PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patrick admits being an “inconsistent” father to Jennylyn's son

Patrick Garcia praises Dennis Trillo for loving son Jazz “like his own”
by Khryzztine Joy Baylon
Published 15 hours ago
Patrick Garcia admits being an “inconsistent” dad to Jennylyn Mercado’s son
Patrick Garcia talks about his complicated past with Jennylyn Mercado and his struggles to reconnect with their son, Alex Jazz: "I've been messaging since 2018 sa Viber, and I get no reply from the mother. No reply, none, but seen."
PHOTO/S: Jennylyn Mercado on Instagram

Labis umanong nangungulila ang aktor na si Patrick Garcia kay Alex Jazz, 18, ang anak nila ng aktres na si Jennylyn Mercado.

Ayon kay Patrick, matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap si Jazz, lalo na't hindi naging maayos ang paghihiwalay nila ni Jennylyn.

Naging magkarelasyon sina Patrick at Jennylyn noong 2007.

Noong January 2008, inanunsiyo ng dalawa sa publiko na nagdadalantao ang aktres.

Read: FIRST READ ON PEP: Jennylyn Mercado nearly two months preggy, to wed Patrick Garcia

Ngunit makalipas lamang ang isang buwan, noong February 2008, tinapos nila ang kanilang relasyon.

Isinilang ni Jennylyn si Jazz noong August 16, 2008.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload nitong Martes, September 29, 2026, naging bukas si Patrick sa pagtalakay sa kawalan ng relasyon nilang kanyang panganay na anak.

Patrick Garcia speaks out after 18 years on Jennylyn Mercado split
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya: "Siyempre, nasa ibang bahay siya. And nasa ibang bayan, ibang location.

"So basically, noong time na nabi-visit ko siya, medyo challenge yung distance, yung time, ganun.

"And for the past... since 2018, I haven't seen Jazz, so challenge yon.

"The last time I saw Jazz was December 2017. Parang bago mag-Christmas yata yon.

"But I've been messaging since 2018 sa Viber, and I get no reply from the mother. No reply, none, but seen.

"Seen siya. Pero yung last two years yata parang hindi na-seen.

"However, yung last message naman from her [Jennylyn], minessage niya yung wife ko noong 2021; gusto niya akong kausapin, which we were able to speak over the phone, and okay naman yung pag-usap namin.

"But after that, noong nag-message na yung wife ko na, 'Can you visit Jazz?' wala na namang reply."

Ang tinutukoy na "wife" ni Patrick ay ang kanyang asawang si Nikka Martinez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal sina Patrick at Nikka noong 2015, at biniyayaan sila ng apat na anak.

Read: Patrick Garcia speaks about past with Jennylyn Mercado

Ano ang dahilan ng biglaang pagtawag sa kanya ng Kapuso actress?

Ani Patrick: "The reason why she called, kasi parang I think bagong engage lang sila ni [Dennis Trillo] or bagong kasal, I'm not sure.

"Jen wanted to talk to me because pinapaalam niya sa akin na parang ia-adopt ni Dennis, parang gagamitin ni Jazz yung last name niya.

"Though wala naman siyang Garcia sa birth certificate niya. So, ipinapaalam lang niya sa akin.

"Hindi siya nagpapaalam, sabi niya, 'Pinapaalam ko lang sa yo na ganito.' Kumbaga, sinasabi lang sa akin."

Sundot na tanong sa aktor, "Pumayag ka?"

Ayon sa aktor: "Wala naman akong say doon. Pumayag naman ako.

"Pero kalakip nun, siyempre sinabi ko, 'Can I still see Jazz?' Sabi niya, 'Oo.'"

Noong November 15, 2021, ikinasal sina Jennylyn at Dennis sa pamamagitan ng intimate civil wedding.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Dylan Jayde, 4.

Bukod pa rito, si Calix, 18, ang anak ni Dennis sa dati nitong karelasyon na si Carlene Aguilar.

Read: Dennis Trillo says "no issue" between wife Jennylyn, his parents

Patrick recounts first meeting with son Jazz after split

Kuwento ni Patrick, magdadalawang taon na si Jazz nang una niya itong makita nang personal.

Mula raw kasi nang magkahiwalay sila ni Jennylyn at siya ay mangibang-bansa noong 2008, hindi na siya nakipag-ugnayan sa aktres.

Pagbabalik-tanaw ng aktor: "Parang I met Jaz magtu-two years old na siya. Yung sister ko [Cheska Garcia] yata nag-reach out kay Jen, or yung dad ko nag-reach out kay Jen.

"I invited them sa first birthday party ni Kendra [Kramer]. So, dumating sila sa first birthday party ni Kendra. That's the first time I saw Jen.

