Nagluluksa ngayon ang comedy industry sa pagpanaw ng comedian, singer, at host na si Dax Martin.
Kilala si Dax bilang singer sa mga sing-along bar at comedian-host sa mga comedy bar.

Nitong Huwebes, October 8, 2026, sunud-sunod na nag-post sa social media ang malalapit niyang kaibigan na sina Ate Gay, Atak Araña, Eric Nicolas, at Pepita Curtis upang alalahanin ang kanyang buhay at magpaabot ng pakikiramay sa kanyang naulilang pamilya.
ATE GAY REMEMBERS DAX
Sa pamamagitan ng screenshot ng kanilang dating pag-uusap, inalala ni Ate Gay ang masaya nilang pagkakaibigan ni Dax.
Ayon kay Ate Gay, likas na masayahin at mapagbiro si Dax, kaya naman hindi nawawala ang kanilang asaran sa tuwing nagkakausap sila.
Kung kaya't hanggang sa huling sandali ay muling nagbitaw ng biro si Ate Gay na huwag muna siyang isama ni Dax sa kung nasaan man ito ngayon.
Read: Ate Gay says treatment for neck lump is showing positive results
Mababasa sa nasabing post: "Di ka naman maganda, dai, hahaha.
"Ayan ang lagi kong pm kay Dax, tapos sasagot siya ng, 'Ahhh, ganon ba.' Hahahanap siya ngayon ng picture ko at sasabihin, 'Eto ba, maganda?' Hahahah, lab u, Dax.
"Ayaw kong sabihin na mamimiss kita, juskooooo, ayoko pa, Dax, lalaban pa ako.
"Kantahan mo sila diyan nang bongga.
"Kanina, nagpasalin ako ng 2 bags na blood sa Asian [Hospital]. Mababa kasi ang himolbolin/himolhorin, ahhhh, basta mababa ang dugo ko, now normal na.
"Thank you, Lord Jesus."
Read: Ate Gay, itinuturing na himala sa buhay niya sina Chaye at Heart
Atak mourns death of Dax
Gaya ni Ate Gay, inalala rin ni Atak Araña ang kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng screenshots ng kanilang mga dating pag-uusap.
Batay sa palitan nila ng mensahe, patuloy na kinukumusta ni Atak si Dax, na tila may iniindang karamdaman at pabalik-balik sa ospital.
Saad sa caption: "Ang hirap naman Dax Martin II...Nakaraan lang tayo nag-chat tapos now wala ka na.
"Lungkot namin, nasa biyahe kami now. REST IN PARADISE WITH THE LORD. Kantahan mo sila, Lovi Poe, ha.
"Lovi Poe ang tawag namin sa kanya sa Clowns Republik Comedy Bar Official.
"No more pain na, friend. Paalam, friend."
Read: EXPLAINER: What you should know about Influenza-like Illness
ERIC and Pepita honor Dax's memory
Dalawa pa sa malalapit na kaibigan at kasamahan ni Dax sa industriya ang nagluluksa sa kanyang pagpanaw—sina Eric Nicolas at Pepita Curtis.
Sa isang Facebook post, nagpaabot ng pagpupugay si Eric kay Dax.
Post ni Eric sa Facebook, "Nabawasan na naman ng kasama sa industriya ng stand-up. RIP Dax...."
Inilarawan naman ni Pepita si Dax bilang isa sa mga “pinaka-sweet” at mababait na nakatatandang kuya niya sa Clowns Republik, ang comedy bar na pagmamay-ari ng Eat Bulaga! host na si Allan K.
Mababasa sa kanyang post, "Another beautiful soul, isa sa pinakasweet at mabait na kuya ko sa Clowns Republik.
"Kuya Dax Martin II, mahal na mahal ka po namin. Maaalala po kita sa "Dance With My Father.""
Read: 49th Gawad Urian: Jericho, Carlo, Odette, Maris are big winners
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ni Dax tungkol sa sanhi ng kanyang pagkamatay.
