Single at kailanman ay hindi pa umano nagkaroon ng boyfriend si Atasha Muhlach.
Sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, October 12, 2026, natanong ng host na si Boy Abunda ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez kung mayroon na ba siyang boyfriend sa kasalukuyan.
“Single po. Very, very single,” sagot ni Atasha.
Sundot na tanong ni Boy, "Have you had a boyfriend?"
Mabilis na sagot ng dalaga, “No, I have not."
Bagamat wala pa raw siyang nagiging kasintahan, sinabi ni Atasha na may mga nagpaparamdam at sumusubok manligaw sa kanya.
Read: Atasha Muhlach admits to being hurt by criticisms
Bukas daw siyang makakilala ng mga taong may mabuting intensiyon, ngunit sa ngayon ay may iba siyang nais pagtuunan ng pansin.
Pahayag ni Atasha: "I’m very approachable in terms of being kind, but I think it’s very known that my priority talaga is my work.
"Merong [nagpaparamdam], but they all know that my priority talaga is work."

Pagdating naman sa love life, suportado raw ng kanyang mga magulang kung may gugustuhin man siya.
Ani Atasha: "They always tell me is to just, you know, if it makes you happy, then it makes you happy.
"Basta mabait po sila and someone has a good heart."
Muling pag-uusisa ni Boy, "Walang masugid na nanliligaw?"
Saglit na napahinto si Atasha bago humalakhak at sumagot ng, "Wala naman. Work lang, work lang."
ATASHA MUHLACH, JACOB ANG RUMORED ROMANCE
Ang pag-amin ni Atasha na single siya ay kasunod ng mga espekulasyon tungkol sa tunay na relasyon nila ni Jacob Ang, anak ng business tycoon na si Ramon Ang, ang chief executive officer at chairman ng San Miguel Corporation (SMC).
Lalo pang naging usap-usapan ang dalawa matapos silang makitang magkasama sa iba't ibang okasyon, kabilang ang kasal ng kapatid mismo ni Jacob na si Carmela Ang noong May 2026.
Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding
Sa mga larawang ibinahagi noon ni San Juan Mayor Francis Zamora, na isa sa mga bisita sa kasal, makikitang magkatabi at magkaakbay sina Atasha at Jacob sa naturang pagtitipon.

Gayunman, hindi iyon ang unang pagkakataong napansin ng publiko ang pagiging malapit ng dalawa.
Noong August 2025, naging paksa na rin sila ng espekulasyon matapos mapansin ng netizens ang presensiya ni Jacob sa ilang pagtitipon ng pamilya ni Atasha.
Read: Jacob Ang spotted with Atasha Muhlach and her parents
Sa isang viral group photo ng pamilya ni Atasha, makikitang tila nakasandal si Jacob sa likod ng dalaga. Pareho rin silang may magagandang ngiti habang nagpapakuha ng litrato.
Hindi malinaw kung ano ang okasyon at kung saan kuha ang litrato.

Hindi rin malinaw kung higit pa sa pagiging magkaibigan ang ugnayan nina Atasha at Jacob.
Sa isang 2025 interview, inilarawan ni Ramon Ang si Atasha bilang “a very nice lady.”
Subalit nang matanong kung ano ang kaugnayan ng anak niyang si Jacob kay Atasha, sinabi ng bilyonaryo na magkaibigan lamang daw ang dalawa.
Read: Fans wonder: Is Jacob Ang courting Atasha Muhlach, or are they already a couple?
