Nabiktima ng hit-and-run ang sasakyan ng It’s Showtime co-host na si Cianne Dominguez.
Lulan ng sasakyan si Cianne at ang dalawa niyang batang pamangkin.
Sa Facebook nitong Lunes, October 5, 2026, ibinahagi ni Cianne ang dashcam footage ng sasakyan niya habang binabaybay ang Antipolo Circumferential Road, nang biglang may kumalabog sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan.
Nahagip ng dashcam ang isang motorsiklong may angkas na babae.
Sa halip na huminto ay nagpatuloy ito sa pag-andar at tumakas.
Read: Robb Guinto confirms breakup with Yasser Marta
Bagamat ligtas si Cianne at ang kanyang mga pamangkin, nagtamo naman ng pinsala ang likurang bahagi ng sasakyan.

Cianne calls out hit-and-run rider, urges him to contact her
Sa labis na pagkadismaya, ibinahagi ni Cianne sa Facebook ang nangyari sa kanya.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Diko alam talaga bakit ako lapitin ng mga kamote sa daan talaga.
"Kahit anong ingat at ayos mo mag drive, di mo talaga maiiwasan yung mga ganitong riders.
"Antipolo circumferential area papuntang St. Peter. May bumangga sa likod ko and then tumakbo.
"Kasama ko pa man din dalawang batang pamangkin ko."
Read: Ethel, Long, Pooh, Esnyr among Last One Laughing PH Season 2 cast
Kalakip nito, binalaan ni Cianne ang rider na bumangga sa kanyang sasakyan na makipag-ugnayan bago niya ito isuplong sa Land Transportation Office (LTO).
Aniya, "You better message me privately bago kita ipa-track down beh.
"Natatandaan ko mga mukha niyo."
Read: Zanjoe Marudo reveals wife Ria Atayde is pregnant with Baby No. 2
Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, natukoy na umano ng LTO ang registered owner ng motorsiklo.
Hinikayat din umano ng ahensya si Cianne na magtungo sa kanilang tanggapan upang pormal na maghain ng reklamo.
"I-a-alarm namin yan. Pag na-alarm namin yan, puwede yang ma-impound.
"Puwedeng ma-revoke ang license niyan. Mapapanagot natin, mabigat ang kaparusahan niyan,” ani LTO Chief Markus Lacanilao.