"Noong nagkita kami, parang kung ano man yung nasabi niya sa akin, parang, 'Hayaan mo na. Okay naman kami.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat iyon ang una nilang pagkikita matapos maghiwalay, hindi raw gumawa ng anumang hakbang si Patrick para pag-usapan ang kanilang nakaraan.

Sabi niya, "I was more focused on Jazz at that time. Parang noong nakita ko si Jazz, na-excite ako e. Happy ako nung nakita ko siya."

Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Alex Jazz
Jennylyn Mercado, Alex Jazz, and Patrick Garcia (left to right).
Photo/s: Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasundan daw noon ang pagkikita nila ng anak nang payagan siya ni Jennylyn na makapiling ito sa ikalawang kaarawan ni Jazz.

"Soon after, nagkita rin kami. Kasi yung party June 25. And then, August 16 is the birthday of Jazz.

"Parang I remember, gumawa ako ng party for Jazz sa Alabang kasi magtu-two years old siya.

"Nandoon din si Jen. Nandoon yung family ko, family niya.

"But wala kaming pag-usap noon. Parang I didn't feel the need na kaming mag-usap kami.

"Para saan pa? May [sariling] buhay na siya. Mayroon ako.

"Usually kasi nung buhay pa si Tita Lydia, yung nanay-nanay ni Jen, ayun yung ka-message ko palagi kung susundin ko si Jazz.

"In fairness naman kay Jen, when I met Jazz, I was free during that time. I was free to meet him, to pick him up. Minsan nahiram ko siya, natutulog siya sa bahay ko.

"Two, three, four. Ayun, medyo libre pa ang pagkita ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patrick explains why he lost contact with son Jazz

Ipinagtanggol din ni Patrick ang sarili laban sa mga kumukuwestiyon kung bakit ganoon katagal niyang hindi nakita ang anak nila ni Jennylyn.

Saad ni Patrick: "Well, I messaged Jen from 2018 till the present day. Hindi siya nagre-reply sa akin.

"So, hindi ko naman puwedeng pilitin, you know, I can't force myself.

"I'm at the mercy of Jen's reply. Kung hindi nagre-reply, anong gagawin ko?

"However, sa akin, walang reply.

"Sa wife ko naman, my wife would message her, and then in 2021 there was a message from Jen. Doon ko nakausap si Jen.

"Parang sabi niya sa wife ko, 'Can I talk to Patrick, something about Jazz.'

"I spoke to her. And then yung pag-usap namin noon is about nga pinapaalam niya sa akin na parang ia-adopt yata ni Dennis si Jazz.

"2021 yun. And then shortly after that, nag-message yung asawa ko, 'Can we visit Jazz?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But no reply. And then may message pa after that. So, kumbaga, ayun yung reality ko ngayon."

Read: Jennylyn Mercado remains firm in keeping her son away from Patrick Garcia

Kuwento pa ni Patrick, noong una niyang nakita si Jazz ay agad niyang napansin ang kakaiba nitong kondisyon, dahilan para mas lalo raw siyang maging interesado na makilala at maalagaan ito.

Jennylyn Mercado and Alex Jazz
Photo/s: Jennylyn Mercado on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinanganak si Jazz na may autism spectrum disorder (ASD).

Pagbabalik-tanaw ni Patrick: "Actually, the first time I saw Jazz, you know, there was something different about him.

"It was noticeable the first time I met him, and the more I wanted to love him because he was different.

"And the more I wanted to get to know him, the more I wanted to take care of him.

"I was given a chance naman during that time na sumama sa mga therapy sessions niya, sa speech therapy, ganun-ganun.

"So I was very involved, but naputol lang yun. Parang dalawang beses naputol yun, e."

Read: Patrick Garcia on Jennylyn Mercado: "Kung saan siya ma-in love, I'm always happy for her."

Pag-amin din ng aktor, may kinalaman sa pagbibigay niya ng sustento kung bakit naputol ang relasyon nila noon ni Jazz.

Lahad niya: "Kuwento ko lang. From the time I met him, he was two years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Three, four, mga five, parang 2012 yata na parang naputol yun, because when it comes to money, kapag may show, alam mo namang buhay artista, kapag may show, bigay, bigay, bigay.

"Kapag nawalan ng show, medyo mahirap. So, yung time ko lang ang puwede kong ibigay. Minsan yung time, hindi enough.

"So minsan, pinag-aawayan namin yun [ni Jennylyn]. Minsan kapag nag-aaway kami, e, siyempre, damay yung bata.

"So from 2012, 2013, hindi ko siya nakita.

"Till 2014, when I got engaged with my wife right now, my wife reached out to Jen, kasi parang for a year or two years parang hindi ko nakita si Jazz.

"Tapos nung na-engage na kami, my wife reached out to Jen, in fact, Jazz was part of my wedding.

"When I was walking down the aisle, si Jazz ang kasama ko. So I was happy for that.

