L.O.V.E, kami ay sobrang saya. Eight years na kasal na, inggit ka, pasikat ka.

"Alam kong hindi mo maiintindihan itong sinasabi ko. Panay kang lait; akala mo ang ganda mo.

"Porket wala kang talent, hindi ka man lang sumikat. Talagang laos ka na, ginamit mo pa pangalan ko para sumikat.

"Kaya ayan, nagagalit asawa ko na sobrang selosa. Lagot ka talaga sa kanya, ratatatat ang bunganga niya."

Read: Carlos Agassi marries longtime girlfriend Sarina Yamamoto

CARLOS AND HIS WIFE RELEASE STATEMENT

Noong September 15, kapansin-pansing naglabas ng video sa Facebook ang asawa ni Carlos na si Sarina Yamamoto.

Ni-repost iyon ni Carlos sa TikTok kahapon, September 16, at sa Facebook ngayong Huwebes, September 17.

Sa video, inihayag nina Carlos, 47, at Sarina, 29, ang kanilang saloobin sa pagkakadawit ng pangalan ng aktor sa isyu ng mga babaeng umano'y ka-chat niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bungad na pahayag ni Sarina sa video: "So ayan, gusto lang namin i-share yung feelings namin today, kasi marami kaming videos na napanood ng mga babae na sinisiraan yung asawa ko.

"Like, imagine eight, nine, ten years ago pa yon. Talagang tinagu-tago nila yung mga screenshots na yun.

"Hindi ba kayo maka-move on? Wala na bang bago? Hindi ko kasi ma-gets yung mindset mo na, ano ba, gusto mo ba kaming mag-away? Gusto mo ba kaming maghiwalay?

"Kami ng asawa ko, content creator din kami. Gumagawa rin kami ng content, pero hindi kami nananakit ng tao—yung may naaapakan kang ibang tao—never na ganun yung content namin.

"Kaya noong napanood namin, parang..."

Hindi raw maintindihan ni Sarina kung bakit inuungkat pa ang isyu, at inamin din niyang "nanggigigil" siya sa naninira raw sa kanyang mister.

Dagdag ni Carlos, na pinarunggitan ang content creator na naglabas umano ng chat nila noon: "Wala ka bang talent? Hindi ba maka-move on? Wala ka bang jowa?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay tinukoy niya ang estado nila ngayon ng asawa: "We're happily married.

"Lahat ng may kilala sa amin ay alam na lagi kaming magkasama. Hawak niya ang phone ko. Wala kaming secrets. Sabay gaganyan ka."

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Carlos Agassi on Facebook

Iamin ni Carlos na noong single daw siya ay marami talaga siyang nakaka-chat na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahihinuha rin sa ginamit niyang mga salita na siya ay into casual dating noon.

Nahinto lamang daw ito nang makilala niya si Sarina at tuluyan niya itong pakasalan.

Katuwiran ni Carlos: "Yung years ng timeline noong single ako, parang kapag single ba, bawal bang mag-date nang mag-date o kahit sinong chuk******?

"Tsaka nakakatawa, message pa nga lang ito, hindi pa nga kami nagkikita, nagde-date, walang hawak man lang sa kamay, walang man lang chuk****, na-in love na."

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Carlos Agassi on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi direktang sinabi nina Carlos at Sarina kung sino ang kanilang pinatutungkulan, sinabi nilang nagsalita sila upang magbigay paalala sa ibang content creators.

Pahayag ni Carlos: "So, gusto lang naming mag-share ng awareness na kung gagawa kayo ng content creation niyo, make sure na wala kayong inaapakan o sinisiraang relationship.

"Worth it ba para sumikat ka or konting monetization, sisira ka ng isang relationship ng isang family na working hard to love each other hanggang sa mamatay sila under one God, under kay God? Ganun ba?"

Pagsang-ayon dito ni Sarina: "Oo, kasi kami ng asawa ko, sobrang tatag namin talaga kaya lagi naming sinasabi na hindi pa pinapanganak ang makakapagpahiwalay sa amin.

"Kaya imagine ginawa mo ito sa ibang couple na hindi kasing-tatag namin.

"Hindi namin ma-gets na parang kaya ng konsensiya mo na may maaapakan kang relationship ng iba. Paano kinakaya ng konsensiya mo?

"Imadyinin mo, gawin mo yan sa ibang couple na hindi kasing-tatag namin na konting... kasi yung ibang couple, konting sulsol lang ng iba, di ba, nag-aaway na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwestiyon din ni Carlos ang motibo kung bakit ngayon lamang umano isiniwalat ang mga mensaheng ipinadala niya noong siya ay single pa.

Sabay patutsada pa ni Carlos sa di pinangalanang content creator: "Wala ka bang talent? Wala ka bang galing? Kung wala kang talent dito, hindi para sa yo to, hija.

"Ineng, utoy, huwag niyo sayangin yung buhay niyo. Madaling maghanap ng mali ng iba, madaling magpalaki ng gulo, gumawa ng gulo.

"Pero yung gumawa ng kabutihan, pagbutihin mo ang sarili mo at kilalanin ka sa kagalingan mo, sa sarili mong sikap na talento, ayan ang tunay.

"Kumbaga, lahat tayo umasenso; hindi yung nasa baba ka, nandadamay ka."

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Carlos Agassi on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, umapela si Sarina na tigilan na raw sana ang mga tirada kay Carlos kaugnay ng past nito.

Dire-diretsong sabi ni Sarina: "Kaya huwag natin sanang i-normalize yung mga ganoong contents.

"Kapag may nakita tayo, parang sabihin natin na, 'Huwag namang ganyan kasi may asawa na si Carlos Agassi.'

"Minsan lang din ang sarap mag-step up na nakakagigil na din kasi yung mga ganyang tao na sinisiraan.

"Lagi na lang paulit-ulit na yan, e, yung mga name-message ng asawa mo na puro screenshots. Hindi lang isa yan, sobrang dami.

"Isa lang, ang mga ganyang tao kasi, may isang bagay na alam ko, alam mo kung sino ka at alam ko na mayroon kaming mag-asawa na never mo makukuha.

"Alam mo kung ano yon? Never mo makukuha yun. Contentment. Never mo makukuha yan.

"So ito, para sa iyo to. Alam mo kung sino ka. Sasabihin mo pa or may magko-comment pa na 'happy siya, birthday niya pa,' yun yung clue mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang, talaga? Masayang-masaya kami, b*t*h!"

Inunahan na rin ni Sarina ang aniya'y mga maaaring kumuwestiyon sa pagsasalita nila ni Carlos.

Saad niya, "O, ito ang sasabihin daw, defensive tayo na parang hindi naman sinabi na ikaw yun.

"Parang, ano ba? Hindi kami ipinanganak kahapon, ha. Huwag na tayong maglokohan, b*t*c!"

Read: Australian HYROX athlete makes headlines after diarrhea incident

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shanaia Gomez (left) recalls receiving messages from a male celebrity when she was 14, saying she initially thought he simply wanted to be her friend before his messages became uncomfortable. Carlos Agassi and his wife Sarina Yamamoto (right) address the controversy surrounding old messages attributed by online speculation to Carlos, emphasizing that they are happily married.
PHOTO/S: Tiktok / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results