PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shanaia Gomez stands firm on boundaries after male celeb post

Shanaia Gomez: "I don't owe anyone an explanation."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 22 hours ago
Shanaia Gomez stands firm on personal boundaries after viral male celeb post
Shanaia Gomez addresses backlash over her viral post about a male celebrity: "First of all, I'm allowed to share whatever I want on my social media accounts...It has taken twenty-four years, long years, for me to set these boundaries, to build these boundaries in my life, so I will not apologize for having those."
PHOTO/S: Shanaia Gomez on Instagram

Nanindigan ang Kapamilya TV host-actress na si Shanaia Gomez na wala siyang dapat ihingi ng tawad sa mga tinamaan at naapektuhan ng viral post niya kamakailan tungkol sa isang male celebrity na minsan nang nangulit sa kanya noong menor de edad pa siya.

Sa kanyang social media accounts nitong Huwebes, September 17, 2026, nag-post ng video si Shanaia para depensahan ang sarili laban sa mga kumukuwestiyon sa pagbabahagi niya ng ilan sa kanyang mga naging karanasan.

Shanaia Gomez stands firm on personal boundaries after viral male celeb post
Photo/s: Shanaia Gomez on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Shanaia, ilang taon niyang binuo at itinakda ang kanyang personal boundaries, kaya may karapatan at kalayaan siyang magbahagi ng mga bagay na komportable siyang sabihin sa kanyang sariling social media accounts.

Pahayag niya: "This is probably gonna be the first and last time that I talk about this.

"First of all, I'm allowed to share whatever I want on my social media accounts. I'm allowed to talk about whatever I want on my social media accounts.

"It has taken twenty-four years, long years, for me to set these boundaries, to build these boundaries in my life, so I will not apologize for having those."

Read: Moira dela Torre breaks silence on Sam-Catriona breakup

Binigyang-diin din ni Shanaia na walang expiration o “statute of limitations” pagdating sa pagbabahagi ng sariling karanasan.

Aniya, maraming bagay ang nangyari sa kanyang buhay at kinailangan niya ng panahon upang maproseso ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "There's no statute of limitations when it comes to talking about my experiences and sharing my stories.

"A lot of things have happened in my life. It has taken many years for me to process those things that have happened.

"Some of these things happened to me before I was even twenty-one. And sometimes you need to take a step back and look at the situation again and be, like, 'Oh my God. Yeah, wait, maybe that wasn't right, and that wasn't okay.'

"So if I want to share some things on my social media account, then I have the right to do so.

"You know, I don't owe anyone an explanation."

Read: Rochelle Pangilinan refuses to prolong SexBomb controversy

Ayon pa kay Shanaia, hindi alam ng ibang tao kung paano ito nakaapekto sa kanya at kung ano ang kinailangan niyang pagdaanan upang maproseso ang mga ito.

Malaking hakbang daw para sa kanya ang pagsasalita tungkol sa mga karanasan niya, kahit pa gawin niya ito sa pamamagitan ng isang cryptic video o post.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya: "I will share what I'm comfortable sharing and what I'm willing to share, and I will share as much as I'm comfortable doing so.

"At the end of the day, you have no idea how it affected me personally and what I had to go through because of those things.

"And the fact that, you know, I am sharing some stuff, whether it's in a cryptic video or not, or a funny video or not, like, it's a big step for me.

"You know, I make videos to join a trend because it's a trending sound, and I'm, like, 'Okay. I will, I will share my experience too.'"

Shanaia hopes to raise awareness on setting boundaries

Bukod sa pagbabahagi ng sariling karanasan, naniniwala si Shanaia na ang ginawa niyang pagbubunyag ay maaaring maging paraan upang makapagbigay ng awareness sa iba.

Nais daw niyang ipaalam sa ibang tao na may ilang bagay na hindi normal at mahalagang matutong magtakda ng boundaries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagay na hindi raw niya noon nagawa, dahilan para samantalahin ng ibang tao ang kanyang kabaitan.

Pahayag ni Shanaia: "Also, quite frankly, it could be to spread awareness, like, 'Hey, guys, this happened to me. I think you guys should know that this is not normal.'

"I wish that when I was younger, I saw videos like that to tell me that, 'Oh, certain things are not normal, and it's okay to say no and to set boundaries for yourself.'

"'Cause when I was younger, I was very much a people pleaser to the point where, you know, I put my head down, always to say yes, po, and just brush off certain things.

"Always wanted to be unproblematic. That resulted in me being too nice to the point that, you know, people would step all over me or take advantage of me, or do all those things."

Nilinaw rin ni Shanaia na hindi lamang tungkol sa kanyang recent viral video ang nais niyang ipunto, kaya siya muling nagsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is not just about, you know, that recent video that I posted. This is about, like, a lot of things in general.

"I hope you guys keep this in mind for some of the future videos that I may or may not post.

"Honestly, I'm still trying to find that inner voice in me that's trying to be unproblematic and to just stay out of trouble and all that.

"But at the same time, you know, I'm trying to respect my experiences and the things that I've been through and not deny, you know, that they happened.

"I learned those lessons. I'm glad that I did. I hope you guys also do the same. It's okay to say no, and it's okay to have these boundaries for yourself.

"Like, it's very, very important.

Shanaia thanks supporters amid backlash over viral post

Sa huli, pinasalamatan ni Shanaia ang mga taong nagbigay ng suporta matapos niyang ibahagi ang kanyang mga karanasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, nakatulong ang mga mensaheng iyon upang maramdaman niyang validated ang kanyang nararamdaman.

Saad niya: "To everyone that's also been commenting on some of my videos, you know, supporting me, I really appreciate that.

"I really appreciate you guys. As I said, it's taken a lot for me to process a lot of these things that happened, and I really appreciate seeing your messages.