"So, 2016, nagkikita kami. 2017, nagkikita kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After 2017, yun na. 2018 onwards, hindi na kami nagkita."

Dito na rin daw nagsimulang hindi siya makapagbigay kay Jennylyn para sa kanilang anak.

Aniya, "Nahinto na rin. Hindi na kami nagkikita, e, so paano ko ibibigay?"

Ito ang isa sa mga bagay na inaamin ni Patrick na malaking pagkakamali niya noon.

Pahayag niya: "With Jazz, siguro ang mali ko siguro is being inconsistent.

"Kasi siyempre kapag buhay artista, in terms of money and in terms of time, minsan magiging inconsistent ka talaga, e.

"Kapag wala kang trabaho, consistent ka sa bisita. Pero kapag may trabaho ka, consistent ka sa pera, pero hindi ka consistent sa time.

"And siyempre ang layo pa ng bahay namin. So ayun talaga. Magsa-suffer talaga yung bata kung hindi complete family.

"Pero still, inaako ko pa rin na mali ako doon. Na I should have, and I could have been better.

"Till now, I'm still striving to be a better person. Hindi naman mawawala yun na hindi tayo perfect, but we're always striving to be better."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patrick grateful to Dennis for taking care of son Jazz

Bagamat maraming pagkukulang si Patrick kay Jazz, may isa raw siyang ipinagpapasalamat.

Ito ang pagdating ni Dennis Trillo sa buhay ng kanyang mag-ina.

Kitang-kita raw kasi ni Patrick kung paano alagaan at mahalin ni Dennis ang kanyang anak na parang sarili nitong anak.

Aniya: "Masaya ako, kasi may nagmamahal kay Jazz. Kapag may nakikita akong maraming nagmamahal kay Jazz, nakakatuwa.

"On Dennis taking care of Jazz, I'm happy for that. I commend that. I like seeing that.

"Thank you, Dennis. I see the videos. I see the pictures. Thank you for taking care of Jazz, for loving him like your own, and I salute you for that."

Nagkausap na ba sila ni Dennis?

Mabilis na sagot ni Patrick: "No. Parang for me, dapat siyempre yung nanay dapat yung ka-reach out ko,.

"Pero hindi ko lang... kung mas okay ka-reach out si Dennis, e, dapat siya na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa naman tapos ang lahat. I mean, you know, I'm still optimistic about my future with Jazz. It's never over."

Hiningan din si Patrick ng mensahe para kay Jennylyn.

Aniya: "A message for her, you know, God bless you, and I always wish you the best. I don't wish you bad things.

"I will still try to message. And maybe this time through different avenues. Maybe get through somebody to, you know, para lang makapasok doon.

"I will always try for Jazz. And that's the only thing I can do, try lang and then sana maging okay.

"Ayaw ko ng gulo. But my piece, I just have to say my piece. It's unfair na.

"So for what it's worth, this is the truth."

Dennis Trillo posts cryptic message; Jennylyn declines to comment on Patrick's revelations

Samantala, matapos pagpiyestahan sa social media ang mga rebelasyon ni Patrick sa nakaraan nila ni Jennylyn at ang tungkol sa kanilang anak, isang makahulugang post sa Facebook ang ibinahagi ni Dennis ngayong Miyerkules, September 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad dito (published as is): "Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo. O spread LOVE not HATE."

Walang binanggit na pangalan si Dennis kung para kanino ang kanyang mensahe, ngunit malinaw na ito ay para kay Patrick.

Maging si Jennylyn ay tumangging magbigay ng komento sa mga naging pahayag ng dati niyang karelasyong na si Patrick.

Read: Jennylyn stays silent, Dennis reacts to Patrick revelations

Sa pamamagitan ng Aguila Entertainment, ang talent management na nangangalaga sa showbiz career ni Jennylyn, sinabi nitong karapatan ng sinuman na ilahad ang kanilang istorya sa anumang platform na kanilang naisin.

Ngunit sa pagkakataong ito raw ay pinili ni Jennylyn na huwag ilahad ang kanyang panig bilang respeto sa privacy at peace of mind ng pamilya ng aktres at ng pamilya ni Patrick.

Hinihiling ni Jennylyn sa publiko na itigil na ang poot at iwasan ang pamba-bash sa pamilya ni Patrick, partikular na sa anak nitong si Michelle Garcia, 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, tiniyak ng kampo ng aktres na namumuhay nang "good and happy life" sina Jennylyn at Jazz, kapiling ang mister ng aktres na si Dennis, ang kanilang anak na si Dylan, at stepson ni Jennylyn na si Calix.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patrick Garcia talks about his complicated past with Jennylyn Mercado and his struggles to reconnect with their son, Alex Jazz: "I've been messaging since 2018 sa Viber, and I get no reply from the mother. No reply, none, but seen."
PHOTO/S: Jennylyn Mercado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results