Mariing itinanggi ni Kira Balinger na siya ang aktres na tinutukoy sa kumakalat na blind item na may kaugnayan sa kapwa niya Kapamilya stars na sina JM Ibarra at Fyang Smith.
Sa segment na “Deep Truth” ng Gandang Gabi Vice noong Linggo, September 20, 2026, kung saan guest ang loveteam na JMFyang, ipinahula ni Fyang sa host na si Vice Ganda at co-hosts nitong sina Divine Tetay, Verna Joy Periwinkle, at Vince Maristela ang statement na inihanda niya kung ito ay “trot” (truth) o “charot” (false).
"May isang babaeng nagyaya kay JM sa isang event para umakyat sa kwarto," mababasa sa ipinahulang pahayag ni Fyang.

Para tulungang magdesisyon sa kanilang isasagot, nagbigay ng clue si Fyang.
Aniya, nangyari umano ito sa unang pagdalo nila ni JM sa ABS-CBN Ball.
Read: JM Ibarra and Fyang Smith: Built to Take On Showbiz
Personal umanong inimbitahan ng nasabing babae si JM na umakyat sa kanyang kuwarto para ituloy ang kanilang after-party.
Ngunit sa hindi malamang dahilan, si JM lang umano ang inimbitahan at hindi kasama si Fyang, kahit magkakilala naman sila ng nag-imbita.
"Nalaman ko kasi nagsabi siya [JM] sa akin.
"Alam mo yung parang [sabi niya], 'Let's have an after-party in my room.'
"Mas older sa akin," dagdag ni Fyang.
Dito na tinanong ni Vice si JM kung ano ang ginawa niya nang yayain siya ng nasabing babae.
Saad ng aktor, "Ngumiti na lang ako kasi baka magmukhang wala akong respeto. English yon, e [yung pagkakasabi]."
Dagdag na clue ni Fyang, "Englishera kasi siya... Taga ABS-CBN."
Read: Fyang faces backlash over “ang kakapal ng mukha niyo” remarks
Sa mga ibinigay na clue ng dalawa, “trot” ang sagot nina Vice, Vince, Divine Tetay, at Verna.
Sa huli, isiniwalat ni Fyang na “trot” ang tamang sagot.
Dahil dito, inihayag ni Vice ang paghanga niya kay Fyang nang sabihin nitong, "Ang taray mo rin talaga, 'no? Very secured ka."
Mabilis namang saad ni Fyang, “Yeah, kasi alam ko rin namang hindi siya aakyat.”
Sabay parinig niya sa babaeng umano’y nagtangkang paakyatin si JM sa kuwarto nito: “Sabi ko sa yo, girl, e. Di ba, at least, nice try.”

KIRA BALINGER DENIES BEING THE ACTRESS LINKED TO JMFYANG
Bagamat walang binanggit na pangalan sina Fyang at JM kung sino ang babaeng kanilang tinutukoy, nagkanya-kanyang hula ang netizens.
Kabilang sa mga pangalang lumutang online si Kira Balinger.
Read: Kira Balinger: Hindi ako kabit sa ex ni Kelvin
Nitong Lunes, September 21, ini-repost ni Kira sa kanyang Instagram Stories ang official statement na inilabas ng kanyang official fan page.
Mababasa sa nasabing pahayag (published as is): "We are writing this to address the ongoing discussions and widespread rumors on social media about the blind item concerning 'the leading man of a popular love team being invited to a hotel room by an actress.'
"While we acknowledge that the incident mentioned in the blind item did occur, we are issuing this statement to set the record straight regarding who was involved.
"To end the unwarranted harassment, false accusations, and baseless speculations immediately: it was NOT Kira Balinger."
Read: Kira Balinger chooses to "forgive" Kelvin Miranda
Sa naturang pahayag, sinabi ring hindi sila magbabanggit ng pangalan o magdadagdag pa ng ingay sa isyu bilang respeto sa lahat ng artistang involved, gayundin sa kanilang management at respective fanbases.
Pahayag nila: "In respect to all the artists involved, their management, and their respective fanbases, we won't be dropping any names or adding fuel to the fire.
"But we will not stand by while Kira's name is dragged into false claims."
Read: LA Santos admits being rejected by Kira Balinger
Kasunod nito, hinikayat ng kampo ni Kira ang publiko na maging mas responsable sa pagbabahagi at pagbuo ng konklusyon tungkol sa mga blind item na kumakalat online.
Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng fact-checking bago gumawa ng mga pahayag o akusasyon na maaaring makasira sa ibang tao.
"It's already 2026, so we encourage everyone to be more responsible and do fact-check before making damaging assumptions online.
"If you have watched the full video, both the host and the guests specifically emphasized not to make assumptions since no names were ever dropped.
"Let's create a healthier digital space for all fandoms," anila.
Samantala, sa ini-repost ni Kira ay mababasa ang caption na “Afam po ang type ko [heart emoji].”

Marami sa kanyang fans ang kinilig dito, dahil maaari raw nitong tinutukoy ang Kapuso actor na si Josh Ford, na nali-link sa kanya.
Unang nagkasama sina Kira at Josh sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong 2025.

Kabilang din sila sa defunct GMA Network at ABS-CBN mystery-drama series na The Secrets of Hotel 88.
Read: Kira Balinger reveals beauty hack inside Bahay Ni Kuya