"It almost, like, validates me. If you guys are looking to be upset at something, maybe be upset about the situation.

"It's easy enough to blame me and get mad at me for putting it out there, but it did happen to me.

"It is my life. This is real. This is not a movie or a series or fiction."

Carlos Agassi and wife react to being linked to Shanaia’s viral post

Sa TikTok noong September 14, nag-post si Shanaia ng video kung saan ibinahagi niya ang ilang lumang DMs o direct messages na natanggap niya sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang na rito ang chat mula sa isang male celebrity na mas matanda raw sa kanya.

Ayon kay Shanaia, 14 years old lamang siya noon at kakabisita pa lamang niya sa Pilipinas mula sa Canada nang magsimulang mangulit ang male celebrity na makipagkita at magtanong ng ilang personal na detalye sa kanya.

Bagamat hindi pinangalanan ng dalaga ang male celebrity na umano’y nangungulit sa kanya noon, nagbigay naman siya ng hint tungkol sa pagkakakilanlan nito.

Sabi niya, “I’m not going to name-drop kung sino ito, but let’s just say happy siya at birthday niya pa.”

Dahil dito, nagsimulang magbigay ng kanya-kanyang hula ang ilang netizens kung sino ang celebrity na tinutukoy ni Shanaia.

Isa sa mga pangalang iniugnay ng netizens sa kuwento ay ang aktor at rapper na si Carlos Agassi.

Nagtutugma umano ito sa hint ni Shanaia na “happy siya at birthday niya pa,” na iniuugnay naman ng ilan sa lyrics ng kanta ni Carlos na “Happy Birthday.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Shanaia Gomez on TikTok

Hindi nagtagal, naglabas ng video sa Facebook ang asawa ni Carlos na si Sarina Yamamoto.

Sa nasabing video, ibinahagi nina Carlos, 47, at Sarina, 29, ang kanilang saloobin sa pagkakadawit ng pangalan ng aktor sa isyu tungkol sa mga babaeng umano'y ka-chat niya noon.

Bungad na pahayag ni Sarina sa video: "So ayan, gusto lang namin i-share yung feelings namin today, kasi marami kaming videos na napanood ng mga babae na sinisiraan yung asawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like, imagine eight, nine, ten years ago pa yon. Talagang tinagu-tago nila yung mga screenshots na yun.

"Hindi ba kayo maka-move on? Wala na bang bago? Hindi ko kasi ma-gets yung mindset mo na, ano ba, gusto mo ba kaming mag-away? Gusto mo ba kaming maghiwalay?

"Kami ng asawa ko, content creator din kami. Gumagawa rin kami ng content, pero hindi kami nananakit ng tao—yung may naaapakan kang ibang tao—never na ganun yung content namin.

"Kaya noong napanood namin, parang..."

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Carlos Agassi on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw maintindihan ni Sarina kung bakit inuungkat pa ang isyu, at inamin din niyang "nanggigigil" siya sa naninira raw sa kanyang mister.

Dagdag ni Carlos, na pinarunggitan ang content creator na naglabas umano ng chat nila noon: "Wala ka bang talent? Hindi ba maka-move on? Wala ka bang jowa?"

Sabay tinukoy niya ang estado nila ngayon ng asawa: "We're happily married.

"Lahat ng may kilala sa amin ay alam na lagi kaming magkasama. Hawak niya ang phone ko. Wala kaming secrets. Sabay gaganyan ka."

Iamin ni Carlos na noong single daw siya ay marami talaga siyang nakaka-chat na babae.

Mahihinuha rin sa ginamit niyang mga salita na siya ay into casual dating noon.

Nahinto lamang daw ito nang makilala niya si Sarina at tuluyan niya itong pakasalan.

Katuwiran ni Carlos: "Yung years ng timeline noong single ako, parang kapag single ba, bawal bang mag-date nang mag-date o kahit sinong chuk******?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tsaka nakakatawa, message pa nga lang ito, hindi pa nga kami nagkikita, nagde-date, walang hawak man lang sa kamay, walang man lang chuk****, na-in love na."

Read: Shanaia Gomez shares old DMs; Carlos Agassi and wife respond

Bagamat hindi direktang sinabi nina Carlos at Sarina kung sino ang kanilang pinatutungkulan, sinabi nilang nagsalita sila upang magbigay paalala sa ibang content creators.

Shanaia Gomez recounts male celebrity making a move on her at 14
Photo/s: Carlos Agassi on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwestiyon din ni Carlos ang motibo kung bakit ngayon lamang umano isiniwalat ang mga mensaheng ipinadala niya noong siya ay single pa.

Sabay patutsada pa ni Carlos sa di pinangalanang content creator: "Wala ka bang talent? Wala ka bang galing? Kung wala kang talent dito, hindi para sa yo to, hija.

"Ineng, utoy, huwag niyo sayangin yung buhay niyo. Madaling maghanap ng mali ng iba, madaling magpalaki ng gulo, gumawa ng gulo.

"Pero yung gumawa ng kabutihan, pagbutihin mo ang sarili mo at kilalanin ka sa kagalingan mo, sa sarili mong sikap na talento, ayan ang tunay.

"Kumbaga, lahat tayo umasenso; hindi yung nasa baba ka, nandadamay ka."

Sa huli, umapela si Sarina na tigilan na raw sana ang mga tirada kay Carlos kaugnay ng naging nakaraan nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shanaia Gomez addresses backlash over her viral post about a male celebrity: "First of all, I'm allowed to share whatever I want on my social media accounts...It has taken twenty-four years, long years, for me to set these boundaries, to build these boundaries in my life, so I will not apologize for having those."
PHOTO/S: Shanaia Gomez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results